Kurt's POV
"2 points for Stella and Maurine" sigaw ni Prof. Tine, dali-dali namang kinompute nung bakla yung scores.
"Let's proceed to the next round, the qualified teams are Rivera's team with perfect points, Griffin's team with 8 points, Barrett's team with 7.5 points, and Guevara and Rodriguez's team with 6 points.
"Shit, ikaw kasi ba't ang ingay mo, ayan tuloy binawasan tayo ng kalahating puntos." singhal ko kay Neil na napaka-ingay.
"Hayaan mo na, at least nakapasok parin tayo sa next round!" pagmamayabang niya pa. Psh akala mo naman ang laki nang ambag.
" We have remaining five teams, and let's see who's gonna rock the day!" pagkasabi ni Professor Tine nun, nagsialisan naman yung di naqualified at bumalik na sa upuan nila. Napalingon naman ako dun sa iba na kung ano-ano ginagawa.
"Ang talino ni Cynthia ano!" pagpuri ni Neil na may kasamang pang-aasar.
"Psh, mas matalino si Catty." pagbaling ko sa kanya. "Nakasagot lang naman yang dugyot nayan kasi magaling magmemorize yung kasama niyang Rish."
Tumahimik naman yung gunggong. Binura naman nung bakla yung nakasulat na puntos saka nagsulat agad ng mga pangalan sa board.
Leo Guevara
Stella GarciaMaurine Rodriguez
Patty CastilloCynthia Griffins
Rish TeknaKurt Barrett
Neil WaltonCatty Rivera
Dave Grigor"Question 1 for round three!" banggit ni Professor kaya inihanda namin yung marker at whiteboard.
"What is the English translation for Cogito ergo sum?" diretsong tanong ni Prof. saka pinindot yung dala-dala niyang timer.
"Ano ba?" bulong sakin ni Neil sabay sundot.
"Teka lang iisipin ko pa, wag kang atat!" bulong ko sakanya pabalik, psh kanina pato sundot nang sundot, wala namang binibigay na sagot.
Ilang saglit din bago ko maalala yung sagot saka binulong sa kanya at dali-dali din niya itong sinulat.
"Time up, raise your answers." sambit ni Miss saka naman pinagtatataas yung mga sagot namin.
"Sigurado ka ba dito dre?" bulong sakin ni Neil.
"Bakit? May naisip ka bang pwedeng isagot?" pang-aasar ko haha. Kasi naman, nagtatatanong pa eh wala din namang maibigay na sagot.
"Rodriguez and Guevara's team got the wrong answer!" banggit ni Miss. "Cogito, ergo sum is a Latin philosophical proposition by Rene Descartes usually translated into English as 'I think, therefore I am"
Agad namang sinulat ng bakla yung puntos namin. Dahil round three na, three points every question narin yung nangyayari.
"Ang galing dre' ah, pano mo nalaman yun?"
"Magbasa karin kasi kahit minsan, wag puro kabulastugan'" pang-aasar ko sa kanya.
"Aba, nagbabasa din naman ako ah, yung mga cartoon books nga lang" pagbibiro nito.
"Next question" hudyat ni Prof. "Who founded the psychoanalytic school of psychology?" saka niya in-on na naman yung timer.
Nagsitaasan na kami nang sagot nung matapos niyang sabihing times-up saka niya kinilatis yung mga sagot namin.
"All got the correct answer, it's Sigmund Freud" nagpalakpakan naman yung ibang mga kaklase namin. Psh easy, high school topic pa kaya yan.
"Consistent yung pagiging perfect ni Catty ah." panunuyo ni Neil. Tiningnan ko naman si Catty, kaso di ako diretsong tumitig sakanya, panay lingon kasi ito sa dako nung dugyot, baka makita pa ako.

YOU ARE READING
Truth in a Lie
FanfictionThis story is about a girl who felt that she had something in herself that she doesn't know. Do not miss any chapter and prepare for the twists. This story is written because of boredom from the lockdown 😅