Chapter 15

1 0 0
                                    

Kurt's POV

"Dre san kana?" ani Neil sa kabilang linya.

"I'm on my way!"

"Bilisan mo!" singhal niya saka ko binaba yung tawag at pinaharurot na yung takbo ng kotse.

Papunta ako ngayon sa tambayan namin nina Neil. Dun na kami nalagi sa tuwing may gagawin kami at pagpaplanuhan. Pinapunta ko sila dun ngayon baka sakaling makita nila yung babaeng dugyot nayun.

Sinulyapan ko lang yung Campus saka tinignan yung card na nasa front seat at dinoble na yung takbo ng kotse ko.

~flashback~

"Sige Sir ano po yun?" pagkarinig kong yun kay Manang, kinapa ko agad yung mga natitirang cards sa mesa ko saka ito binigay sa kanya.

" Ano pong gagawin ko dito sir?" tanong niya agad nung mahawakan na niya yung mga cards. "Itatapon ko na po ba?"

"No!" singhal ko. Haha pwede din naman itapon kung di lang dahil sa letcheng dare nato psh. "Ah eh Manang, nakauwi naba si George?"

Anak yun ni Manang na pinag-aral ni Mom at Dad sa Flint Academy. Saka mahilig yun mag sulat ng kung ano-ano kaya baka matulungan ako. *evil smirk*

"Ah hindi pa po sir, bakit po!"

"Pakisabi naman manang oh baka pwede niyang gawin lahat yan, may bibigyan lang sana ako."

"Syempre Sir, wag po kayong mag-alala ibibigay ko to sa kanya mamaya" pagsang-ayon ni Manang. Success. "Ano po ba yung ilalagay na pangalan!"

Oo nga pala, di ko din naman pwedeng sabihin kung kanino to ipapabigay sa kadahilanang baka ipagsabi nitong si Manang, malalagot talaga ako kay Dad.

"Ah yung sakin nalang ilagay mong pangalan sa baba  wag mo nang lagyan sa itaas."

"Uy si Sir may pasekre-sekreto!" pang-aasar ni Manang. Psh.

"Sige na Manang, salamat ah" pagtutulak ko sa kanya palabas. Kahit kailan ang daldal talaga nito, kaya ayaw kong makipag-usap dito eh, aabutin talaga kami ng bukas.

~end of flashback~

Napangiti naman ako nung maalala ko yun, atlast nakahanap din ng paraan hahaha.

Bababa na sana ako ng kotse nung makarating ako sa tambayan nang biglang

"Tara!" sambit nung tatlo na paparating sa dako ko.

"Anong tara?" pagtataka ko. Kasi naman, kakarating ko lang tapos ngayon sasabihin nilang tara na? Psh ako pang pinagtripan ng mga gunggong na to.

"Kanina pa nakaalis si Cynthia, papunta ka palang nandun na ata yun sa campus!" usal ni Coby habang papasok sa kotse ko.

"Eh ba't ngayon niyo lang sinabi?" inis kong tugon

"Naglakad lang kasi kami tungo dito, nakakapagod narin kasing maglakad pabalik kaya nagpasundo na kami sayo hahaha" pang-aasar ni Neil.

"Letche-----"

"Wag ka nang magdadaldal pa! Paandarin mo na to" singit naman ni Dave sabay tapik dun sa pinto ng kotse ko. Pumasok nalang din ako.

"Woah! Hanep dre' kailan ka pa naging ganito ka sweet hahahahaha" pang-aasar ni Neil, di ko namalayang nasa kanya na pala yung card, buti nalang din di niya naupuan.

"Tsk, yung anak ni Manang gumawa niyan." pagpapaliwanag ko habang seryoso sa pagdadrive.

"Kaya naman pala" singit ni Coby.

Pagkatapos kong maipark yung kotse tinahak ko na agad yung daan tungo sa locker at nagtungo nadin yung tatlo sa classroom.

"Shit!" bulong ko nung masulyapan kong nasa loob ng locker room yung dugyot.

Truth in a LieWhere stories live. Discover now