"Buti nalang di ka namukhaan" bungad sakin ni Patty nung makalabas na siya ng pinto.
"Akala ko nga namukhaan na ako eh haha" ani ko habang inaayos yung suot kong t-shirt. " Sige una na ako"
"Sigurado ka bang kaya mong maglakad mag-isa?"
"Haha di naman ako bata para magpasama pa sa inyo, tsaka isa pa tanghali pa naman" ani ko saka binuksan yung payong, buti nalang nadala ko to.
" Sigurado ka ah, sige" sambit niya saka pumasok na sa loob kaya nagsimula nadin akong maglakad paalis.
Nung nakalayo na ako, naalala ko yung nangyari kanina.
~flashback~
"Cynthia?"
Natigilan ako sa paglalakad nung marinig kong binanggit ni mokong yung pangalan ko.
"Patay" mahina kong bulong sabay lingon sa kanya ng dahan dahan. "Phew!" bigla kong bigkas nung maaninag ko na nakatalikod lang siya at may kinakausap sa cellphone.
Pero wait! Ba't pangalan ko yung narinig ko? Arghhh! Wag mong sabihing may pinaplano ka namang di maganda mokong ka. Psh.
Natigilan ako nung bigla siyang lumingon saka ngumiti. Shems.
~end of flashback~
"Arghhh, wag kang mag-alala di ka niya nakilala" pagkukumbinse ko sa sarili ko saka nagtuloy na ulit sa paglalakad.
Saktong nung malapit na ako sa apartment may biglang kumalabit sa akin, nilingon ko naman saka--
"Ahhhhhhhhh"
"Gaga, walang multo sa tanghaling tapat!" pagbibiro ni Lori. Eh kasi naman yung mukha niya, di na rin malayo sa multo hahaha. Yung eyeliner niya kasi kumalat na sa pisngi niya pambihira. "Oh anong tini-tingin tingin mo diyan? Lakad na"
"Haha umiyak ka ano?" pang-aasar ko.
"Di ah" pagmamayabang niya pa.
"Wag mo nang itanggi, halata naman eh haha"
" Di nga kasi, fyi best actress ako no" pagsisimula niya. " Dinramahan ko lang naman yung lalaking yun, aba walang modo, hinihipo hipo ba naman legs ko sa tuwing nagkaka tsansa. Kaya ayun, nagmala Kathryn Bernardo akong umiyak at gumawa ng eksena sa resto haha"
Aba magaling din. Hahaha, kaso epic ngalang kasi walang time manghilamos haha.
"Haha tara na nga, nakakatakot yung mukha mo eh" ani ko saka binilisan namin yung paglalakad.
Kurt's POV
" Dre?" bungad ni Neil.
"Oh bakit?"
"Baka nakalimutan mo na yung about kay Cynthia!"
"Cynthia?!" oh shit, tama nga pala, di ko pa nagagawa yung first move ko kay babaeng dugyot psh.
"Bingi ka ba?"
"Oo na, papunta na ako diyan!" bulong ko sa kanya sa cellphone.
Aalis na sana ako nung masulyapan kong nakatingin sakin yung waitress na parang timang, kaya nginitian ko nalang saka ako umalis.
"Ano dre'? Busog kana?" pagbibiro ni Coby nung makarating ako sa gymn.
" Loko, san yung iba?" tanong ko sakanya nung mapagtanto kong siya nalang mag-isa dito sa loob ng gym.
"Kanina pa natapos yung try outs, Sabi ni Prof. sa Monday na daw niya sasabihin yung qualified na players"
"Teka, nakauwi na sina Neil? Eh kakatawag lang nun sakin eh"

YOU ARE READING
Truth in a Lie
FanfictionThis story is about a girl who felt that she had something in herself that she doesn't know. Do not miss any chapter and prepare for the twists. This story is written because of boredom from the lockdown 😅