IWTS 16

1.5K 87 0
                                    

Chapter 16

Rhian's POV

PANG-LIMANG araw na ngayon na hindi ko nakakausap at nakikita si JL. Lagi ko nalang s'yang hindi na aabutan sa bahay nila. Lagi nalang s'yang busy. I know na excuse n'ya lang ang mga ginagawa n'ya. Alam kong umiiwas s'ya sa'kin.

And that's killing me!

Hindi ko alam kung anong dahilan n'ya bakit hindi n'ya ako kinakausap. Akala ko after kong mag-share sa kanila lagi na akong may makakausap at makakasama. Pero mali ako! Ni isa sa kanila hindi ko mahagilap.
Ano bang nangyayari sa kanila?!

Limang araw na akong walang balita sa kanila. Inaraw-araw ko na ang pagpunta kila JL, pero lagi itong wala. Naiinis na ako! Nauubos na ang pagtitimpi sa katawan ko! Akala ko ako ang iintindihin nila after that Sunday, pero hindi e! Ako 'tong nag-iisip at nag-aalala sa kanila-sa kaniya. Hindi ko alam kung may nasabi akong mali kaya hindi ko sila makausap. It's frustrating the hell out of me!

There is another way para makausap ko sila. Messenger chat. Hindi si JL ang icha-chat ko dahil s'ya itong iwas na iwas sa'kin!

Mabilis kong tinaype ang pangalan ni Aira sa messenger.

Aira Cabiles searching...

There. I found her! I composed a message for her containing my concern.

'Hi there, Aira. Wala ng paligoy-ligoy 'to. I'll go straight to the point. Iniiwasan n'yo ba ako?'

Message sent.

Good thing she's online. Nakita ko agad na in-accept n'ya ko sa messenger.

'No. Hindi ka namin iniiwasan.' Reply n'ya sa chat ko.

'May one-week seminar kasi ang parents ko. They are both elementary teachers. Kaya naiwan ako para mag-asikaso ng kapatid ko kaya hindi ako makagala.' Dagdag paliwanag n'ya sa chat.

'Ah. I understand now. Pero ba't gano'n, si JL parang ayaw n'ya kong makausap? Hindi naman s'ya gano'n dati.' Reply ko sa kaniya.

'S'ya nalang ang tanungin mo sa bagay na 'yan. Mahirap ng makialam.' Makahulugan n'yang chat.

'May nasabi ba akong mali last Sunday?' tanong ko pa sa kaniya.

'Si JL nalang ang kausapin mo Rhian.' Safe n'yang reply sa akin.

Sighed.

Mukhang wala din akong makukuhang sagot sa kaniya. Bwesit! Ano ba kasing nangyayari kay JL?! Bigla na lang s'yang gumanon. I don't know what to do with him!

'Pupunta na lang ako d'yan sa bahay n'yo. Wala akong magawa dito kila Manang.' Chat ko sa kaniya na sinang-ayunan naman n'ya.

Naghanda agad ako. I just wear maong shirts and oversized shirt. Hindi ko feel ayusin ang sarili ko dahil hindi ko naman nakikita at nakakausap si JL. Ang bwesit na lalaking 'yon. Hmmp!

Kailangan ko ng ibang pagkakaabalahan ngayon. Ayaw kong isipin na iniiwasan ako ni JL. Naiirita ako. Take note ha, first time in my life na makaramdam ako ng kakaibang emosyon dahil nasanay na ako sa lungkot at takot lang ang nararamdamn ko.

I Want to Sleep (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon