KABANATA 21

10.4K 523 185
                                    

HOMBRES ROMANTICOS SERIES 1:
UNDAUNTED
Scorpion Sergius Sebastos
Kabanata 21

"TATLONG BUWAN KA NANG hindi nadalaw dito, hijo. Nami-miss ka na ng mga bata rito at medyo nagtatampo na rin saiyo si Mother Superior. Hinuha niyang baka ika'y nakalimot na sa amin dito sa Saint Zita Village."

Magaan na na natawa si Sergius sa kausap na madre. "I've been busy for the past months, sister Philomena although I am always looking forward to visit you here. Natagalan nga lang ho."

"Kunsabagay. Nauunawain namin ang dahilan mo, hijo. Sapat na sa amin na sa kabila ng pagiging matagumpay mo sa buhay ay hindi mo pa rin iwinawaglit sa iyong isipan ang bahay-amponan na ito." Tears peeped in the corners of sister Philomena's eyes. Bukod kay Mother Superior ay si sister Philomena rin ang tumayong ina ni Sergius noong mga taong ang Saint Zita Village ang nagsilbing tahanan niya.

"Magagawa ko ho bang kalimutan kayong lahat dito, sister? Malabo po iyon."

Hindi nawawala ang malugod na pagtanggap sa kanya sa naturang orphanage sa tuwing nagagawa niyang dumalaw doon.

Malaking bahagi sa pagkatao niya ang orphanage. Kahit siguro'y may maghain ng ilang libong dolyares sa harapan niya kapalit ng pagtalikod niya sa orphanage ay hihindian niya agad-agad. Kailanman ay hinding-hindi niya tatalikuran ang bahay-amponan na iyon at lahat ng taong naging bahagi sa kanyang tagumpay.

"Tiwala akong hindi, hijo sapagkat napakabuti ng iyong puso. Kapag sumisilip ako sa silid ni Mother Superior ay hindi nawawala ang pangalan mo sa ipinapanalangin niyang mapabuti palagi."

"That's why I forever be beholden to you all, sister Philomena."

"Ipinagmamalaki ka naming lahat sa orphanage na ito, hijo. Pagpalain ka pa sana ng Panginoong Hesukristo, anak."

"Kuya Serge. Kuya Serge."

Kapwa napalingon si Sergius at sister Philomena sa pitong taong gulang na batang babae na humahabol sa kanila sa mahabang portiko ng main building sa loob ng orphanage. Patungo kasi siya sa silid ng Mother Superior gawa ng hindi na ito makalakad sa sobrang katandaan.

Umayon na ang pagkakataon sa kanya na sumaglit sa Saint Zita Village dahil maaga niyang nakuha sa embahada ang kakailanganing dokumento ni Mihaela for filing their marriage license. Thanks to Creed's connections and his money kaya madali nilang naareglo sa immigration ang record ni Mihaela.

He never been sure all his life pero pagdating kay Mihaela ay natitiyak niya ang maaliwalas na buhay kasama ito.

He wants no one but her as his better half, his greatest companion, his life, his everything, his present and future. She's the perfect one, the lovely mother of his future children. Si Mihaela ang tanglaw sa buhay niya ngayon at kailanman.

"Kayla?"

Hinihingal na ngumuso ang paslit nang makalapit sa kanila.

"Kuya Serge, hindi po ako si Kayla."

"Let me think, little one. Hm, then you must be Sophia." Kunwari ay hindi na niya maalala ang paslit.

"Kuya Serge po!"

Humalakhak na siya bago pa pumatak ang luha ng batang babae na may ugaling balat-sibuyas.

"Smile, sweetie. I know it's you, Arriana."

Umaliwalas ang mukha ng paslit.

"Salamat Papa Lord! Akala ko po ay binura mo na ang memory ni Kuyang pogi." The child giggled.

"Arriana, mamaya mo na abalahin ang Kuya Serge mo at may mahalaga pa silang pag-uusapan ni Mother Superior."

Lumabi ang paslit. "Pero, sister hindi na po ako makapag-antay po. Ang sakit na po ng heart ko."

UNDAUNTED [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon