Chapter 20

0 0 0
                                    

Kurt's POV

"Sir, ang saya niyo po ata?" banggit ni Manang nung maabutan niya ko sa kwartong nakangiti habang di mapakali sa kama.

"Ah eh, success yung cards manang eh!" palusot ko nalang, pero half true din naman kasi parang yun nadin yung dahilan. "Sige na Manang, lumabas ka na. Matutulog na ako!" usal ko. Panira kasi si Manang eh ang distorbo.

"Sige po sir, tawagin niyo lang po ako kung may kailangan po kayo."

"Oo na, sige na sige na." pagtataboy ko sa kanga, kasi naman kung di ko yun gagawin, edi magtatalak nang tatalak yan dito.

Yung totoo, di pa talaga ako inaantok eh. Tinawagan ko nalang si Neil.

"Dre! Diba may malapit na flower shop diyan sa inyo?"

"Oo dre! Bakit?"

"Ibili moko ng bouquet, ikaw na bahala sa kulay!" sigurado naman akong magaling pumili yun, andami ng binigyan nun ng bulaklak eh.

"O sige dre', paalam na. May gagawin pa ako!" saka niya dali-daling binaba yung tawag.

Lumabas muna ako ng kwarto.

"Manang!!" sigaw ko mula sa hagdanan ng bahay.

"Sir? Ano pong kailangan niyo?" sambit niya habang nagdadaling tumakbo palapit sa akin, haha kung kanina lang lakas dumakdak nito. Ngayon lang wala ng masabi dahil hingal na hingal.

"Manang, pakisabi kay George na wag na yung tapusin ang pagsulat sa mga cards, kung pwede sunugin niyo na. Di ko na kakailanganin yun." mahaba kong utos kay Manang. Naintintihan naman siguro niya kasi patango-tango lang ito.

Di ko na siya hinintay pang magsalita, baka mamaya abutan pa kami ng umaga kaya inunahan ko na siya sa pag-alis.

Habang nakahiga ako sa kama di ko parin mawala-wala sa isip ko yung nangyari kanina.

""Uhmm, thanks for the cards Kurt!"

"Uhmm, thanks for the cards Kurt!"

"Uhmm, thanks for the cards Kurt!"

Shit, heaven yung boses niya grabe, haluan mo pa nung ngiti niyang mala anghel. Hmmmm.

"You owe me thing!"

Bwesit! Ba't pa pumasok sa isip ko yun, pati ba naman dito sa sarili kong pamamahay, mumultuhin ako ng boses ng dugyot na yun? Fvck.

"You owe me a thing"

Damn it! Kung di dahil sa kanya, edi sana matagal ko pang masisilayan yung kagandahan ni Catty.

Ibig sabihin, kung nabasa ni Catty yung cards at nagpasalamat siya, edi hahanap-hanapin niya yun. Ayusss...

Dali-dali akong tumakbo pababa saka tinunton yung daan papunta sa kwarto ni George.

"Ah! George?" tawag ko sa kanya pagkatapos kong tumatok.

"Sir?" bungad niya agad, haha parang sundalo lang. Bilis maka sagot.

"Galing naba dito si Manang? I mean yung nanay mo?" ani ko.

"Ay opo sir! Sa katunayan po, nagawa ko na po yung sinabi niya, agad agad po!"

"What??" gulat kong tanong. Halatang nagulat din siya sa inasal ko, napatungo kasi ito. " I mean, it's okay. Pero kahit isang card ba walang natira?"

"Naku sir, wala na po talaga eh." tugon nito. Sayang naman, gagamitin ko pa naman sana yun.

"Ah sige salamat!" mahina kong sambit saka tuluyan nang naglakad pabalik sa kwarto ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Truth in a LieWhere stories live. Discover now