Yes, it's bitin.😂✌️
HOMBRES ROMANTICOS SERIES 1:
UNDAUNTED
Scorpion Sergius Sebastos
Kabanata 18“SINKUWENTA MIL. Lagay na kayo!”
Lima sa mga kaibigan ni Sergius ang humugot ng infinity gold card galing sa kanya–kanyang wallet ng mga ito at ipinatong sa nakamuwestrang palad ni Junger. Para bang barya lang ‘yong binunot ng mga ito. Halos magkapanabay na ipinag–krus ang mga braso sa dibdib bago humalukipkip.
“Bank to bank.” Walang ganang sabi ng doktor na kahit medyo pikon ay nakisabay pa rin sa kalokohan ng grupo. “Pero kung si Uno ang mananalo sa pustahan na ‘to, sagot ko na lang ang isang taong bill for his psychiatric care ward.”
“Anak ka ng palakang kuba, Eliaz! Ano’ng akala mo sa akin? Siraulo?” alma ni Uno.
“Tingin mo normal pa rin ang pag–iisip mo?”
“Mawalang galang na saiyo doktor Earth Eliazar Evariste, matino ako. Bukod doon ay matalino pa.” Pagyayabang nito at maangas na umangat ang mukha. “Best in Sibika at Kultura yata ‘to noong elementarya.”
“Aba’y isa ka nga talagang henyo, dirk.” ani Ivor sabay tapik ng balikat ni Uno. “Kung ikaw ang best in Sibika at Kultura noon, sino ang pintor ng Spolarium?”
“Anak ka ng kubang lamok, Ivor. Spolarium lang ‘di mo alam? E paboritong banda natin ang gumawa niyan e. Eraserhead, dirk. Tangina! Nakakahiya kay Ely Buendia. Naturingan pa naman tayong avid fan nila.”
“Tangina! Henyo nga! Nakakaproud ang kacute–an ng utak mo, Uno. Iyong talinong sinasabi mo, sa tití mo nga napunta. Hayup ka!” nahihiyang usal ni Junger.
Napamaang si Mihaela habang nanonood kung paano kutusan ng grupo si Uno. Kung hindi pa ito tumakbo ay baka nagkaroon na ng blood clot ang utak nito.
The whole childish scene took her mind sidetracked.
Huli na nang mapansin ni Uno na dinala siya ng sariling mga paa malapit kay Cloe. Halos magkandatum ba–tumba ito sa pag–atras na tila ba isang multo si Cloe na nais nitong layuan. Naghagalpakan ng tawa ang mga kaibigan nito no’ng ipinagkrus nito ang dalawang hintuturo sa direksiyon ni Cloe. Uno rapidly mumbled the Our Father.
Dumilim ang mukha ni Cloe at inis na inirapan si Uno. “You’re not funny. Duh!”
“Duh ka rin! Don't talk to me! I don't talk to avatar.” Buwelta ni Uno kay Cloe na hindi man lang nag–atubili na patulan ang katarayan nito.
“Pusta na! Ano ba ‘yan? Onyx, maglagay ka na nang makasaksi na tayo sa kauna–unang pagsampal sa dakilang si Sebastos.” Naiinip na wika ni Ivor.
“Malas maglabas ng salapi kasi Biyernes ngayon kaya ipupusta ko na lang ang kapatid kong siraulo.”
“Damn you! Walang magtatiyaga sa ugali ng babaeng iyon.” Salansang ni Junger. “Orriental Anklet na lang.”
“Ha! Masaya ka!”
“Let’s get this on, fúckers. I'll double the bet.”
“Rich kid ey. ‘Di ka naman gano’n kagalit sa pera, Yarrick.” Paghanga ni Ivor sa kagalantihan ni Yarrick. “Sure win na ‘to. Sampal lang sa inyo? Puwes sa ‘min, putol ang títí niyan. Abangan n’yo.”
“Will you stop that nonsense?” Cloe furiously snapped. “Serge, did you hear me? I'm pregnant. Buntis ako, Serge. I'm carrying your baby.”
Kanina pa ibig bawiin ni Mihaela ang kamay niyang bihag ni Sergius subalit mas lalo lamang nitong hinihigpit ang pagkakasalikop ng mga palad nila sa tuwing nagtatangka siyang hilahin ang kamay niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/155880473-288-k759471.jpg)
BINABASA MO ANG
UNDAUNTED [COMPLETE]
General FictionPUBLISHED UNDER BOOKWARE My Special Valentine's. UNDAUNTED In her temporary found world, he's hers. In her real world, he is a forbidden fruit that she craved yet she can't have. Mihaela Chasiti Grozu ran away from home to accomplish a mission. Sa...