"Tsaka ko na lang sasabihin sa'yo ang dahilan, sa ngayon..." Panimula niya at saka hinawakan ang aking pisngi. "...gusto kong malaman mo na..." Putol niya. Malapit nang pumatak ang mga luha niya kaya tumingala muna siya at nag-ipon ng lakas ng loob.
"Gusto ko lang malaman mo na kahit naging kami ni Khlea ikaw pa rin ang tinitibok nito," Sabay turo sa puso niya. "at iniisip nito." Sa ulo naman niya. Medyo nakornihan ako sa bandang yun pero pinabayaan ko na lang at nakinig sa sinasabi niya.
"Sa tagal nating magkasama sigurado na ako..." Putol niya uli. "sigurado na akong mahal kita at wala nang iba." Sabi niya. Puno ng tuwa ang mukha't mata niya. Isa isa nang bumagsak ang mga luhang kanina niya pang pinipigilang pumatak, mga luha ng sinseridad na pinaka ayokong makita.
Gamit ang kamay ko, pinunasan ko ang mga luhang dumaan sa mukha niya. Hinawakan niya ang kamay ko na naging dahilan ng pag-agos lalo ng mga luha niya.
"Can you be mine for the rest of our lives?" Tanong niya habang patuloy na umaagos ang mga luha niya.
"John," Pagtawag ko sa kaniya. Pinunasan ko ang mga luha niya bago sumagot. "hindi." Matipid kong sagot. Nagulat siya sa narinig, at napatingin sa akin ng diretso. Namumuo ang luha sa mga mata niya.
"H-Huh? Ba-bakit naman?" Takang tanong niya. Tumutulo ang luha niya sa narinig niya. Tinitigan ko siya kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Kasi wala kang mapapala sakin, John. Hindi ko mabibigay sa'yo ang gusto mo; ang magkaroon ng anak. Tanggapin ko man ang alok mo, hindi pa rin sigurado ang future natin. Saka natatakot ako. Natatakot ako na baka magbago yang nararamdaman mo. Na baka isang araw magising ako na nagbago ka na at iwan ako." Paliwanag ko. Hindi siya sumagot at nanatiling tahimik habang nakatitig sa akin. Patuloy ang pagtulo ng luha niya na siyang nagpahirap para sa akin na magkunwaring tumatanggi.
YOU ARE READING
Book 1: Possessive Madness (BL)
Fantasia"I love you so much. And that alone, is enough." "And I love you more. More than my life." "AKIN KA LANG!!!!"