Chapter 10

3 1 0
                                    

Cynthia's POV

Nakakapagod, kanina pa ako lakad ng lakad dito. Inutusan kasi ako ni Mr. Contero na kunin daw yung book niya sa office, aba ewan ko ba san na office dito, sa dinami dami ba naman ng buildings di ko kayang imemorize lahat kasi nga di din naman ako nag gagagala dito, isa pa, heller? 3days pa kaya ako sa paaralang to pshh.

Okay nadin to kesa naman umupo lang dun sa classroom ng walang ginagawa, ayaw ko din naman kasing ubusin agad yung natitirang dalawang pages ng sketch pad ko.

" Where are you going Miss Griffins?" bungad sakin ni Miss Tine nung magkatagpo yung landas namin.

"Ah eh, may pinapakuha lang po si Professor Contero, Ma'am!" ani ko.

" Oh I see!" sambit niya tsaka nagtuloy sa paglalakad.

Wait, matanong nga si Ma'am.

"Ah Miss Tine-" ani ko at hinarap siya kasi nakalagpas na siya sa pwesto ko. "Saan po ba yung office ni Sir Contero?"

"There!" direktang sagot niya sabay turo dun sa building na malapit sa gym.

"Thank you po!"

"You're welcome, just don't forget to lock the door before you leave" tugon niya at nagtuloy na sa paglalakad. Di narin ako nagpatumpik pa kasi naman pagod nako kakalakad dito sa hallway tsaka baka tapos nang makipagchika si Sir sa kanila. Tinahak ko agad yung daan tungo sa office ni Sir.

Wait, arghh ba't pa dalawa yung mesa dito? Tsaka ba't walang mga names. Tsk, kaya nilang magpatayo ng sandamakmak na classrooms at school facilities pero di man lang nila afford maglagay ng name for the teachers? Grrr.

Inuna kong puntahan yung mesa sa kaliwa na may upuan na kulay blue, yung sa kabila kasi medyo girly kasi light maroon.

Halughog dito... halughog doon...

"Oops" bigla kong sambit nung mahulog ko yung isang document sa likot kong maghalughog hehe.

Pinulot ko at binalik dun sa mesa. Paglagay ko nakita kong may nakaipit na note. Di naman siguro masama kung babasahin ko diba? Hehe. Kasi naman baka may name dun na nakalagay so edi case solved?

Dahan-dahan kong kinuha yung note tsaka binasa.

Wait medyo familiar yung klase ng papel na ginamit somewhat nakita ko na to dati. Arghhh , here goes the headache again, nagiging madalas na yung pagsakit ng ulo ko ah, di naman to ganito dati eh.

A message to Coline:

Ohh di to kay sir, pero wala din namang tao kaya basahin ko nalang wala naman sigurong makakaalam eh hahaha.

Be sure to deliver everything.

"What?" bulong ko. Ey? Yun lang? Tsk napaka senseless naman ng message nato. Ibinalik ko nalang yung note sa kinalalagyan nito tsaka nagsimulang maghalughog sa kabilang mesa.

Neil's POV

"Ano nacontact mo?" bulong ko kay Coby na nasa likuran ko.

"Unavailable daw eh" bulong niya sakin pabalik.

Nandito kasi kami ngayon sa classroom, buti nalang nag-eenjoy magchismis si Sir kaya di niya kami nahahalata. Pilit kasi naming kinokontact si Kurt, kasi naman di namin alam kung ano ba susunod na plano nito, nag extend pa kasi ng isang linggong leave. Kainis.

"Damn, ano kaya susunod niyang plano? Ayoko naman ubusin daily allowance ko para lang makipagkaibigan kay Cynthia ano!" pagdidiin kong bulong.

Truth in a LieWhere stories live. Discover now