IWTS 08

1.5K 109 4
                                    

Chapter 8

JL's POV

Bawat tao ay marunong mag-sinungaling. 'Yong iba nga ay eksperto pa. 'Yong tipong kapani-paniwala. 'Yong kasinungalingan na nga pero mas mukha pang totoo sa katotohanan. Gano'n kagaling ang tao. Sinungaling.

Pero kahit gano'n kagaling magsinungaling ang bibig ng tao, gano'n naman katotoo ang mga mata nila. Mas nangungusap ito. Mas nagsasabi ng totoo. Mas nagpapakita ng tunay na nararamdaman. Kaya mas gusto kong tumingin sa sinasabi ng mata kesa makinig sa sinasabi ng bibig.

Katulad ngayon.

Pinapanood ko ang pagtawa ni Rhian. Nakikipagkulitan s'ya sa kapatid ko. Tumatawa s'ya. Pero ewan ko, there is something in her eyes. May tinatago s'ya. May dinadamdam s'ya. I can see tiredness and sadness in her eyes. Hindi ko alam kung bakit ko 'yon nakikita at nararamdan.

Hindi ko tuloy masabi kung totoo ba ang mga tawa n'ya. Kung totoo ba s'yang masaya o excuse n'ya lang ang lahat ng 'yon. Hindi ko alam. Hindi ko masabi kung nagpapanggap lang s'yang masaya.

Mula nang una ko s'yang makita. Sa una n'yang pagtataray sa'kin, sa mga una n'yang tawa at pang-aasar. Nangingibabaw at mas nakikita ko ang lungkot at pagod sa mga mata n'ya.

"Kuya, picturan mo kami ni Ate Rhian!" pagtawag sa akin ni Jesryl. Nandito kami ngayon sa sala, sinasamahan namin ang kapatid ko na magbukas ng mga regalo n'yang natanggap kahapon. "Kanina mo pa tinititigan si ate e," inosenteng dagdag pa nito.

"Ang ganda kasi ng Ate Rhian mo," hirit ko habang ang tingin ko ay na kay Rhian.

Naiilang na naman ito sa'kin. Ewan ko ba, hindi naman ako ganito sa girls before kahit na gandang-ganda ako. Kay Rhian lang talaga. Gusto ko s'yang inisin tapos ay patawanin. Gusto kong makakita ng ibang emosyon sa mata n'ya. Ayaw kong nababalot ng lungkot ang magaganda n'yang mata na 'yon.

"Naku JL, ha, tigil-tigilan mo 'ko," pananaway nito tapos ay umiwas sa mga tingin ko. Ilang na ilang na sa'kin. "Pag ikaw na in love sa'kin sige ka,"

Hindi ko inasahan ang banat n'ya na 'yon. Hindi agad ako makasagot. Makikita mo ang ngisi sa kanya na para bang nagtagumpay dahil sa reaksyon ko.

Hindi agad ako makabawi. Iba. Ibang klase din pala 'to bumanat. Pang totohanan e. "E, ano ngayon kung ma-in-love ako?" tanong ko sa kanya with smirk on my lips. S'ya naman ang natahimik ngayon. "Single ka naman, sigurado ako," dagdag ko pa.

Kaya pinamumulahan na ito ng pisngi. I never thought that I would make a girl blush like this.

"At hindi rin talaga malabong magustuhan kita," sabi ko pa while looking at her. Pulang-pula na s'ya. Kitang-kita 'yon sa kaputian n'ya. Hindi ko alam kung namumula s'ya sa inis o dahil sa mga sinasabi ko.

"Stop!" pagpigil n'ya sa'kin. Wala sigurong ibang masabi. "Wag ako JL...wag ako," seryoso n'ya pang sabi.

"Kuya tama na 'yang pang-iinis mo kay ate!" sumingit na si Jesryl. "Pulang-pula na si ate oh!" dagdag pa nito habang tinuturo pa ang mukha ni Ate Rhian n'ya.

"Okay sige, kukuhaan ko nalang kayo ng picture," inabot ko ang camera ni Rhian.

Lumapit si Jesryl kay Rhian. Nakaupo kasi kami sa sahig. May carpet naman ito kaya ayos lang. Nakakalat dito ang mga regalo ni Jesryl. Kanina pa sila pa-picture ng pa-picture. Hindi mga marunong magsawa. Bawat regalo yata ay may picture sila.

I Want to Sleep (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon