Sab's Pov
Ang daming matang nakamasid...
>>__<<Para kame tuloy mga artista dahil lahat ng atensyon ay napunta samin.
- _ -
Papasok kame sa simbahan ni Louis at dahil sympre nakita kameng magkasama kaya kumpulan na naman ng tsismis.
Sabi na nga ehh...
- _ -
Maliit lang ang baranggay namin kaya halos lahat ng mga tao dun ay magkakakilala.
Dahil sa pangungulit niya kagabi ay napapayag nya ako na isama sya para magsimba.
"Dont worry about them." sabi nyang nakangiti habang naglalakad kame papasok.
Tumango lang ako at tahimik na umupo sa may bandang unahan.
"Ui ui.. Kayo ba?" tanung ng babaeng katabi ni Louis.
LUNOK..
O_O
Namilog ang mata ko ng makita kung sinu ang nagtanung..
Yung number two tsismosa sa lugar namin..
Kung minamalas ka nga naman ohh.. Iniiwasan mo na nga.. Nswertehan pa..
"Ahh h-hindi pa po." sagot ni Louis sa kanya.
"Hindi pa? Eh di nililigawan mo sya? "
O_o
Nasa simabahan na nga nakikiusyoso pa..
No place and time can break the tsismosas.. Tandaan nyo yan.
Tumango lang si Louis sakanya. At nang mapansin nyang di ako komportable ay nag aya itong lumipat ng upuan..
" Tara dun tayo. "sabay nguso nya sa mismong unahan dun sa likod kung saan nakaupo ang mga madre.
Papaupo na sana kame ng mapansin ko kung sino ang mga makakatabi namin..
What the hell...
At talagang nagsisimba pa pala ang mga to..
Makakatabi naman ang number 4 and 5 na tsismosang magbestfriend..
Luminga linga ako sa mga upuan na may bakante pa pero bagsak ang balikat kong nakitang halos mga tsismosa ang makakatabi namin..
Sino ba ang nagpatawag sa inyo?? Bakita ngayong araw nyo pa napiling magsimba?
Wag mong sabihing alam nila na magsisimba din kame. Lakas talaga ng radar ng mga to..
Hinila ko si Louis palabas ng simbahan. Taka naman itong tumingin saken pagdating sa labas.
No choice sibat na muna tayo..
"Sa susunod na lang tayo magsimba. Biglang umiba ang ihip ng hangin ehh.. Nakaschedule ata silang ngayon." seryosong sabi ko
Kunot noo naman itong tumingin saken..
"Sinong nakaschedule?" sabi nya.
Di ko na ito sinagot at basta nalang hinila sya papunta sa kotse nya.. Bumuntong hininga na lang ito at saka binuksan ang pinto at inalalayan akong pumasok.
Sinandal ko ang ulo ko sa upuan ng kotse para ipahinga sa stress kanina..
Grabe may mga schedule siguro sila. Pero di ko naman sila napapansin kapag ako lang ang nagsisimba hayyy.... Sorry Lord next time na lang po..
YOU ARE READING
I LOVE YOU AND I LOVE HIM
RomanceSi Sabrina at Louis ay magkakabata at pinangakong sila na ang para sa isat isa pero nagbago ang lahat ng dumating si Marvin. Kaya pa ba nila ipaglaban ang sinumpaang pagibig sa kabila ng pagbabago ng isa.