IWTS 10

1.8K 100 3
                                    

Chapter 10

JL's POV

Kapag malungkot ang isang tao ang gusto agad natin ay may magawa para maibsan ang nararamdaman nila o kaya kapag natatakot sila, automatic gusto nating mag-comfort. Gusto natin agad na may gawin.

Pero hindi madali. Gustuhin man natin ay hindi naman agad natin magawa. Hindi dahil sa nagda-dalawang isip tayong gawin kung hindi dahil hindi natin alam ang tamang gagawin o sasabihin para ma-comfort sila. Hindi natin alam 'yong tamang salita na dapat sabihin para mabawasan ang sakit o takot na nararamdamn nila.

"Sige na hijo, puntahan mo na s'ya," si Aling Leonor iyon.

Hindi ko alam ang gagawin ng marinig ang mga sinabi ni Aling Leonor. Pumunta ako dito sa kanila ng sobrang saya, tapos ay ganito. Hindi ko inasahan na nagkakaganito ngayon si Rhian. Hindi ko alam na may ganito s'yang pinagdadaanan. Though, napapansin ko na sa mga mata n'ya, hindi ko naman alam na ganito pala kalala.

Pumasok ako sa kwarto ni Rhian sang-ayon sa pahintulot ni Aling Leonor. Hindi ko alam ang tamang sasabihin o irereact sa nakitang kong ayos ni Rhian. Naka-upo lang ito sa gitna ng kama n'ya habang umaagos ang luha sa mga mata. Ngayon ko lang nakita ang ganito kalungkot na itsura n'ya sa loob ng dalawang linggong nakilala ko s'ya.

"Rhian," pagkuha ko sa atensyon nito nang hindi mapansin ang presensya ko.

Nagulat ito ng makita ako, agad n'yang pinunasan ang kanyang mga luha, "Oh, JL, ikaw pala," sabi nito ng may pilit na ngiti.

Parang hindi umiiyak kanina lamang. Napakagaling sa pagpapanggap.

Lumapit ako sa gilid ng kama n'ya at doon umupo. Tinitingnan ko lang s'ya. Ayaw kong magsalita. Ayaw kong magtanong. Gusto kong s'ya ang magsabi.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong n'ya sa akin. Ngayon ay nakikipaglaban na rin ito ng tingin sa akin. "Na-miss mo ba agad ako?" pagbibiro n'ya. Ayaw n'ya talagang ipakita sa akin na nahihirapan s'ya.

Kaya naman niyakap ko s'ya ng mahigpit. Iyon ang sinasabi ng puso ko na dapat kong gawin. Kailangan ko s'yang yakapin.

"Miss na miss kita Rhian," sagot ko habang mahigpit akong nakayakap sa kaniya. "Sobrang na-miss kita,"

Hinalikan ko pa ito sa kaniyang buhok. Gustong-gusto ko ng magtanong sa kaniya. Gusto ko ng alamin kung bakit s'ya nagkaka-ganoon kanina. Pero pinipigilan ko ang sarili ko. Dahil alam kong ayaw n'yang pag-usapan 'yon. Sa maikling panahon na nakilala ko s'ya ay alam ko na kung ayaw n'yang pag-usapan ang isang bagay.

"At dahil na-miss kita," kahit araw-araw ko naman itong nakikita. "Gusto kong lumabas tayo ngayon," sabi ko sa kaniya. Tapos ay bumitaw na ako sa yakap ko.

"Pwede bang sa ibang araw na lang?"

Inaasahan ko na ang sagot n'ya. Paniguradong wala s'yang ganang lumabas ngayon, dahil kung mayroon ay nasa amin na s'ya sa oras na ito.

"Hindi pwede e," sagot ko sa kaniya.
Gusto ko s'yang makasama ngayon dahil mahalagang araw ito ng buhay ko. Kahit na alam kung may pinagdadaanan s'ya ngayon. At gusto ko rin s'yang pasayahin ngayon.

"Pero wala talaga akong ganang lumabas ngayon," lumalabas na ang lungkot sa boses n'ya. "Tinatamad talaga ako, 'tsaka nauumay na ako sa mukha mo."

I Want to Sleep (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon