Chapter 3

18 7 0
                                    

Kurt's P.O.V.

"Sir gising napo kayo pinapatawag napo kayo ni Ma'am sa baba"

"Mamaya na, ang aga aga pa naman eh"

"Pero sir mag se-seven napo"

"Shit, ba't ngayon mo lang ako ginising? Pambihira naman manang oh" nagngangalit kong tugon, may lakad pa kasi kami nina
Walton eh. Di ko man gusto pero tumayo na agad ako.

Nagbihis na agad ako at Humanda kayo girls, magbabalik ang campus heartthrob.

"Sir bumaba na daw po kayo" sigaw ni manang mula sa pintuan ko.

"Oo na, oo na, pwede ba manang wag kang distorbo? Wrong timing ka lagi eh, tsk" pagmamaktol ko, lagi nalang sumusulpot tong si manang aakalain mo talagang chameleon kasi di mo nahahalata nasa tabi mo na pala, tss tss.

Kinuha ko na yung bag at mga gamit ko tsaka bumaba.

"Honey, kumain ka muna." anyaya ni Mom.

"I'll just stop at a convenience store Mom" ani ko at hinalikan siya sa pisngi. " And can I take the car with me now? Pretty please" dugtong ko pa.

"Okay, just be sure to return home safe" ahah, that's Mom, and I'm already get used to her kadramahan. Haha hell yeah ewan ko ba kung bakit naging Mama's boy ako.

"I need your love, I need your time, When ev----" phone ringtone.

"Hello?"

"Hey, you already there?"

"I'm on my way na"

"Good, see you there."

"And please, stop at a store and get something to eat, I was not able to take my breakfast"

"Copy that"

Binilisan ko na yung pag da-drive, buti nalang  di ko na kailangan bumili. Dumiretso kaagad ako sa tambayan namin.

Darn it, ako pa talaga pag hihintayin nung tatlo ah, pambihira.

Kukunin ko na sana yung phone ko para tawagan sila kaso may napansin akong babaeng naglalakad. And what the hell, umiiyak ba yan? Pwee ampangit umiyak haha.

"Mahirap maglakad habang umiiyak" oh shett napalakas ko ata, yumuko nalang agad ako upang di niya ko makita, di niya deserve makita kagwapuhan ko. Tsiinggg.

Inangat ko ulo ko upang makita siya, buti nalang mukhang di niya ko napansin kasi ambilis maglakad, parang kabayo hahaha.

"At anong kagaguhan na naman ang naiisip mo Kurt Barrett?" pagbibiro ni Neil. Di ko napansin nakarating na pala sila.

"Ah may nakita lang akong lalaki, chineck ko baka kalaban natin" pagmamayabang ko

"Oh ano daw?" pag aasta ni Dave.

"Napadaan lang daw" tugon ko.

"Lalaki ba talaga?" biro ni Coby.

"Tumahimik ka, wag puro satsat" ani ko "Kumain ka nalang kaya" at sinubo ko na yung fried chicken sa kanya.

Nanatili kami dun mga 10 minutes at pagkatapos naisipan naming pumasok na.

"No I.D. No----" nanlaki yung mata ni Manong nung maaninagan yung gwapo kong pagmumukha. "Ay sorry sir, pasok po kayo". pagpapatawad nito.

Nang makapasok na kami, nakita namin si Chiczer kasama yung mga babae niya, wala talagang hiya tong taong to, nakipag halikan pa sa mga haliparot niya, punyetaa.

Truth in a LieWhere stories live. Discover now