Chapter 6

17 6 0
                                    

Kurt's POV

"Shit kanina pa ako inip na inip dun eh, ba't ngayon mo lang ako tinawag?!" usal ko kay Neil, eh talaga namang inip nako dun kanina pa sundot ng sundot yung Rish nayun parang walang plano sa buhay ayan tuloy wala kaming nasisimulan.

"Magpasalamat ka nalang kasi tinawag pa kita" pagmamarunong niya. Aba loko to.

"Ba't mo nga ba naisipang manlibre sa kanila?"

"Dre' ba't habang tumatagal bumobobo k--- ARAYY" tsk ayan tuloy nabatukan ko haha.

"Wag mo kong ginagago, ano nga bang pumasok sa isip mo't manglilibre ka?" sumbat ko sa kanya. Ngumisi naman ng nakakaloko yung gago.

"Easy dre', it's still part of the plan" sambit nito at may pakindat-kindat pa. Sabagay may point siya, mas mapapalapit ako kay dugyot kung gayun. " But you have to be careful this time, kasama niya si Cathy, and I do know na hindi mo hahayaang masira yung relasyon mo kay Cathy nang dahil lang sa babaeng yun." dagdag pa niya.

"Okay, I'll stick with the plan!" tugon ko."Dave, Coby, let's go!" agad namang lumapit yung dalawa kaya nagtungo na kami sa school cafeteria.

"Anyways, mahihirapan ata tayo sa dugyot girl na yun, hula ko matalino saka madiskarte eh" ani ni Neil habang patuloy kami sa paglalakad dito sa hallway.

"Pano mo naman nasabi? Tsk ngayon mo nga lang nakausap pabida ka na!" pagbibiro ko, totoo naman eh, di halata sa hitsura nun ang diskarte at talino pwee.

"Bakit? Hula ko wala pa kayong nasisimulang gawin nung buteteng Rish nayun, haha--- Arayyyy wag ka ngang nambabatok" sigaw ni Neil, aba kasi iniismol ata yung talino ko. "Totoo naman eh, ambilis kayang nakaisip ng strategy yung babaeng Cynthia nayun bukas nga mismo gagawin na namin yung model namin" pagmamayabang pa niya. Manghang mangha naman yung mga ulol sa likod.

"Woah talaga dre!?" rinig kong sambit ni Coby at Dave habang kinakalabit yung balikat ni Neil. Tsk. Inunahan ko nalang sila sa paglalakad para naman makapag-isip ako ng matino.

This time, I really need to be cautious lalo na't makakasama ko si Cathy sa isang mesa. Kainis naman kasi, kung di lang dahil sa Cynthiang babaeng yun edi sana nagpaplano na ako sa panliligaw kay Cathy, it's almost 6 years back then na todo atras abante ako pag nakakaharap siya. I was given one month with this dare kay babaeng dugyot kaya pagkatapos na pagkatapos din nito, makakapagsimula nako kay Cathy. I just have to finish this dare as soon as possible---

" Ey dre' ang seryoso mo ata, andito na tayo sa cafe' oh" bungad ni Coby. Shit nakakahiya, di ko man lang napansin na andito na pala kami sa harap ng cafeteria. "Bawas bawasan din yung pag-iisip kahit minsan." dagdag pa nitong pagbibiro tsk.

Pumasok na kami at pinili yung sa may dulo ng cafeteria mas mahangin kasi dun kasi malapit sa bintana.

"Sige mga dre' order na ako" sambit ni Neil saka nagtungo na.

Mga ilang minuto din bago dumating sina Cathy, paksheet walang pinagbago yung itsura mala-anghel parin.

Palinga-linga sila sa paligid at hinahanap kung san yung table namin.

"Hey girls" sigaw ni Neil na kakatapos lang mag-order. Agad din namang lumapit yung dalawa.

Cynthia's POV

"Hey girls" sigaw ni Neil sa malayo.

"Dun oh" bulong ko kay Cath saka kami nagtungo. Buti nalang maganda yung spot na napili nila ang init pa naman ng panahon ngayon, di na din kasi masyadong umuulan.

Truth in a LieWhere stories live. Discover now