Chapter 9

18 4 1
                                    

"M-mmarcus?" bulong ko.

"Hahahaha, sinisigurado ko lang kung may natutunan ka ba sa nangyari kahapon!" pagbibiro nito. Sheeems ang gwapo niya lalo na sa tuwing ngumingiti.

"Ahh" sambit ko. Shems para akong timang, ano ba dapat gawin ko? Ah tumawa good kailangan kong tumawa. "HAHA!"

Natigilan siya sa ginawa ko, shems anong klaseng tawa ba yun? Arghh parang timang.

"Bwahahahahahahah!" lumalagapak niyang halakhak, 😑 nakakahiya huhu.

Nagtuloy nalang ako sa paglalakad, ayokong mapahiya ulit tsk.

"Uy hintay!" sambit niya saka tumakbo para makasabay sa paglalakad ko. "Kumusta?"

"Ah okay lang naman" ani ko habang nakayuko, nakakahiya kasi. Ano ba dapat itanong ko sakanya. Sabi kasi nila, in case of situations like this, kailangan mong magtanong para mas mapahaba yung topic kesa maging awkward yung situation, at ayokong mangyari yun huhu. "Ah san ka pala nakatira?"

Natigilan siya ng ilang segundo bago nakasagot.

"Sa kanto lang din, medyo malayo." sagot niya. So yun na yun? End of the topic? Tsk. "Bakit? Ayaw mo ba kong kasabay?"

Shems, ano ba kasing tanong yun. Siyempre gusto kong makasabay tong nilalang nato, sino ba namang hindi diba?

"Hindi naman sa ganun! Nagtataka lang kasi ako, madalas na kasi kitang nakakasabay. Hehe?" sambit ko nalang. Natigilan ata siya sa sinabi ko kasi tumigil siya sa paglalakad.

"San ka pupunta?" ani niya.

"Huh?" taka kong tanong, siyempre sinong di magtataka, nakauniform ako heller? Edi san pa ako pupunta? Tiningnan ko siya ulit. Di parin siya umaalis sa posisyon niya.

Maglalakad na sana ulit ako nung may marinig marinig akong pamilyar na boses.

"Hoy, pumasok na kayo! San pa kayo pupunta?"

Oh shems, nilingon ko yung pinanggagalingan ng boses.

"Manong Guard?" bulong ko sa sarili ko. Oh no, di ko man lang namalayan na nandito na pala kami sa harapan ng school! Nahihiya tuloy akong humarap kay Marcus.

"Let's go?" sambit niya at inakbayan ako. Arghh feeling ko ang init-init ko na. Dumistansya ako sa kanya baka kasi mafeel niya yung init ng pisngi ko. Di naman siya kumibo kaya nagtuloy na kami sa paglalakad.

Pagpasok namin ng campus, halos lahat ng mata ng mga babae nakatingin samin, arghh ayoko pa namang makakuha ng atensyon.

Inalis ko nalang yung kamay ni Marcus sa balikat ko.

"Di kasi ako sanay! Hehe" sambit ko nalang.

"Ah haha, sorry" ayoko mang mag sorry siya pero di ko nalang ulit kinausap baka kasi pandilatan na naman ako ng mga babaeng to tss.

Kagaya kahapon, hinatid niya ko tungo room ngunit ngayon sa back door na niya ako dinala tsaka umalis.

Pagpasok ko ng room wala pa yung professor namin ngunit ilang minuto nalang din yung natira para mag first period.

Umupo na ako sa pwesto ko, himala kasi nakarating ako dito ng walang pangtitrip na nangyari. Haha. Oh swerte sumanib ka hahaha.

Ilang saglit din ay dumating na si Cathy, gayun din yung Professor namin na ewan, ngayon ko lang to nakita eh hehe.

Truth in a LieWhere stories live. Discover now