Louis' Pov
Nagising ako sa katok ni ate.
"Hoy majinbu!! Tanghali na!!" sabay katok ng malakas sa pinto.
"Oo!"
Iminulat ko ang mga mata atsaka umupo.. Damn ang sakit ng ulo ko..
T_T...
May hangover pa ata ako...
Nakalimutan kong lunes pala ngayon. Hawak ko ang ulo kong lumabas ng kwarto..
"Anak.. Bilisan mo ng kumilos at malalate na kayo sa school." si mommy
Agad naman akong umupo sa mesa at kumain ng biglang lumabas si ate na nakauniform na.
What?? Anung oras na ba??
"Hoy majinbu bilisan mo na!! Mag aalas syete na."
Kunot noo naman akong tumingin sa relo na nasa wall namin ng makitang 6:45 na.
Fuck... Malalate na ko.
Binilisan ko ang pagkain. Halos mabilaukan na ako sa pagmamadali ko. Hindi ko na nginunguya ang pagkain at agad na nilulunok na lang.
" Dahan dahan Louis.". Saway saken ni mommy
"Mom bat di nyo ako ginising ng maaga." inis na sabi ko.
"Kanina pa kita kinakatok sa room mo pero di ka magising kaya ate mo na lang ang inutusan ko.. Osya sya.. Bilisan mo na at baka malate pa kayo."
Di ko na naubos pa ang pagkain ko at agad nang dumeretso sa cr para maligo mabilis naman akong natapos at mabilis na ngbihis ng uniform.
Nang lumabas ako ng kwarto ay galit na napatingin saken ang ate ko at saka naunang lumabas ng bahay.
Agad din akong sumunod sa kanya.Araw araw kameng nagsasabay papasok sa school pero kanya kanya na pauwi. Minsan kasi ay nahuhuli na sya ng uwi dahil sa college na sya. Ako naman ay nasa third year high school pa lang.
Naglalakad na kame palabas ng may makita akong isang pamilyar na babae sa kabilang kalsada.
Si Sabrina..
LUNOK...
O_o
Naghihintay din ito ng jeep papasok sa school. Nang makaharap ko sya ay tinignan ko ito at di ko inaasahang nakatingin din sya saken.
O_O
Nakipagtitigan ito saken..
Why is that???
>>__<<
Nakita ko na naman yung mga mata nyang parang nanghihigop yung mga mata nya na parang gustong yakapin sya at saka halikan.
>>__<<
Bumalik lang ako sa wisyo ng may humintong jeep sa harap ko. Naunang sumakay ang ate ko at sumunod naman ako.
Wala ang driver namin kaya mapipilitan kameng magjeep ng ilang araw.
Nang makasakay ako ng jeep ay palihim pa akong tumingin sa bintana para makita si sabrina pero di na ito nakatingin samin.
Sab's Pov
Napatingin ako sa kabilang kalsada ng makita ko ang isang lalaking naglalakad.
Hinintay ko syang huminto paharap saken at saka sya tumingin.
Nakipagtitigan naman ako dito..
Matibay ako sa titigan boy..
Matagal bago nya binawi ang tingin at natawa pa ako ng muntik na syang matumba nang may huminto na jeep sa harap nya.
- _ -
Panay kasi imagine.. Iiling iling sabi ko sa sarili.
Nang makasakay na sila ng jeep ay agad din akong tumingin sa kalsada naghihintay sa mga palapit na jeep.
Magkasalungat ang direksyon ng school namin ni Louis. Private ang gawi nila at public naman ang sa akin.
Naalala ko pa nung una ko syang makita..
Pormado... malinis sa katawan.. clean cut ang gupit... At mabango..
Halatang mayaman..
Inalis ko sya sa isip ko at agad na pinara ang jeep na papalapit samen. Kasama ko ang kuya ko at isang pinsan ko. May malapit na public school samen walking distance lang pero mas pinili ng mga magulang namin na mag aral sa bayan kaya no choice kame kundi ang magjeep at maglakad papasok sa school.
Kaya pagdating namin sa school ay lagi ng tapos ang flag ceremony mahirap kasi ang jeep sa amin maghihintay ka ng ilang minuto kapag lumampas ang isa pang jeep.
Transferee kame ng kuya ko sa school na to.. galing kame sa manila at napilitan na umuwi ng probinsya sa di inaasahang pangyayari.
At dahil sa kaya kong makipagsabayan sa mga classmates kong matatalino nagkaroon ako agad ng mga kaibigan.
Mas enjoy ko ang mag aral dito sa probinsya dahil kunti lamang ang mga bata compared sa manila. Yun nga lang eh ang hirap ibigkas ang lenggwahe nila matigas at parang laging galit na tono.
"Sama kaba sa SGO sab?" sabi saken ni MaAnne nang makarating ako sa classroom sya first honor namin.
"Anu yung SGO?" tanung ko habang nilalapag ang bag sa may upuan.
"School Government Officer. Kung sasama ka kukunin kitang secretary."
"Huh?? Paano ba ang gagawin?"
"Magiikot ikot tayo sa mga rooms at kukuha tayo ng mga boto dagdag extra curricular din yun kapag nanalo ka." nakanginting sabi nya
"Hmm sige eh ikaw ba ang president?"
Tumango naman ito at sinabi pa ang ilan sa mga kasama namin. Kampante naman akong sumali sakanila dahil halos lahat ng kapartido ko ay mga kaibigan ko at kumuha rin sila ng representative sa ibat ibang level.
Mabilis na natapos ang subjects namin.. Halos wala masyadong exercises at quizzes dahil na rin siguro makapagprepare ang mga student na kasama sa election.
Dumeretso kame sa social hall para sa meeting ng president namin. Sinabi nito na bukas na ang start ng campaign at magprepare kame sa mga spiel namin sa harap..
Nang matapos ang meeting namin ay nagpaalam na ako sa kanila at sabay sabay naman na ulit kameng umuwi ng kuya at pinsan ko.
YOU ARE READING
I LOVE YOU AND I LOVE HIM
RomanceSi Sabrina at Louis ay magkakabata at pinangakong sila na ang para sa isat isa pero nagbago ang lahat ng dumating si Marvin. Kaya pa ba nila ipaglaban ang sinumpaang pagibig sa kabila ng pagbabago ng isa.