Cynthia's P.O.V.
"Who lives in the pineapple under the sea, SpongeBob SquarePants" -tone ng alarm ko.
Yep, di naman maipagkakaila na idol ko si SpongeBob. 6:30 Maaga pa naman masyado. Di ko muna in-off kasi gusto ko tapusin yung kanta. (With pinnacle nonsense is something you wish. Sponggeebo..)
"Cynthiaaaaaaa, pwede ba tumayo kana diyan? Ang ingay ingay, nakakasira ka ng concentration" bulyaw ni Lori na nag titrim ng hair niya.
"Ayan kana naman sa kakaconcentration mo eh, Kung magpakalbo ka nalang kaya, tutal gusto mo naman makinis, lahatin mo na, tss" ani ko na para bang nagtataray (hahaha bahala siya, nasa mood ako mang-inis eh *evil smile*)
"Cheee, umalis ka na nga" irita niyang suway.
Hays, ganado pa naman sana akong mang-asar kaso wag nalang pala, baka kasi ako pa yung kalbuhin nito eh hahaha umalis nalang ako para maligo.
~fast forward~
Kinuha ko agad bag ko tsaka umalis ng apartment at nagsimulang maglakad. Buti nalang malapit lang yung school sa apartment kasi kung hindi, di talaga ako makakapag-ipon.
Isang normal na araw lang naman para sa akin, ewan ko ba bakit naisipan ni nanay at tatay na paaralin ako dito, na miss ko tuloy sila kasi anlayo nila. Hays. Ansakit sa ulo.
~flashback~
"Nak Cynthia, naisipan namin ng tatay mo na pag-aralin ka dito" wika ni inay habang turo-turo yung brochure sa mesa na nasa harapan namin.
"Arevir Academy?" sambit ko nung mabuksan ko yung brochure.
"Oo nak, naisip namin na mas mabuting pag-aralin ka sa ganyang klaseng paaralan para----"
"Pero tay, pangalan palang eh nakakatakot na" pagpuputol ko sa sinasabi ni itay. Nahuli ko silang nagtitinginan sa isa't-isa, huhu ayokong iwan sila.
"Sige na, pag di mo yan tatanggapin di kita ipagluluto ng adobo" pagbibiro ni nanay. Alam kong kahit anong tanggi ko di parin akl titigilan ni nanay dito, kaya napaiyak nalang ako sa lungkot.
"Pero a-yoko kayong i-wan" 😥 sambit ko.
End of flashback
Kainis, sa tuwing maaalala ko yun mapapahagulgol nalang ako. Miss ko na sina inay at itay. Shems, di ko pa dala yung panyo ko.
"Mahirap maglakad habang umiiyak"
Huh? Hanep, nagsasalita pala mga poste dito? Hahahaha.
Nagtuloy nalang ako sa paglalakad para naman di ako ma late. In fairness malapit nga lang kasi natatanaw ko na yung tuktok ng mga classrooms mula sa kitatayuan ko.
~Fast forward~
So here I am, dealing with this manong guard na apaka strict.
"Wala nga po, first day ko po ngayon!"
"Di mo ba yan nababasa, ha?"
Yeah, here we go again, kanina pa niya pinupush na wag daw ako pumasok kasi Wala akong I.D. at isa pa ngayon niya Lang daw ako nakita, baka may motibo daw ako sa school! Helleeeer manong, Sino ba naman maglalagay ng bomba sa loob na naka school shoes at naka uniform aberr? Ano to lokohan?. Hayst. Tapos pilit pa niyang pinaiintindi sakin yung karatola na nakapaskil sa gate na NO I.D. NO ENTRY.

YOU ARE READING
Truth in a Lie
FanfictionThis story is about a girl who felt that she had something in herself that she doesn't know. Do not miss any chapter and prepare for the twists. This story is written because of boredom from the lockdown 😅