Chapter 12

2 0 0
                                    

"Please samahan moko! Sige na" pagpupumilit ko kay Lori.

"Di nga pwede, may gagawin ako." irita niyang sagot.

Huhu, kanina ko pa siya pinipilit na samahan akong maghanap ng trabaho kaso ayaw niya talaga. Napaaga pa naman yung gising ko para lang maabutan siya. Kainis.

"Tsaka hello? Sabado ngayon, REST day!" pagdidiin niya.

"Eh ikaw san ka pupunta? Magdedate? rest bayun?Psshh naku naku tigil tigil-tigilan moko Lori"

" Rest yun, kasi makakapagpahinga lang ako kung kasama ko siya, yiiee!"

"Yakkk, umalis ka na nga. Kadiri ka!" pagbibiro ko dito.

"Haha diyan ka na nga" ani niya saka kinuha yung bag niya, "at hey! diba sa Arevir Academy ka nag-aaral?"

"Ano namang meron dun?"

"Wag kang magkakamaling magpakita sa kanila" pagbabanta nito saka nagmamadaling umalis.

What? Ano namang meron kung makita nila ako? Balak ko pa nga sanang magpasama kay Cathy eh, tsk kahit minsan talaga engot tong si Lori.

Pagkatapos kong magmuni-muni sa kama, naligo na ako at nagbihis para naman masimulan na yung paghahanap ng trabaho sayang yung oras.

"Tok tok tok" rinig kong katok sa baba. Kaya nagmadali akong bumaba, pero bago ko binuksan yung pinto, kinuha ko muna yung walis para lang naman makasiguro haha.

"Sino po sila?" sigaw ko mula sa loob.

"Delivery po ma'am" dahan dahan kong binuksan yung pinto, nakahinga ako ng maluwag nung makita kong nakasuot siya ng LBC, haha delivery nga.

"Eto po ma'am, pakipermahan lang po ito" ani niya pagkababa nung box at nilahad sakin yung papeles.

"Ah eh, magkano po?" ani ko.

" Ah wag napo ma'am, bayad napo yan" tugon naman niya saka umalis.

Kinuha ko naman yung kahon at dinala sa taas, buti nalang di ako pinagbayad, wala pa naman si Lori, siya dapat magbayad nito. Naiingit tuloy ako, kasi naman ang bigat nung box siguro mga pagkain at gamit yun, ang swerte niya.

Pagkatapos kong malagay yung box sa kama niya, kinuha ko na yung mga gamit ko at nagtungo na sa baba para masimulang maghanap ng matatrabahuan.

Lakad..... Lakad.... Lakad......

Nagtungo ako dun sa daan patungo sa Paaralan, hindi ko kasi kabisado yung daan sa kabila baka may mangyari pa tsaka baka makita ko na naman yung asong yun haha.

San naman kaya ako makakahanap nang mapapagtrabahuhan nito!?.  Psshh

Nakakalahati na ako sa paglalakad nung may makita akong tindahan, di naman siguro masamang magtanong hehe.

"Tao po!" sigaw ko mula sa labas nung gate ng bahay nila na katabi nung grocery store. Ang gara nung bahay nila, old yung theme pero halatang bago yung mga materials.

"Tao po!" sigaw ko ulit, pambihirang to oh mga bingi yata nakatira dito eh.

"Taooo p---"

" Ano pong pakay n--- uy Cynthia! Anong ginagawa mo dito? Tuloy ka!"

"Le- Le- Leo?"

"Ba't parang nakakita ka naman ng multo? Hahaha" pagbibiro nito. Sheemss kina Leo pala to? Oh my gases Oxygen please. "Ano palang ginagawa mo dito?"

Truth in a LieWhere stories live. Discover now