IWTS 12

1.5K 95 0
                                    

Chapter 12

Manang Leonor's POV

"R-Rhian! Diyos ko po!"

Nanginginig man ay nilapitan ko pa rin ang kaawa-awa kong alaga. Hindi ko agad malaman ang tamang gagawin ng makita ko itong nakadapa sa sahig at binabalot ang likod ng dugo.

"M-manang..."

Hindi ko alam kung paano ako aalalay sa kaniya. Kung ibabangon ko ba s'ya o ano. Kitang-kita rin ang pagkasira ng damit n'ya sa likod dahil sa paghiwang ginawa dito.

"Rhian anong bang nangyari?" Hindi ko s'ya maikalong sa hita ko dahil na sa likod ang sugat n'ya at paniguradong magiging masakit 'yon para sa kaniya.

"M-manang...si m-mommy...si mommy,"

Nag-uunahan na ang mga luha n'ya sa pagpatak. Binalingan ko si Ma'am Anna na ngayon ay hawak ang isang bubog na may bahid na dugo. Hindi man sabihin ay halata ng siya ang gumawa nito.

"Kung hindi na babalik si Ryan, wala ka nang karapatang mabuhay. Wala na. Hindi kana dapat mabuhay!" Nanlilisik at nababaliw ng turan ni Ma'am Anna. Malala na s'ya!

Hindi ko akalaing aabot na sa ganito ang gagawing pananakit ni Ma'am Anna sa anak n'ya. Hindi na ito tama. Wala na s'ya sa tamang pag-iisip.

"M-manang...natatakot ako. Manang, ayaw ko ng makita si Mommy. Nakakatakot s'ya manang," anang Rhian habang nag-uunahan ang kaniyang luha sa pagpatak. Talagang takot na takot s'ya at nasasaktan.

"Ilalabas kita Rhian, huwag kang mag-alala," pang-aalo ko sa kaniya habang hinahaplos kong ang buhok n'ya. "Tatawagin ko lang ang Mang Rolan mo."

Akmang tatayo ng pigilan ako ni Rhian. Kaya nilingon ko ang kamay n'yang ngayon ay tangan ang kamay ko. "H-huwag n'yo po a-akong iwan kay mommy. Natatakot ako. Sasaktan ako ni mommy," kitang-kita ang ang bahid ng takot sa mukha n'ya.

"Mabilis lang ako hija, huwag kang matakot. Bibilisan ko lang," pilit kong binaklas ang pagkakahawak n'ya sa'kin. Nanginginig man ang tuhod ko sa kaba ay minadali ko pa rin ang paglabas sa kwarto nila Ma'am Anna.

"Rolan! Rolan! Pumarito ka!" hindi pa man nakakalayo sa kwarto ay sumigaw na agad ako dahil baka kung ano pa ang gawin ni ma'am kay Rhian. Sobra akong natatakot para sa batang iyon.

"Rolan! Nasaan ka ba?!" desperado kong pagsigaw habang tinatahak ko ang hagdan.

Nasaan ba kasi ang lalaking 'yon?!

"Rolan! Rolan!"

"Manang Leonor, anong nangyayari bakit po kayo sumisigaw?" tanong ng kararating lamang na si Sir Roel.

"Bakit mo ako hinahanap, Leonor?" sumulpot na rin si Rolan.

"S-si R-Rhian...si Rhian," hindi ko alam kung paanong ipapaliwanag at sasabihin ang kalagayan ni Rhian.

"Manang relax, anong nangyari kay Rhian?" malumanay na tanong ni Sir Roel.

"S-sir k-kasi sinaktan po ulit ni Ma'am Anna si Rhian. K-kailangan nating dalhin sa ospital si Rhian."

"Nasaan sila manang?!"

"Sa kwarto n'yo po, sir."

Mabilis na tinahak ni sir ang hagdan pataas. Kaya napasunod na rin kami ni Rolan paakyat sa taas. Ramdam ko ang kaba at takot ng bawat isa dahil sa sinabi ko.

Dahil bukas naman ang kwarto ay mabilis kaming nakapasok. Marami ng dugo ang lumabas kay Rhian. Putlang-putla na s'ya. Si Ma'am Anna naman ay tulala pa ring nakatayo habang hawak ang bubog na ginamit n'yang panakit kay Rhian.

I Want to Sleep (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon