Sab's Pov
Nanunuod ako ng tv ng may tumawag saken sa bintana.
"Sab asan kuya mo?" sabi nung isang lalaking kapitbahay namin.
"Nasa crossing ata nagcocomputer." sabi ko.
Parang tanga naman itong nagsasalita sa bintana ng pabulong.
"Ahh Sab anu kasi... Usap daw kayo ni Louis." sabi nya
"Huh??? Louis na anu??"
"Si Louis yung taga jan sa kabilang kalsada.. Anu kasi gusto ka daw nya kausapin."
O_O
Pilit nyang pinapahina ang boses nya para siguro di marinig ni mama na nasa kusina at nagluluto ng hapunan
"Bakit daw?" takang tanung ko.
"Basta may sasabihin daw sayo eh."
"Ehh?"
"Sige na.. saglit lang daw."
Tumango na lang ako at saka tinanung kung saan kame maguusap. Nang masabi nya ito ay agad na itong umalis. Nagkunwari naman ako sa mama ko na may bibilhin saglit para makalabas ng bahay.
- _ -
>>__<<
Kinakabahan naman akong pumunta sa lugar na sinabi ni Von.
Anu kayang paguusapan namin?? At bakit ako?? Kelan pa kame naging close para magusap??
Tsk tsk tsk
Nadatnan ko syang nakaupo sa silong ng isang puno.
LUNOK..
O_O
Parang bigla ay gusto ko nalang umuwi..
Hayysss..andito na ako ehh.. Sige na nga..
- _ -
Kunot noo naman akong lumapit sa kanya. May upuan na din dun para saken kaya lumapit ako dito at umupo sa harap nya. Tinitigan ko naman sya at halatang kinakabahan sa mga ginagawa nya.
Nakatingin ako sa kanya at hinihintay syang magsalita.
5
4
3
2
1"Ahh... Sabrina alam ko namang may gusto ka rin saken kaya... --
" Anu??!!! Pinutol ko ang pagsasalita nya ng magpantig ang tenga ko sa narinig ko. Pinapunta mo ako dito para lang sabihin yan?! " inis na sabi ko. Pinilit kong wag sumigaw dahil sa gabi na at ayaw kong may makarinig samin baka matsismis pa kame.
Lugar ng mga tsismosa pa naman ang lugar namin...
"Hahaha.. Tumawa sya sabay turo saken at hawak sa tyan nya. Joke lang ikaw naman masyado kang seryoso."
Ambagel...
[trans: baliw]Galit ko naman itong tinignan..
Pinapunta nya ba ako dito para asarin.
Siraulo!!!
"Di tayo close para biruin mo ako." seryosong sabi ko.
Nakita ko naman itong sumimangot at sumeryosong tumingin saken.
"Gusto ko sana makipagkaibigan sayo." sabi nya
Tinignan ko sya sa mga mata at nakikita ko dun ang sinseridad nya. Matagal akong tumitig sa kanya at di ko maitatangging gwapo sya. Matangos ang ilong at mapuputi ang mga ngipin bagay na gusto ko sa isang lalaki..
>>__<<
"Wag mo akong titigan naasiwa ako sa tingin mo." sabi nya na may halong nakakalokong tingin.
"Anu??" sabi ko at agad na tumingin sa gilid ko.
"Kung pwede sana? " paguulit nya sa tanung nya at saka ngumiti ng bahagya. Tumingin naman ako sa kanya at nagtama ang paningin namin.
LUNOK..
O_O
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko..
>>__<<
Parang bigla ay agad akong nahiya sa kinauupuan ko..
Parang gusto ko ng umuwi at tumakbo ng mabilis..
T__T
What is this im feeling right now..
"Bakit?" mya mya ay tanung ko.
"Dahil gusto ko lang." sagot nya at nagkibit balikat
"Bakit?" paguulit ko.
"Dahil di ka mawala sa isip ko."
"Bakit?"
"A-anu bang puro ka bakit eh.." naasara na sabi nya
"Di ko kasi maintindihan eh.. Bakit parang biglang gusto mong makipagkaibigan. "
"Basta.. Kunin ko na nga lang number mo baka hanapin kapa ng mama mo." sabi nya saka nilabas ang cellphone
Shockss oo nga pala muntik ko ng makalimutan... Medyo matagal na ako sa tindahan.. >>__<<
"Sige na nga.." napilitang sabi kk saka kinuha ang cellphone nya at tinype ang number ko doon.
"Sige na umalis ka na. Itetext na lang kita."
Bwisit na to.. Ang galing..!! sya pala tong may kelangan ako pa ang nageefort na pumunta dito.. Tapos ngayon..?? Pagkatapos makuha ang kelangan papaalisin na agad ako..
Peste.. Peste.. Peste..
Tumayo agad ako at saka mabilis na naglakad pauwi.
" Ohh anung nabili mo?" agad na bungad saken ni mama
O_o
LUNOK
"Ahh haha.. Naubos na daw ma. Bukas daw ulit sila bibili." iwas na sabi ko at saka agad na dumeretso sa kusina..
Baka mahalata.. Patay na..
"Tara ma kain na tayo." sabi ko para di na magtanung pa. Hinanap naman ng mata ko ang kuya ko pero di pa ito nakakauwi. Mahilig talaga syang magcomputer at puro computer games lang ang ginagawa. Pinapabayaan lang naman ito ni mama para di na sila magaway.. Kapag sinusuway nya kasi ito ay ito pa ang may ganang magalit.
"Sige na mauna ka na. Pupuntahan ko lang ang kuya mo." sabi nya at saka naglakad palapit sa pinto
"Wag na ma. Pigil ko sakanya.. Uuwi din naman yun pag gutom."
Nakinig naman ito saken. Kumuha na ako pagkain naming dalawa at tahimik na kumain ng hapunan.
Nasa kalagitnaan kame ng hapunan ng tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino iyon at bagong numero ito na di pamilyar saken bubuksan ko na sana ng mapansin kong nakatingin saken si mama kaya naman di ko na muna pinansin at nagpatuloy ako sa pagkain.
Nang matapos kame ay mabilis akong naghugas ng plato at dumeretso sa kwarto. Humiga ako agad sa kama at binuksan kung sino ang nagtext.
Text message.
From: 0919259****
Hi sab. :) Kain ka madami.. Pakabusog ka. :)O_o
Napangiti naman ako sa nabasa ko..
^_^
May kung anung kilig sa puso ko. Alam kong kahit di ko na itanung kung sino yun ay alam ko ng si Louis yun..
Sabik akong nagtype nang reply ko sa kanya ng...
Check Operator Service
Natutop ko ang noo ko. Bwenas.. Sabay iiling iling.
Nilagay ko na lang ang cellphone ko sa kama at dumeretso sa cr para maghilamos.
YOU ARE READING
I LOVE YOU AND I LOVE HIM
RomansaSi Sabrina at Louis ay magkakabata at pinangakong sila na ang para sa isat isa pero nagbago ang lahat ng dumating si Marvin. Kaya pa ba nila ipaglaban ang sinumpaang pagibig sa kabila ng pagbabago ng isa.