IWTS 32

2.9K 117 22
                                    

Chapter 32

Rhian’s POV

MABILIS na lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Summer na ulit. Isang taon na ang itinagal ko dito sa probinsya nila Nanay Leonor. Sa loob ng isang taon na ‘yon ay lamang ang ipinamalagi ko sa ospital. Halos hindi na ako pinalabas mula nang ma-admit ako dahil sa mabilis na paglala ng kondisyon ko.

Kaya naman parang pare-pareho na lamang ang takbo ng bawat araw ko. Pero ang araw na ito ay gagawin naming iba para sa lahat.

Gusto naming maging kakaiba ang sandali na ito. Dahil nga unti-unti na muling nabubuo ang pamilya ko ay gusto naming gawin ulit ang nakasanayan namin tuwing summer. Iyon nga lamang ay hindi kami lalayo sa pagkakataong ito.

Gusto naming magkaroon lang ng simpleng bonding ang pamilya namin kaya naisipan naming mag-picnic ngayon sa ilog doon sa barrio nila Nanay Leonor. Kasama rin naming pupunta doon ang mga kaibigan ko pati na rin sila Tita Joy at Jesryl ay inimbitahan namin.

Dahil nga ngayon lamang ulit ako makakalabas ay inayusan ko ulit ang sarili ko. Nag-make up ako at nagpabili ng wig kay mommy. Binilhan n’ya rin ako ng bagong summer dress at syempre floral na naman ang isang iyon. Gusto ko kahit sa sandali lang na ito ay maramdaman ko na normal ulit ako, na wala akong sakit. Kaya gagawin ko ang makakaya ko para sulitin ang araw na ito.

“Ready?” tanong ni JL ng pababa na kami ng sasakyan.

“Yes, baby,” magiliw na sagot ko sa kaniya.

Gusto ko kasing punuin ng kasiyahan ang puso ng mga mahal ko sa buhay. Gusto ko sa araw na ito ay maging masaya kaming lahat. Lagi na lang kasing pagluha nila ang nakikita ko.

Pagkarating namin doon ay nakahanda na at nakaayos na ang lahat sa kubong ipinagawa ni daddy sa tabing ilog. Punong-puno ng pagkain ang lamesang kawayan na nasa gitna ng kubo-kubo. Pinaghandaan talaga nila ang araw na ito para sa aming lahat.

“Welcome to the outside world, Rhian!” malakas na turan ni Mike.

Naroon na kasi sila sa kubo, kami nalang ni JL, Nanay Leonor at Tatay Rolan ang hinihintay dahil kami ang magkakasabay sa kotse.

“Para ka talagang sira, Mike!” singhal agad sa kaniya ni JL.

“Thank you, guys… thank you sa pag-effort n’yo,” sinserong pasasalamat ko sa kanila.

“Anything for you, princess,” nakangiting tugon naman ni daddy.

“Ngayon lang ulit natin ‘to magagawa… kaya let’s make this unforgettable, lalo na’t mas marami tayo ngayon,” may ngiti sa labi ring pahayag ni mommy.

Kumpleto kami sa araw na ito mula sa pamilya ko hanggang sa mga kaibigan. Isa na yata ito sa mga araw na hindi ko malilimutan. Kaya inihanda ko ang camera ko para sa remembrance namin sa araw na ‘to. Mahina man ang katawan ko ay pinilit kong makisaya sa kanila at ako pa mismo ang kumukuha ng mga picture nilang nagtatampisaw sa gitna ng ilog.

Naroon ang mga kulitan at tawanan nila Mike, Carl, Aira at JL. Nakikisabay na rin si Ryan sa mga kalokohan nila. Sa loob kasi ng ilang buwan na nakilala nila si Ryan ay naging malapit na rin sila dito. Hindi na rin gano’n ka-cold ang trato n’ya sa’kin tulad ng unang n’yang pagbalik. Na-kwento ko sa kaniya ang mga pinagdaanan ko kaya naman lumambot ulit ang puso n’ya para sa’kin. Napagkwentuhan namin ang mga hirap na halos sabay naming pinagdaanan ‘yon nga lang ay sa magkaibang paraan.

“Ryan…” pagkuha ko sa atensyon n’ya dahil nakaupo na s’ya gilid ng ilog.

Ang naiwan nalang sa gitna ng ilog ay sila Mike, Carl, Aira at JL. Samantalang ang mga matatanda naman ay naiwan sa kubo at doon nagku-kwentuhan.

I Want to Sleep (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon