IWTS 01

3.4K 153 15
                                    

Chapter 1

Rhian's POV

"MANANG Leonor, dadating pa kaya sila mommy at daddy?" puno ng pag-aalala kong tanong sa aking tagapag-alaga.

She gave me a warm smile, "Oo naman Rhian, graduation mo ito, siguradong hindi nila ito kakalimutan," she's assuring me.

"Pero malapit na pong magsimula, wala pa rin sila," hindi pa rin mapakaling sabi ko.

Because I knew better, they will not come.

"Hija, kumalma ka lang, dadating ang mga iyon, maghintay-hintay pa tayo," pagpapakalma sa'kin ni manang.

Naghintay pa kami nang ilang minuto, nagbabakasaling dumating sila sa napakahalagang okasyon na ito ng buhay ko.

I smiled bitterly, "Manang, pumasok na po tayo sa loob, mukhang hindi na sila darating." Wala namang nagawa ang matanda pati ang asawa nito kung hindi samahan na lamang ako papasok sa loob.

I knew from the very start that they will not come. Bakit pa ba ako umasa? Masyadong kong pinapatawa ang sarili ko.

Ipinilig ko ang ulo ko, binalewala ang hindi magandang iniisip ko, binalingan ko na lamang si Mang Rolan, ang asawa ni Manang Leonor. "Mang Rolan, ang camera po, ihanda n'yo," bilin ko sa kaniya.

Para ko nang magulang ang dalawang kasama ko dahil para nila akong tunay na anak kung ituring dahil hindi sila nabiyayaan ng anak. Mula eight years old ako ay naninilbihan na silang mag-asawa sa aking pamilya.

At sila ang lagi kong sandalan sa panahong kailangan ko ng magulang.

"Tornalejo, Rhian S. Valedictorian." pagtawag ng emcee sa pangalan ko.

Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ko habang naglalakad ako patungong entablado. Sayang dahil hindi man lamang ito nasaksihan ng aking mga magulang. Nagtapos ako ng senior high school nang may mataas na karangalan pero hindi ko mahanap ang saya mula sa karangalan na ito. Wala man lamang dito ang mga magulang ko para isabit ang medalya na pinaghirapan ko.

BINALINGAN ko ang mag-asawa, "Manang Leonor, magpahinga na po kayo ni Mang Rolan, ako na lang po ang maghihintay kina mommy at daddy." Utos ko sa kanila dahil masyado ng malalim ang gabi, siguradong pagod na rin sila. At sobra na rin akong nahihiya para sa kanila.

Puno ng pag-aalala ang mga mata ni manang, "Pero hija..." magpoprotesta pa sana ang matanda.

I gave her an assuring smile, "Sige na po manang, don't worry about me." Hinalikan ko pa ang mag-asawa para maalis ang pag-aalala nila sa akin.

Wala silang nagawa kung hindi magtungo sa kanilang kwarto. Pinanood ko pa ang mag-asawa hanggang mawala sila sa paningin ko.

Naiwan akong mag-isa sa harapan ng aming hapagkainan. Dito ko na sila hihintayin, kahit sana sa celebration lang ng graduation ko ay masamahan nila ako.

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. 11:12 pm.

I sighed. Wala pa rin sila. Kaya pansamantala muna akong tumayo para kunin ang aking inumin sa ref. My special energy drinks.

Then I suddenly remembered something...

Naabutan ko no'n si daddy na may iniinom, it was like a juice but I know it was more than that. "Daddy para sa'n po 'yang energy drinks na iniinom n'yo?" I asked him innocently and full of curiosity.

I Want to Sleep (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon