Uncovered

0 0 0
                                    

"Bakit kaya hindi tayo mag imbistiga?" Tanong ni Max habang nagbubuklat ng libro. Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa pagbuklat ng mga libro hanggang sa nabalot na ng katahimikan ang buong kwarto.

Andito kami sa mini library ng bahay ko. Naghahanap ng maaaring magamit sa paghanap kay Morris. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit ganon ang mata ni Ace nung prom. Isa rin yun sa mga hinahanapan ko ngayon ng mga kasagutan.

Napabuntong hininga ako sa kawalan ng pag-asang hindi makahanap ng mga sagot sa mga nangyayari dito.

Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa kapaligiran, kinuha ko ang isang libro st saktong paghawak ko dito may nakita ako. Nanginig ang katawan ko na siyang naging dahilan ng pagbagsak ko sa sahig at dahan dahang pumunta sa likod ang aking mga mata.

"Hoy kuya Sam, anong nangyayari sayo!?" Tarantang tanong ni Max habang marahan na inakay ako nito sa kaniyang bisig.

May nakikita akong tao. Malabo ito ngunit may naaninag akong pigura. Pigura ng lalaki na nagbibigay ng isang inumin sa isang babae. Bumalik ang eksena sa isang aninong naglalagay ng likido sa isang baso.

"KUYA SAM!!" Tarantang tawag sa akin ni Max habang marahang inaalog ang aking katawan. Natauhan ako at dahan dahang tumayo. Inalalayan ako ni Max hanggat sa maka-upo ako.

"Anong nangyayari sa'yo?" Tanong nito. Tulala akong naka-upo sa upuan habang siya naman ay kumukuha ng tubig at ipinainom sa akin, kinuha ko ito at saka ko ininom.

Inabot ko sa kaniya ang baso bago sumagot. "Ma-may nakita ako." Ani ko. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin ng nanantsa.

"Anong nangyari?" Takang tanong nito. Umiling ako at saka naghanap ng librong sa tingin kong makakatulong sa pagsasagawa ng nabubuong ideya sa aking isipan. Kung tama nga ang nakita ko kanina at saka ang ideyang nabuo sa isip ko, maaaring makatulong ito problema namin ngayon.

"Ito." Ani ko. Nakatingin lang siya sa akin nang nananatsa habang ako nama'y salit salit ang tingin kay Max at sa mga kakailanganing materiales.

-----------------

"Oh iho, bakit naparito ka?" Takang tanong ng nanay ni Ace. Andito ako kila Ace para mag-imbistiga kung totoo yung nakita ko kanina lang.

"Ah gusto ko lang ho kayo maka-usap, tita." Magalang na sabi ko sa kaniya. Pinatuloy niya ako sa loob at pinaupo sa sofa habang siya nama'y kumuha ng maiinom at makakain namin.

Habang mataimtim akong nag-iisip kung paano mailalagay yung nagawa ko, bumalik na si tita bitbit ang isang tray laman ang mga inumin at pagkain.

"Ano ba yung gusto mong pag-usapan natin?" Tanong nito. Uminom ako saglit bago sumagot.

"Kamusta na po kayo?" Tanong ko. Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya nang matanong ko iyon. Uminom ako uli at saktong natapon ito sa sahig at sa pantalon ko.

Dali-dali siyang kumuha ng pamunas habang ako naman ay mabilis na inilagay ang gawa ko sa inumin niya. Pagkabalik niya dala ang pamunas, mabilis na pinunasan ko ang basang parte ng pantalon ko at yung lapag habang siya'y humigop ng kaniyang inumin.

Tinignan ko siya habang umiinom. 'In three, two, one.' Maliit na ngiti ang nabuo sa aking labi nang nagbago ang aura niya.

Pagkababa niya ng tasa sa lamesa, bumalik ang diwa niya at saka tumingin sa akin.

"Si-sino ka? BAKIT KA NASA BAHAY KO?!" Galit na tanong nito sa akin.

Mabilis kong kinuha ang powder ng pampakalma sa bag ko at hinipan ito sa kaniya. Ang kaninang mabilis na paghinga niya'y unti unti nang bumagal hanggang sa naging kalmado na siya.

"Andito ho ako," panimula ko. "dahil may gusto lang ho ako malaman." Pagpapatuloy ko. Tumingin lang ito sa aking nakakunot ang noo.

"Kamusta na ho si Ace? May balita na ho ba kayo kung asan siya?"

"Huh? Bakit ano bang meron?"

"Nawawala ho si Ace." kalmadong sabi ko. Tinitignan ko lang siya at tama nga ang ideyang nabuo sa isip ko sa nakita ko.

"Huh? Naku iho, matagal nang patay ang anak ko." Ani nito. "Baka ibang Ace ang tinutukoy mo." Dagdag na tanong nito. Nagulat ako sa kaniyang sinabi at nanlaki ang aking mata.

"Si-sigurado ho ba kayo?" Tanong ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko habang naghihintay ng kaniyang isasagot.

"Oo iho. 3 years na sa linggo." Sabi nito at humigop uli ng kaniyang inumin.

Natahimik ako habang nag-iisip ng maaaring gawin. Habang nag-iisip, lumitaw sa aking paningin ang isang lugar. Nasa malapit kami ng bangin at may lalaking nakatayo dito.

Isang lalaking pamilyar ang tindig at hugis ng kaniyang pangangatawan. Nakatalikod ito at nakatingin sa malalim na bangin. Unti-unti ko itong nilapitan. Nagsalita siya, dahilan ng pagkakahinto ko. Pamilyar ang tinig niya.

"Kamusta ka na?" Aniya. Malalim ito at nakakatakot. Hindi ako sumagot, bagkus ay nanatili akong nakatingin sa kaniya—masamang masama.

"Hindi mo ba ako namiss, anak?" Tanong niya. Mas lalong lumalim at tumalas ang tingin ko sa kaniya.

Dahan dahan siyang humarap sa akin at sa pag harap niya'y laking gulat ko nang makita si Ace na malademonyong-pula ang mata at may nakakalokong ngisi ang nakabalandra sa kaniyang labi.

"Ang ganda ng katawang ito." Aniya. "Bata, malakas, at may ipagmamalaki." Dagdag niya.

"LISANIN MO ANG KATAWAN NA YAN!" Galit na utos ko sa kaniya. Ngumisi lalo siya sa nakita niyang reaksyon ko.

"At bakit ko naman gagawin yun?"

"BAKIT MO GINAGAWA ITO?! ALAM KO NA ANG TOTOO! MATAGAL NANG PATAY SI ACE AT GINAMITAN MO NG ITIM NA MAHIKA ANG PAMILYA NIYA PARA MAPAMUKHANG BUHAY SIYA!" Galit na sigaw ko. Ngisi lang ang iginanti niya bago siya naglakad dahan dahan palapit sa akin.

"Kalma ka lang anak." Panimula niya. "Alam mo...proud na proud ako sa'yo." Dagdag niya. Hindi ako sumagot. Pagkalapit niya sa akin, hinawakan niya ang aking balikat na sanhi ng pagdaan ng malamig na hangin sa aking likod.

"Ito ang tandaan mo," Panimula niya. Bahagyang naging seryoso ang ekspresyon niya kaya naguluhan ako. "malapit na tayo ulit magkita ng personal at hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa maipagpapatuloy ito pero..." Sabi niya. Hindi ko siya pinakinggan at mabilis na inalis ang kamay niya sa aking balikat at saka bumalik ang aking katinuan sa realidad.

"Iho, ayos ka lang ba?" Pagtawag ng mama ni Ace sa aking atensyon. Liningon ko ito saka tumango.

"O-oho. Ma-mauna na ho ako." Sagot ko bago tumayo at nagpaalam sa kaniya.

Pagkalabas ko sa bahay nila, kinuha ko ang telepono ko at mabilis na tinawagan sila John.

"Kailangan nating magkita." Sabi ko at saka binaba ang tawag. Pagkasakay sa kotse, tinext ko sa kanila kung saan kami magkikita at saka  pinaandar ang sasakyan.

Book 1: Possessive Madness (BL)Where stories live. Discover now