KABANATA 9

14.7K 688 182
                                    

HOMBRES ROMANTICOS SERIES 1:
UNDAUNTED
Scorpion Sergius Sebastos
Kabanata 9

PINUTAKTI NG discomfort si Mihaela nang mabungaran niya ang hindi inaasahang tao sa loob ng kanyang villa. Kung paano siya napunta sa kanyang villa ay wala siyang kaidi-ideya.

Sakto na sa kaniya ang kaalamang nakaligtas siya sa pagtatangka ng assistant ni Tellez na siya'y gahasain.

But come to think of it. Bakit nga ba siya maaaligaga sa presensiya ng babaeng kumakambyo kanina sa ibabaw ng pinagnanasaan niyang si Sergius?

"You're part of the resorts' medics?"

Kunwari'y hindi niya ito kilala. Kunwari'y wala siyang ideya na fuck buddy ito ng malandi niyang amo. Kunwari ay niloloko niya ang sarili't hindi threat ang impakta sa atraksiyon niya kay Sergius. Sexual attraction she meant.

Sinadya ni Mihaela na balutin ng lamig ang kanyang tinig. Hindi niya alam kung saan nag-uugat ang munting antipatya niya para sa babaeng prenteng nakaupo sa silya sa sulok ng kanyang villa. Wala naman itong atraso sa kanya ngunit mainit ang dugo niya rito.

"You are free to leave. I am fine."

Ngumiti ang babae. Maganda ito, glass skinned, voluptuous ang figure ngunit makurba at maamo ang mukha. Hindi imposible na ganoon ang tipo ni Sergius.

She looked gentle unlike her. Matagal na panahong walang nakakatiis na nanny sa ugali niya sa kastilyo. Kung umasta siya dati'y para siyang aktibong bulkan na maya't maya ang pagbuga ng lava.

Isang tao lang ang nakakaunawa't nakakaintindi sa kanya. Ang taong iyon ang hinahanap niya't alam niyang matatagpuan niya.

Si Stella Chasiti Alfaro- ang secret lover ng kanyang kapatid na si Sullivan sa napakahabang panahon at tumayong nanny niya matapos pumanaw ng kanyang ina.

"I am not a medic, missy." Ani ng babae sabay de-kuatro ng paa.

"Get it straight to the point. What do you want?"

The woman's face was showing sour expression. "Sergius has a hots for you. I'm not dumb not to notice that. The way he showed you so much care... it's distracting. He's screwing you, did I catch a correct report?" Umasim pa lalo ang timpla ng babae habang nagdiwang naman ang mga haliparot na paruparo sa t'yan ni Mihaela.

Sergius has a hots for her? Aba'y good news nga iyon. Ibig sabihin ay may talento't kapas siyang rahuyuin ang napakaguwapo niyang Boss na laman ng wet dream ng mga miyembro ng kapita-pitagang kapisanan ng mga babaeng marurupok ang garter ng panty.

"I knew Serge since we were toddlers. We both grew up in an orphanage. I knew him so well-"

"I used to watch this kind of scene in movies, read in novels for several times. It's so clíche, so please. Did you think I gave a shit about those craps, about your shitty childhood memories with Sergius. Come on, girl! Think again. I will never give a damn. Catch an appointment next time if you wanna talk some bullshits into my face. Now if you excuse yourself! Door's there, impatiently waiting for your exit."

Pabalya itong tumayo. Gumuhit ang gulat sa mukha nito ngunit kaagad ding natakpan ng galit.

"Appointment?" Nangungutya siyang sinipat nito. "Who do you think you are? Let me just remind you that you are only a cheap woman, a stripper, a whore who spread their legs for a living. Don't use that tone on me like as if you are a person to claim a title in an aristocracy."

You have no idea, poor bitch! She laughed evilly inside her brain.

Baka layasan ng dugo ang mga ugat nito sa katawan kung malaman nito kung sino siya. Kung ano'ng antas niya sa elite society. Baka walang sapat na dose para maging remedyo sa severe anemia nito oras na isampal niya sa pagmumukha nito na unica hija lang naman siya ng former Prime Minister ng Republika ng Moldova at multi-billionaire na si Seamus Sorkin Grozu.

UNDAUNTED [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon