MaAnne's Pov
Hello everyone. Im MaAnne Domingo your first honor your president and your perfectionist friend ^_^.
Naiilang na ako sa galaw nitong partner ko kuno na tinabi saken ng mga kaibigan ko.
"Are you okay?" sabi sake ni Xyien.
Nahalata nya ata ako ng usog ng usog sa gilid ko habang nakaupo tuwing lalapit sya saken. Di ko trip ang mga ganito okay lang saken na kame kameng magkakaibigan lang kahit buong gabi kame maginum walang kaso saken pero ito?? Ito na may mga kasamang boys. No way never in my dream. Bata pa ako at ayokong magkaroon kahit na anung attachment sa opposite gender ko. Bukod sa di pa ako ready eh ayoko din nitong lalaki na pinartner saken. May itsura sya.. siguro kung sa artista.. sya si Zanjoe Marudo pero ang gusto ko eh yung Sam Milby ang datingan.
"Y-yes of course. Why?" takang tanung ko sa kanya.
"You look tensed." sabi nya at saka tumawa ng bahagya.
Kunot noo naman akong tumingin dito.
Anung tensed?? Hellerr... Eh ikaw kasi may pa ninja moves ka na.. Kapag ako naninja moves mo dito uuwi kang the flash mas mabilis pa sa kidlat ka makakauwi ng bahay nyo.
Nakita ko itong kumuha ng ice at nilagay sa baso sabay salin ng beer at tinungga yun. Sa aming apat mukhang kame lang ang di masyadong naguusap. Sasagot lang ako sa tanung kapag kinakausap sya.
Maboring ka kung maboring ka wala akong pake.
Di ko sya inimikan at patuloy lang na nakikiramdam sa paligid ko. Mukhang nakainum na kameng lahat at may mga tama na pero alam kong kame lang ni Sab ang pilit na nilalabanan ang tukso.
Kanina ko pa tinitignan sila Dana at Xyien na naglalampungan sa kabilang upuan samantalang si Glenda naman ay nawala na sa paningin ko sabi nya magbabanyo lang daw eh pati yung partner nya wala na din.
>>__<<
Si sab naman ay pilit lang ang ngiti habang kausap si Bryan. Di lingid sa isip ko na gusto syang ligawan ni Bryan pero mapapansin kay Sab na nakikisama lang ito at paminsan minsan ay umiiwas.
This is not the best idea Dana!! Di na sana ako pumayag. Sigurado ako na kapag dalawa kame ni Sab ang di papayag di ito mangyayari at mauuwi lang sa hapunan ang talaga namang plano.
Bigla kasi sumulpot tong mga ugok na to eh..
"Di ka na ata umiinum." napabalikwas ako ng ilapit saken ni Xyien sa tenga ko ang labi nya halos lahat ng balahibo ko ay nagsitayuan dahil na rin sa boses nyang namamaos pa. Umusog ulit ako at nang wala na akong ma uusugan ay wala na akong nagawa ng lumapit sya saken at namilog ang mga mata ko ng isang pulgada na lang ang lapit ng mukha nya sa mukha ko
Tang*na
This cant be happening.
Para akong napalarisado at nanginginig ang mga kamay kong nasa likod habang ang katawan ko ay nakaharap sa kanya..
"Mmm...." umubo si Sab..
Thank you Sab..
Nakita ko na lang sya na nakatayo na sa gilid ko. Kunot noo nya akong tinigan at saka nagpalipat lipat ng tingin samin ni Xyien...
Its not what you think.. Please lets go na.
T_T
Nagpapasalamat naman ako ng nakuha nya ang ibig kong sabihin gamit ang mata ko.
"Its getting late. I think we should go." sabi ni Sab saken agad naman ako umayos ng upo nang makitang lumayo ng bahagya saken si Xyien
"Y-yeah." utal na sabi ko.
Tumango ito atsaka may binulong kay Bryan na sa tingin ko ay ngpapaalam na din. Di ko naman na kinausap si Xyien dahil sa nangyari kanina..
I think i embarassed him. Eh pano kasi hahalikan na nya ako eh alangan naman na magpahalik ako ayokong nga sya ang first kiss ko.
"Xyien sabihan mo na sila Elisha at Franz aalis na tayo." nakangiting sabi ni Bryan kay Xyien. Nakita ko namang tumango si Xyien at agad na tumayo para puntahan ang dalawa pa nyang kaibigan..
Hayyysss... Save by the bell ako dun ah.
- _ -
Kasalukuyan kong inaayos ang bag ko ng magsalita si Sab sa gilid ko.
"Anu okay ka lang?" bulong nya saken..
"Kamuntikan nang manakawan." sabi ko atsaka tumayo na.
"Hahaha.. I told you not to drink eh." sabi nya na may nang aasar ng tono
"This is the last." sabi ko atsaka nagcross ng arms. "Anyways thank you for saving me in that ninja turtle." sabi ko "I almost kissed" dagdag ko atsaka nagpaalam muna ng magbanyo para ayusin ang sarili bago umuwi. Buti na lang at galing kameng laro kaya dala ko ang toothbrush ko. Nagsepilyo ako para matanggal ang amoy ng alak saken atsaka nag spray ng pabango.
Saka ko tinignan ang relo ko ng shit..
Its 9 na. We drink for 3hours?..
Omg..Mabilis akong lumabas ng cr at saka dumeretso sa pwesto namin kanina. Nakita ko naman na kumpleto na kame dun at saka sabay sabay na lumabas. Tinawagan naman na ulit ni Dana si Manong at ilang minuto pa ay dumating na ito.
Isa isa kameng nagsisakayan sa van. Nauna ako sa may tabi ng bintana at salubong ko namang tinignan kung sino ang makakatabi ko walang iba kundi si Xyien.
Di pa ba tapos?? Pati dito by partner pa rin....
O_o
Nang makasakay na kameng lahat ay saka na pinaandar ni Manong ang kotse. Ihihiga ko sana ang ulo ko sa upuan para sana mairelax saglit ng may magsalita.
"I enjoyed drinking with you." nakangiting sabi nya..
Si Xyien!!
Naiayos ko naman ang upo ko sa sinabi nyang yun.
"Ahh yeah." sabi ko habang ang tingin ay nanatili sa harap. Di ko alam kung pano sya pakikisamahan ngayon dahil may alak na sa ulo nya at baka kung anu pa magawa nya.
Di naman na ito nagsalita pa at mabilis naming narating ang bahay nila Dana. Nagpasundo naman ako sa papa ko ng tricycle medyo malapit lang kame lahat ng isat isa sa bahay nasa iisang baranggay lang kame pero si Sab ay sa kabilang baranggay pa kaya pagkababa namin ay hinatid na lang sya sa bahay nila.
Isa isa na kameng sinundo ng mga sundo namin at isa isa na ding nagsipaalaman.
Nang dumating si papa ay humalik muna ako sa pisngi at agad na sumakay sa loob ng tricycle ramdam ko ang tama ngayon ng alak at baka bigla na lang akong matumba.
"Bye!" sigaw ni Xyien
O_o
Shemay.. Wag mo akong paandaran ng ganyan andito erpat ko.
Di ko naman sya pinansin at nanatiling tahimik lang hanggang sa makauwi ng bahay.
Humalik rin ako sa mommy ko ng salubungin nya ako kinamusta pa nya ako pero nagdahilan na lang ako ng medyo pagod at bukas na lang magkkwento.
Dumeretso ako sa room at naghilamos saka humiga tumitig muna ako sa kisame.
Worst night ever..
Yung inaasahan kong masayang victory ay nauwi sa double kill at first blood pa ata.
Double kill para dun sa dalawa kong friend ewan ko lang kung may na first blood.
>>__<<
YOU ARE READING
I LOVE YOU AND I LOVE HIM
RomanceSi Sabrina at Louis ay magkakabata at pinangakong sila na ang para sa isat isa pero nagbago ang lahat ng dumating si Marvin. Kaya pa ba nila ipaglaban ang sinumpaang pagibig sa kabila ng pagbabago ng isa.