IWTS 14

1.5K 97 0
                                    

Chapter 14

Rhian's POV

"SALAMAT sa paghatid," I told JL with wide smile on my face. Dito ko lang 'to nagagawa. Dito lang ako sa probinsya nakakangiti ng ganito-sa mga bagong kaibigan ko lang.

"You're always welcome."

"Sige na, umuwi ka na gabi na rin oh," Ginabi kasi kami sa pagku-kwentuhan. Tapos doon na rin ako pinag-dinner ni Tita Joy. Hindi na naman ako tumanggi kasi na-miss ko sila.

"Mauna kanang pumasok," aniya.

"Hindi, hihintayin kitang umalis bago ako papasok."

"Ang tigas ng ulo, pumasok ka na sa loob. Malamig na dito sa labas," pagpipilit n'ya sa akin.

"Sige na nga, papasok na ako. Ingat sa pag-uwi," paalam ko sa kaniya bago tuluyang pumasok sa maliit na gate nila manang.

Liningon ko pa s'ya bago ako pumasok sa bahay, "Pasok na," sabi n'ya ulit. Kulit. Talagang hinintay pang makapasok ako sa bahay nila manang.

Dumiretso ako sa kusina nila manang dahil alam kong nando'n ang mag-asawa.

"Manang Leonor, Mang Rolan..." pagpukaw ko sa atensyon nila tapos ay yumakap ako at humalik sa pisngi nila bago ako naki-upo sa hapag.

"Sorry po, ginabi ako ng uwi," paghingi ko ng paumanhin sa kanila dahil kahit hindi ko sila parents ay under ako sa pangangalaga nila that's why I respect them.

"Okay lang 'yon hija, basta laging ka lang ligtas. Ayos na iyon sa amin," anang Manang Leonor. Talagang maunawain sila. "Oo hija, ayos lang iyon alam naman naming mababait at responsable ang mga kasama mo," sabat din ni Mang Rolan.

"Napatagal po kasi ang kwentuhan namin, miss na miss nila ako. Tapos sabi nila sobra daw silang nag-alala sa'kin no'ng wala akong paramdam ng dalawang linggo, akala daw nila hindi na ako babalik dito," kwento ko sa mag-asawa.

"Alam n'yo sobrang sarap sa pakiramdam na bukod sa inyo, may iba pa palang nag-aalala sa'kin," masayang sabi ko sa mag-asawa na ikinangiti nila. "Pero nalulungkot din po ako, kasi hindi ko ma-kwento sa kanila ang totoong nangyari. Hindi ako makapag-open sa kanila kasi natatakot akong kaawaan nila. Ayaw ko ng gano'n manang...magiging iba ang treatment nila sa'kin," malungkot na pahayag ko.

"Nauunawaan namin 'yang nararamdaman mo...pero bakit hindi mo subukang maging bukas sa mga kaibigan mo. Sila palang ang naging kaibigan mo hija at nakikita namin na nag-eenjoy ka sa kanila. Makakatulong kung magku-kwento ka sa kanila, makakagaan 'yon sa pakiramdam mo," malumanay na turan ni manang.

"Tama ang sinabi ng Manang Leonor mo, kung makakapagsabi ka sa kanila, hindi na lang kami ang magbibigay sa'yo ng advise, meron ka nang mga bagong matatakbuhan. Iyon ay kung magsasabi ka sa kanila," sabi rin ni Mang Rolan.

Tama naman ang sinabi nila pero nando'n pa rin 'yong doubt ko na baka kaawaan nila ako. Panigurado magiging sensitive sila mga sasabihin nila sa'kin at sa mga gagawin nila. Ayaw ko kasi ng gano'n, 'yong laging may ico-consider para lang maiwasang 'wag ako masaktan.

"Pero kung hindi ka pa handa hija, 'wag mong pilitin ang sarili mo," pahabol ni manang.

"Salamat po Manang Leonor, Mang Rolan...susubukan ko po," sinserong sabi ko sa kanila.

I Want to Sleep (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon