IWTS 25

2.4K 94 7
                                    

Chapter 25

Rhian’s POV

NANLULUMO ako habang naglalakad palabas ng office ni Dr. Reyes, ‘yong doctor na nag-check-up sa’kin no’ng mahimatay ako. Ngayon kasi ‘yong araw na ini-schedule n’ya para makuha ‘yong results ng mga tests na ginawa sa’kin at katatapos lang naming mag-usap tungkol doon.

Hindi magawang tanggapin ng sistema ko ang naging resulta ng mga tests. Ayaw ko iyong paniwalaan. Hindi iyon totoo. Bakit ako pa? Sa dinami-dami ng tao ako pa ang nagkaroon noon? Kulang pa ba ang pinagdadadaanan ko para dagdagan pa?

“Hija, ayos ka lang ba?” tanong ni manang na nakaalalay sa akin palabas.

“Ayos nga lang ba ako, manang? Hindi ko na alam kung ayos pa ba ako matapos kong malaman iyon,” wala sa sariling sagot ko.

Hindi ko kasi matanggap kung bakit nangyayari sa akin ang mga ganito! Napakalaki ba ng kasalanan ko? May nasaktan ba ako? May minaliit ba ako? Naging mayabang ba ako? Wala naman akong ginawa! Pero bakit sa dami ng tao sa mundong ito, ako pa ang pinararanas ng ganito!

“Magiging maayos din ang lahat, Rhian…” pagpapakalma n’ya sa akin.

“Paano manang? Paano pa magiging maayos ang lahat? Baka pwede pang sabihin na mas lumalala ang lahat!” Kasabay noon ay nag-uunahang pumatak ang luha ko. Iyak na naman! Luha na namang walang tigil! Problema na naman!

“Hija kumalma ka, malalagpasan mo din ‘yan. Hindi ‘yan binigay ng Diyos kung hindi mo kaya…lagi mo ring isipin na kasama mo ang Diyos sa pagharap sa mga problema mo,” pag-alo n’ya sa akin.

“I don’t know, manang…I don’t know,” helpless kong turan.

“Oh, anong nangyari? Anong sabi ng doctor?” tanong ni Mang Rolan ng makarating kami sa parking lot.

“Sa bahay nalang tayo mag-usap,” anang Manang. Nagtataka man ay tumango nalang si Mang Rolan.

Agad na s’yang nagmaneho pabalik sa bahay namin. Hindi kasi kami umuwi sa barrio nila, nag-stay kami dito sa bayan para sa results ng test. Pero si Aira ay inihatid ni Mang Rolan sa bahay nila.

Ngayon ay walang-wala akong gana sa lahat matapos kong malaman ang bagay na iyon. I don’t know how I will continue my life. Hindi ko alam kung paano ko ‘to haharapin, kung paano ko ‘to sasabihin sa pamilya ko. Hindi ko alam kung gusto ba nilang malaman? Kung magkakaroon na kaya sila ng pakialam sa akin? Tapos sa mga kaibigan ko pa? Si JL? Paano ko ito sa kaniya sasabihin? Hindi ko kayang makita s’yang masaktan nang dahil sa’kin!

“Manang, sa kwarto po muna ako,” paalam ko agad sa kanila pagkarating namin dito sa bahay. Gusto ko lang magmukmok ngayon. Ayaw ko ng kausap. Gusto kong mapag-isa.

Nakita ko man ang pag-aalinlangan sa mukha ni manang ay hindi ko na iyon pinansin. Tumuloy na agad ako sa kwarto ko—namin ni Aira. Gusto kong magpahinga. Parang pagod na pagod ako dahil sa nalaman ko.

Buti nalang talaga hindi kami umuwi kila manang dahil hindi ako handang makipag-usap sa kahit kanino ngayon. Hindi ko kasi alam kung sasabihin ko ito o sasarilinan na lang.

Kasabay ng paglapat ng likod ko sa kama ko ay bumuhos din ang luha ko. Sobrang na akong pinapahirapan. Hindi pa nga tapos ‘yong iba kong problema, dinagdagan na naman. Nakakapagod namang maging isang Rhian Tornalejo. Nakakapagod na ang buhay ko! Gusto ko ay pahinga! Hindi panibagong problema! Pero bakit iyon ang binigay sa’kin?!

What if I never knew

What if I never found you

Tiningnan ko ang cellphone ko dahil may tumatawag. Ginawa ko kasing ringtone ng phone ko ‘yong kinanta sa’kin ni JL. Pero ngayon, parang hindi ko na kayang panindigan ‘yong pagpayag sa panliligaw ni JL. Ayaw ko s’yang masaktan. Tama nang ako nalang ang masaktan.

I Want to Sleep (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon