HOMBRES ROMANTICOS SERIES 1:
UNDAUNTED
Scorpion Sergius Sebastos
Kabanata 23“I DO NOT KNOW if my decision was right about introducing these idiots to you, Ma.” Sergius said quietly but still managed to crack a joke. “Baka kasi maistorbo ang pananahimik ng kaluluwa mo kung makilala mo ang mga ‘to.”
Dapit–hapon ay naroon na naman siya sa puntod ng kanyang tunay na ina. Mag–isa lamang siyang pumaroon ngunit ewan ba niya’t ilang sandali pa ay nagsisulputan na rin si Ivor, Uno, Junger, Xerxes, North, Vasco, Ziggar at Onyx. Maging si Kajima na madalang lang na nakakasabit sa mga lakad nila ay nabitbit ni Uno. Galing ang mga ito sa paglalaro ng airsoft base na rin sa suot na sports gear ng mga ito.
Seeing his mother's name on her tombstone was still heart–wrenching, pulling him deeper into devastation, into the midst of agony. Ganoon pa rin ang tauli ng puso niya noong una siyang dinala roon ni Editha Vega. Walang pagbabago ang matinding paninikip ng kanyang dibdib sanhi ng pinaghalu–halong emosiyon. It brought anger into his heart. Alam niyang mali ang kuwestiyonin ang nasa Itaas kung bakit maaga nitong kinuha ang kanyang ina nang hindi man lang nagtatagpo ang mga landas nila ngunit iyon ang nararamdaman niya. Dinaya siya ng kapalaran. Ginago!
“Huwag mo naman kaming ilaglag kay Tita Stella, dirk.” Alma ni Uno at kapagkuwa’y hinubad ang tactical jacket. Ginawa nitong sapin iyon atsaka ito umupo sa gilid ng puntod. Sansaglit pa’y nakigaya na rin ng puwesto ang lahat.
“Leave it to me. Ako nang bahalang magpakilala ng sarili ko sa ermat mo, dirk. Hi, Tita Stella. Ako ‘to si Natoy—aray!” Malakas na daing ni Uno dahil binato ito ni Vasco ng nalaglag na sanga ng katmon.
“Natoy? Baka ibig mong sabihin Budoy. Iyon ka, Uno kasi sintu–sinto ka rin.”
“Mawalang galang na saiyo, Vasco! Hindi maghahabol sa akin ang lahat ng kandidata sa Miss Universe kung sintu–sinto ako. Baka ipa–martial law kita sa mga fans kong bebot. Magdahan–dahan ka, dirk.”
“Kapal! Baka ibig mong sabihin ay Miss Gay Universe, Undas division. ‘Yon maniniwala pa kami.” North laughed.
“Palibhasa mga insecure kayo sa kaguwapuhan ko kaya hinihila n’yo ako pababa. Ma–attitude din kayong lahat e.” Pagtatangkakal ni Uno sa sarili. Initsahan na lamang ito ng canned beer ni Sergius upang manahimik.
May baon–baon kasing serbesa si Ziggar.
“Naidaan mo na ba sa bahay ang plane ticket, dirk?” Mahinang untag ni Sergius kay Vasco.
“Yeah. I personally handed it to her, dirk. Wala raw siyang dadalhin na kahit anong gamit na galing saiyo.” Pagtatapat ni Vasco sa eksaktong sinabi ni Mihaela nang isadya niyang ibigay ang plane ticket nitong umaga.
Sergius sharply sighed then quietly guzzled from his canned beer. “Ipinaalala mo ba na kainin niya iyong mga niluto ko para sa kaniya bago siya tumulak ng airport?”
Vasco slightly shook his head. “Ipinakain lang sa mga doberman pinscher mo, dirk. Good thing I brought Gigi with me this morning. Siya na’ng bahalang maghatid kay Mimi mo sa airport.”
Imbes na mainsulto’y umiiling na umalik–ik si Sergius. Thoughts of her leaving him left a huge gaping hole in his heart, in his life. Isa lang ang natitiyak ni Sergius— iyon ay ang imposibleng paghilom ng hukay na iyon sa puso niya habambuhay.
“Are you really that pussy to let her go, dirk?” Ivor Innocenté asked while eyeing him strangely.
“This whole damn situation left me with no choice, dirks. Ginigipit ni Seamus ang mga hanapbuhay ng mga kaibigan ko, like your family, X. I knew some of you are not doing cool because of Seamus Grozu’s wicked games kahit hindi ninyo harapang sinasabi sa akin. Gustung–gusto kong maging makasarili. Gustung–gusto kong huwag ibalik si Mihaela sa Tatay niya and just happily flip every page of my life that I have her with me. Pero paano kayo? Paano si Mihaela? I have no choice but to close our book and stop seeking a happy ending for the sake of everyone's peace.”
BINABASA MO ANG
UNDAUNTED [COMPLETE]
Художественная прозаPUBLISHED UNDER BOOKWARE My Special Valentine's. UNDAUNTED In her temporary found world, he's hers. In her real world, he is a forbidden fruit that she craved yet she can't have. Mihaela Chasiti Grozu ran away from home to accomplish a mission. Sa...