Ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa pagkapasok ko sa unit ko. Halos isang buwan nang nawawala sina Marcus at wala pa ring nakukuhang lead ang mga pulis. Sa bawat araw na lumilipas, walang minutong hindi ko naiisip si Morris.
Gabi gabi ko siyang napapanaginipan—minsan masaya, madalas malungkot. Siguro dahil sa pangungulila ko sa kaniya at sa pagkasanay na lagi siyang nasa tabi ko kaya ganon ang mga panaginip ko. Nami-miss ko na siya—sobra.
Gusto ko na siyang makita; mahawakan; mayakap at mahalikan. Sa bawat araw ko siyang hindi nakakasama, mas lalo akong nangangamba. Ano kaya ang lagay niya? Nakakakain ba siya ng maayos? Maayos ba trato sa kaniya? Nakakatulog ba siya ng maayos?
Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Huminga uli ako ng malalim bago tumayo at kumuha ng maiinom. Nakasandal lang ang katawan ko sa lababo habang taimtim na iniisip si Morris. Sa ilang minutong pagkatahimik, biglang pumasok sa isip kong alaala.
flashback
*************************
Sabado ng gabi, naglalakad ako papunta kila Sean. Sa aming magkakaibigan—kung kaibigan pa nga nila ako—si Sean pa lang ang nakakaalam na nakauwi na ako mula sa states at ngayon bilang pambawi, nag-aya akong mag-inom kami para na rin makapag-hangout.
Taimtim kong tinatahak ang daan habang iniisip kung paano ko masasabi sa kanila ang rason sa biglaang pag-alis ko, nang mabaling ang isip ko sa taong nakabangga sa akin. Tinitigan ko lang ito habang siya nama'y humihingi ng tawad. Sa pagtama ng aming tingin, may nakita ako sa kaniyang mata. Magkaiba ang kulay nito—isang abo at isang dilaw—na siyang ipinagtaka ko. Tatanungin ko sana siya kung ayos lang siya nang umalis ito agad at nawala na lang na parang bula.
Dahil sa pagkataka at gulat, kumunot ang nuo ko. 'Anong nangyari?' Ani ng isang parte ng utak ko. Tumalikod ako at saka nagpatuloy sa paglalakad.
Pagkaliko ko sa isang eskinita, may nakabunggo nanaman sa akin. 'Bakit ba lagi na lang akong nabubunggo?' Ani ng utak ko. Tinignan ko ang taong nakabangga sa akin at nagulat sa nakita. Siya. Ang taong labis ko nang gusto makita. Si Morris.
YOU ARE READING
Book 1: Possessive Madness (BL)
Fantasía"I love you so much. And that alone, is enough." "And I love you more. More than my life." "AKIN KA LANG!!!!"