Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan kasabay ng pag-unat ng aking katawan. Ito na ang huling araw na gagawin namin itong project namin. "Buti natapos natin 'to ng mas maaga." Sambit ni Sam, na siya ring nagu-unat ng kaniyang katawan.
"Oo nga, at nang makapag pahinga tayo bago ang prom." Gatong naman ni Ace. "Speaking of relaxing, tara kain tayo sa labas."
Hindi ako sumagot at tinignan aking phone, "Gabi na pala..." Bulong ko bago napansin ang ilang missed calls mula kay John. Dahil sa pagkabusy naming matapos ng maaga yung project namin, hindi ko na napansing naka silent pala yung phone ko. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, may biglaang bigat at pagsikip ang aking dibdib kaya't dali-dali kong idinail ang number niya. Ilang beses itong nag-ring ngunit walang sumagot kaya inulit ko ang pagtawag kasabay ng pagsiklab ng matinding pangamba.
Matapos ang ilang beses na pagtawag sa kaniya, sa wakas ay sinagot na niya. "Babss! Sorry talaga, hindi ko napansing naka-silent yung phone ko..." Bigkas ko ngunit walang tugon na maririnig mula sa kabilang linya kaya nagtaka ako. "Uh hello, Babs...?" Tawag ko ngunit wala pa ring tugon na siyang ikinakunot nang aking noo. "Babs..." Muli kong tawag na siyang sinuklian ng isang mahinang hikbi. Bigla akong kinabahan at nangamba, "Babss...?" At muling nanumbalik ang katahimikan sa kabilang linya.
Makaraan ang ilang minutong katahimikan, tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumabas sa may balcony ng kwarto ni Ace. Kasabay ng pagsarado ko ng pinto ay siyang paghikbi ng nasa kabilang linya. "Kuya...Mo..Morris..." Nagtaka ako, "Jay?...Jameson?" Tanong ko.
"Ku...ya" balik nito. " Si...Kuya John..." putol nito. Dahil sa matinding kaba, napahawak ako sa rehas ng balcony at biglaang nanikip ang dibdib. "A...Anong nangyari...sa kaniya?" Tanong ko. Nanahimik muli ang kabilang linya hanggang sa maputol ang tawag. "Hello?...Hello, Jay?" Kabadong tinignan ang aking telepono na siya namang pagpasok ng message ni Jameson.
-
---
Jameson
7:49 pm'Naaksidente si kuya John. Andito kami sa St. Mercy's Hospital.'
----
Pagkabasa ko ng kaniyang message, agad agad akong pumasok sa kwarto ni Ace at inayos ang aking gamit.
"Mori, anong meron? 'Bat parang balisa ka?" panimula ni Sam.
Nanatili akong tahimik at mabilis na inilagay ang mga gamit sa bag.
"Morris, alam ko hindi pa tayo ganong ka-close, pero hindi naman tamang pag-alalahin mo kami." Ani ni Ace. Dahil doon, tumigil ako at tinignan siya nang namumugto ang nga mata. "NAAKSIDENTE SI JOHN, OKAY!" Sigaw ko na siyang naging dahilan nang pagbuhos ng mga luha ko.
Natahimik silang dalawa at dahan-dahan akong nilapitan. Sam hugged me while leaning his head on my shoulder whilst Ace place his hand on my shoulder. At the comfort of their touches, I burst out crying.
We were in that position for a good half of an hour. I began to calm down and prepared myself for the worst-case scenario.
"At this state, I'm no way letting you drive." Ace stated.
"I agree. And we will come with you." Sam followed.
I looked at them before I flashed a tired smile and a simple nod. After a few more minutes of calming, we began continued to gather our stuff. Once finished, we then head to the hospital.
While we are on the road, I felt nothing except the worries of John's safety. I looked over the dark, gloomy road brought by the rain.
Half an hour passes by and we are enclosed with silence. Ace is driving, Sam is at the back, and I'm busy thinking of John. We were in that position when Sam gave me a sandwich but I refused. Then he gave me a bottle of water, I was about to refuse it but he insisted. "At least drink something." With that, I simply accept took it, and drink some.
---------
After an hour of driving, we arrived at the hospital. We went out of Ace's car before he drove off to park it.
While waiting, I looked and stared at the hospital where John was admitted to. Sam and I were in silence before he broke it off and gently placed his hand on my arm. "How are you? Tell me if there is anything more I can help you with." He smiled. I return his smile.
After a while, Ace appeared and stand beside us with his hand on his waist. "Ready na ba kayo?" He asked. Sam nodded before looking at me. I stayed staring at the hospital before words came out. "Can we...somewhere first? Sa tingin ko..., hindi pa kaya ng utak kong...makita siyang nakaratay at walang malay." I asked at the verge of crying. They looked at me and simply smiled. "Tara, dun tayo sa may café doon oh." Ace replied. Then I smiled shortly before returning to a emotionless face.
Once we arrived, Sam ordered for us leaving me and Ace. Habang naghihintay sa order namin at kay Sam, naramdaman kong nakatingin sakin si Ace. Ibinaling ko sa kaniya ang tingin, "Hmm?" Umiling siya at saka ngumiti at ibinaling ang tingin sa kaniyang telepono.
Ilang minuto pa ang lumipas sa ilalim ng nakakarinding katahimikan, dumating na si Sam dala ang aming order. Inilagay niya ang mga baso sa harap namin, ibinalik ang tray na pinaglagyan at saka naupo.
Humigop ako sa aking inumin nang blanko ang mukha. "Anong...tumatakbo sa isip mo ngayon?" Tanong ni Sam. Umiling lang ako at saka ibinaba ang iniinom. "Ayos naman. Nag-aalala pa rin ako sa kondisyon ni John." Tangi kong sagot bago pinaglaruan ang straw ng aking inumin.
"Basta andito lang kami ah." Ani ni Sam na siyang pumukaw sa aking atensyon. "Kung kailangan mo ng karamay at katulong, pwedeng pwede mo kong tawagin." Dagdag pa nito bago ngumiti na siyang sinuklian ko rin ng ngiti. Matapos kaming magngitian, napansin naming natahimik si Ace.
Nagkatinginan uli kami ni Sam bago niya tinapik ng ilang beses ang harapan ni Ace na lamesa bago ito tumingin sa amin na may bahid ng lunkot ang mukha. Nagkatinginan uli kami ni Sam bago sumagi sa aking isip na magkaibigan, best friend to be exact, silang dalawa.
Nakailang tapik pa si Sam sa kataoat na lamesa ni Ace bago namin nakuha ang kaniyang atensyon. "Ace, how are you?" mahinahong tanong ni Sam.
Pagtingin niya sa amin, ngumiti siya at saka sumagot. "Ah wala. Okay lang ako."
"Psh, lokohin mo lelang mo. Halata kayang apektado ka rin. 'Wag nga ako." Sarkastikong sagot ni Sam.
"Pft, oo na apektado na. Nagaalala lang din ako kay John syempre magkaibigan din kami." Aniya.
Tumango kami at sa pagiwas ng kaniyang tingin ay siyang pagkita at pagramdam ko ng kakaiba. Sa mga mata kita ang labis na lungkot maging ang mga mata niya'y unti-unti nang namunugto. Dahil dito, may nabuong tanong ang aking isip ngunit hindi ko muna itinanong sapagkat wala pa akong kongkretong ebidensya para magpatunay rito.
Ilang segundo pagkatapos ng maikling pag-uusap, nanatili akong inobserbahan ang mga kilos ni Ace habang nakasalampak sa aking inuupuan. Maya maya ay biglang tumunog ang kaniyang telepono. Kinuha niya ito, tinignan kung kanino galing bago tumayo.
"Labas lang ako saglit ah" paalam niya samin. Hindi kami sumagot bagkus ay tango lang ang aking isinagot. Habang palabas siya ng café, patuloy ko pa rin siyang tinitignan hanggang sa huminto siya at sinagot ang telepono. Makaraan ang ilang minuto, bumalik siya at naupo sa kaniyang pwesto.
Makaraan ulit ang ilan pang minuto, huminga ako ng malalim na siyang bumasag sa katahimik sa pagitan namin. "Tara na." ani ko at saka tumayo at kinuha ang aking inumin. Isa-isa kaming tumayo na bit bit ang kani-kaniyang inumin at saka nagtungo sa ospital.
YOU ARE READING
Book 1: Possessive Madness (BL)
Fantasi"I love you so much. And that alone, is enough." "And I love you more. More than my life." "AKIN KA LANG!!!!"