IWTS 33

3.4K 109 23
                                    

Last chapter na po ito tapos ay epilogue na!

Check the media for the invitation card.

Happy reading!

Chapter 33

JL's POV

TITIG na titig ako sa kapirasong makulay at matigas na papel na hawak-hawak ko. Kung sa iba-ibang pagkakataon ay baka nagtata-talon sa tuwa ang mabibigyan ng ganito. Pero sa kaso ko ay hindi, kahit pag-ngiti ay hindi ko magawang gawin. Napakabigat sa damdamin habang binabasa ko ang nakasulat sa imbitasyon na tangan-tangan ko.

Come and Join!
RHIAN TORNALEJO's
Summer Memorial Service
Sept.23,2001-April 10,2020
To be held at Tornalejo's Residence
5:00pm // April 12, 2020
Attire:
WOMEN: Floral Dress
MEN: Floral Polo Shirt & Khaki Shorts

Kung iba-ibang tao ako ay baka isipin kong napaka-kakaiba naman ng lamay na ito dahil talagang pinag-kaabalahan pa ang paggawa ng invitation card kung pwede namang sabihan nalang ang mga makikiramay.

Pero wala.

Wala akong ibang maramdaman sa oras na ito kundi sakit at lungkot. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit dahil sa ginawang pang-iiwan ni Rhian.

"JL, anak... maghanda ka na. Baka mahuli tayo, hapon na oh?" nalingon ko si nanay na nagsalita.

"Pwede bang hindi na sumama doon 'nay?" puno ng lungkot na tanong ko sa kaniya dahil baka hindi ko kayaning makita si Rhian sa ganoong kalagayan. Baka hindi kayanin ng puso ko na makitang wala ng buhay ang pinakamamahal ko.

Maisip ko palang na wala na talaga s'ya ay para na akong sinasaksak. Kaya paano ko pang kakayanin na makita s'ya sa gaanong kalagayan!

"Anak, hindi magugustuhan ni Rhian na nagkakaganito ka..." nahihirapang saad n'ya.

Ganito kasi ako mula ng mawalan ng buhay si Rhian sa bisig ko, hindi ako makausap ng maayos. Gusto kong mapag-isa. Masyadong masakit ang nangyaring iyon. Parang dinurog ang puso ko habang unti-unting nawawalan ng buhay si Rhian ng araw na iyon. Masyadong maaga. Sobrang bilis ng ginawa n'yang pang-iiwan. Isang taon pa lang kami nagkakakilala pero kinuha na agad s'ya sa'kin!

Napakadaya ng panahon para sa aming dalawa. Sobrang daya! I don't know how I will accept this! I don't know if I can accept this!

Nilapitan at niyakap ako ni nanay, "Magpakatatag ka anak, lahat tayo ay nasasaktan, pero hindi pa dito natatapos ang lahat."

Nahihirapan man akong ihakbang ang aking mga paa ay pinilit ko pa ring lumakad papasok sa bahay ng mga Tornalejo. Napag-desisyunan kasi nila Tito Roel na dito na lamang ganapin ang memorial service ni Rhian.

Pagpasok ko ng gate ay hindi ko masabi kung may nangyayari bang pagluluksa dahil sa ayos at dekorasyon na ginawa sa bakuran ng bahay ng mga Tornalejo. Naroon ang mga magagandang bulalak ng sunflower na nakapalibot sa mini stage na kinalalagyan ng isang malaking white screen. Marami ring mga lamesa na ma'y bulaklaking cover. Halos lahat ng makikita sa paligid ay puno ng bulalak gaya ng gusto ni Rhian. Hanggang sa suot ng mga nakikiramay ay puro bulaklakin sang-ayon sa nakasulat sa imbitasyon.

Dumiretso ako kung saan naroroon ang kinalalagyan ng walang buhay na si Rhian. Bawat paghakbang ko ay s'ya ring pagbigat ng nararamdaman ko. Bumungad sa akin ang isang kabaong na may mga nakaukit ring bulaklak sa paligid. Naroon si Rhian na parang natutulog lamang ng mapayapa, kitang-kita sa salamin na nakatakip doon ang kanyang suot na puting gown na bulaklakin. Kung titingnan ang ayos n'ya ay parang natutulog lamang s'ya. Pero kahit baliktarin man ang mundo ay alam ng lahat na wala na s'ya. Ilang oras na lamang ay hindi na namin s'ya makikita.

I Want to Sleep (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon