IWTS 26

2.3K 95 10
                                    

Chapter 26

Rhian's POV

HABANG pinagmamasdan ko ang itsura ko sa harap ng salamin ay halos hindi ko makilala ang itsura ko, kung ako pa ba itong tinitingnan ko. Ang laki na ng ipinayat ko, bakas na rin ang pangingitim ng ilalim ng mata ko dahil sa kawalan ng tulog. Putlang-putlang pa ang balat ko na may maliliit na pasa.

I don't know kung ako pa ba ito, napakalayo sa dati kong itsura na masigla tingnan. Isang buwan pa lang ang nakakalipas ay kinakain na ako ng sakit ko. Malaki ang pinagbago ko mula sa itsura hanggang sa pag-uugali. Hindi ko kasi alam kung paano ko itatrato ang nasa paligid ko kaya madalas ko silang masungitan.

Hanggang ngayon na obvious na ang mga symptoms ng condition ko ay hindi ko pa rin matanggap ng buo. Para kasing napaka-aga pa para mag kaganito ako. Hindi pa ako handa. Hindi ko 'to kayang harapin.

"Rhian, dinner is ready. Tara na sa baba," pagpukaw ni Aira sa atensyon ko.

"Wala akong ganang kumain Aira..." walang buhay kong sagot tapos ay umalis na ako sa harap ng salamin at bumalik sa kama ko.

"Rhian naman, ayaw mong pumuntang ospital tapos ay ayaw mo ring kumain, gusto mo na ba talagang mamatay?" may diin ngunit malungkot n'yang turan.

"Hindi ba't doon rin naman ako papunta?" mapait na tanong ko.
"Huwag ka namang ganiyan, Rhian, huwag kang pang hinaan."

Ganiyan lagi si Aira, lagi n'yang sinusubukan na palakasin ang loob ko. Pero sadyang matigas na ang ulo ko at puso ko, wala na akong pinapakinggan. Wala na naman kasing dahilan, wala na akong makitang positibo sa kalagayan ko ngayon.

"Rhian, sinusubukan ko ring tatagan 'yong loob ko para sa'yo. Kaya nakikiusap ako...makisama ka naman," nangingilid ang luhang aniya.

Mas mabilis na s'yang umiyak ngayon kaysa sa akin. Nakita n'ya kung paano ako nahirapan sa loob ng isang buwan. Nariyang hindi s'ya makakatulog para lang bantayan ako dahil sobrang taas ng lagnat ko.

Lagi s'yang nakaabang sa akin, laging nagbabantay kung dudugo ang ilong ko o ang gums ko. S'ya ang mas nahihirapan sa'kin. S'ya ang mas umiiyak kaysa sa akin at iyon ang dumudurog sa puso ko. Ayaw kong nakikitang nahihirapan at nasasaktan ang mga mahal ko sa buhay.

"Tama na, Aira...mas mabuti pa sigurong umalis ka na rin dito. Iwanan mo na lang ako para hindi ka na rin mahirapan."

Tinutusok man ang puso ko pero pinilit kong sabihin ang mga salitang iyon.

"Pati ba naman ako Rhian, ipagtatabuyan mo na rin?" umiiyak na tanong n'ya.

"Hayaan mo na lang ako Aira, alam din naman natin kung saan ako papunta."

"Paano naman kita pababayaan sa ganiyan mong kalagayan? Paano kita iiwan kung alam kong nahihirapan ka! Hayaan mo akong samahan ka Rhian, hayaan mo lang ako na nandito," nagmamakaawang aniya.

Ano bang gagawin ko sa'yo Aira? Sana hindi nalang tayo naging malapit sa isa't isa! Sana nakuntento nalang akong walang kaibigan para walang nahihirapan ng dahil sa akin!

"Kung naitaboy mo JL, ako hindi, Rhian! Dito lang ako kahit ipagtulakan mo pa ako!" aniya bago ako niyakap.

"Aira naman e..." umiiyak na ring sabi ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kaniya. Alam kong hindi ko s'ya kayang pigilan. Pero nahihirapan din akong hayaan nalang s'ya sa tabi ko. Ayaw kong nakikita na namamalisbis ang luha sa pisngi n'ya.

"Lumaban ka pa, Rhian, huwag kang sumuko agad." Tumango-tango ako habang yakap n'ya pa rin ako.

"Tara na sa baba, baka hinihintay na tayo nila manang..." pagyaya ko sa kaniya tapos ay kumalas ako sa yakap n'ya para punasan ang luha ko.

I Want to Sleep (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon