KABANATA 4

15.3K 756 134
                                    

HOMBRES ROMANTICOS SERIES 1:
UNDAUNTED
Scorpion Sergius Sebastos
Kabanata 4



SPICE AND WOOD masculine fragrance lingered into her nostrils. The guy who caught her on perfect timing smelled expensive, so manly, so amorous.

She was hot and bothered in his chiselled chest. Dinadala siya sa cloud castle ng samyong iyon. Ganoon ang pakiramdam niya.

Napakurap-kurap si Mihaela nang madama ang mainit at bahagyang makalyong palad sa kanyang balakang. Naalarma ang balat niya sa dampi niyon. May hatid iyong tilamsik ng alinsangan na gumagala sa katawan niya, particular sa dakong itaas ng mga hita niya. Walang kahirap-hirap na hinunhon siya ng kamay na iyon patayo.

Kagyat na nakaramdam ng kahungkagan ang pisikal niya nang ma-unattach ang palad na iyon sa balat niya.

"Two weeks, Vera! I don't want to see your face in my club for two weeks. Get out of my face!"

Natauhan si Mihaela sa mabalasik na boses na iyon. Mahina siyang hinigit ni Gigi sa sulok.

Anxious, she stared silence at her maddening Boss then to Vera. Nahabag siya nang makita ang matinding takot sa mga mata nito.

"B-but, Boss Serge, you know my situation. My stepdad is in the ICU. Wala akong ibang trabaho." Vera's voice cracked.

Vera's father's in the ICU? Tila nilamukos ang puso ni Mihaela gawa ng matinding awa. Aminado siyang hindi niya gusto ang ugali ni Vera subalit ibang usapan na kung sususpindihin ito. Hindi makakaya ng kanyang konsensiya lalo pa't may kinalaman siya roon.

She assumed that Vera's a breadwinner. Kung sasansalahin ni Sergius ang trabaho nito, saan ito kukuha ng itutustos sa pagpapagamot sa ama-amahan nito?

"You are defying my rules here in El Sacramento. Rule is rule, you better know the dos and don'ts inside the club. Labag sa patakaran ko ang manghamak ang isang babae sa kapwa niya trabahante. I can't tolerate that. I want you out now!" He has a visible throbbing veins in his neck.

"Boss Serge, maawa naman kayo. Kailangan kong kumayod. Magugutom ang pamilya ko." Vera pleaded, trying hard to hold her tears at bay.

He angrily slammed his hand against the door. "Help yourself out or I'll ask Grant to drag you out. Your call, Vera."

"Boss, please..."

"Vee, sumunod ka na lang. Kilala natin si Boss. Lalala lang ito kung hindi ka susunod." Awat dito ni Tiffany, isa sa alipores ni Vera.

Tumalikod na si Sergius. Umabante si Mihaela upang pakiusapan itong huwag suspindihin si Vera. Hindi dahil sa naaawa siya sa babae kundi dahil isinasaalang-alang niya ang kapakanan ng mga taong umaasa rito.

"Fuck! Kasalanan 'to ng malanding iyan!" She hissed at Mihaela.

"Tumigil ka na muna, Vera. 'Lika na kasi."

Napapailing si Mihaela.

"Mimi, no! If you are planning to go against his words, you'll be dead. Besides, Vera deserves his punishment. She hurt you." Warning ni Gigi.

"Vera deserves to be punished, I get it but not this one. I can get even with her but not in a way that can affect her family. I can handle myself, Gigi. I'll try to talk to Sergius. Stop worrying." She whispered to Gigi, reassuring that she can somehow make his mind change.

"Mimi, listen. You might see him sympathetic sometimes but trust me, he has a heart of stone, Mimi. He won't listen to anybody."

"I... I'll just try." She gulped hard.

UNDAUNTED [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon