Kurt's POV
Pagkalabas ko ng restaurant, pumanhik agad ako sa kotse ko. Damn that girl, just for this list 1k na agad hiningi. Haha napaghahalataang dukha eh.
Ipaaandar ko na sana yung kotse ko ng bigla kong masapid yung kamay ko sa basang tela ng damit ko.
"Sorry Sir"
Pag-ulit nung sinabi ng babae sakin kanina nung matapunan niya ako. Ewan ko ba pero parang pamilyar yung boses niya. Psh.
Nilingon ko muna yung resto saka pinaandar na yung kotse.
Cynthia's POV
Ayusss, naka dalawang libo at isang daan ako ngayong araw. Salamat kay mokong kasi di kuripot hahaha.
"Iniinom mo ba yung gamot na binigay sayo?" bungad ni Lori nung makalabas siya galing sa banyo.
"Oo naman. Ang pakla nung lasa" pag-iinarte ko haha. Totoo naman eh, mapakla talaga.
"Dito muna sakin tong phone mo ah!" pag-iinsist niya.
"Oo na, basta kapag kailangan ko yan, turuan mo ko ha" sambit ko saka inayos na yung kama ko at naghanda na para matulog. "Anyway, malapit na yung acquaintance party namin, tulungan moko ah sakaling may kung anong gagawin"
"Sure!" sambit niya saka nagtututuplok na ulit sa phone ko.
"Okay goodnight"
Catty's POV
"So our choices would be summer party or night ball" he continued while passing tiny strips of paper to the group.
Kanina pa ako lutang dito sa loob ng office. I have to make a plan, I shouldn't let that girl steal my position. No one ever tried to be my opponent.
"Miss Rivera?"
"Oh yes sir?"
"You're not listening, I said please pass this papers"
Tinanggap ko naman yung papers na nilahad sakin ni Mr. Adam and then passed it to the persons behind me.
"In order to make a fair decision, I want each of you to write your desired theme for the upcoming acquaintance in that strip of paper and then put it inside this bowl"
Kurt's POV
"Sigurado ka ba diyan dre?" tanong ni Neil nung makalapit siya sa direksyon namin ni Diego.
"Oo naman, hindi niya naman malalaman unless walang magsasabi!"
"Ikaw bahala" tugon nalang niya saka bumalik sa locker niya.
"Wag na wag mong ipagsasabi yung kinalaman ko dito ah!" pagbaling ko sa atensyon ko kay Diego. As usual, ang patpatin parin saka takot parin sakin, buti naman.
"Oo" sambit niya habang nakatungo.
"Gawin mong malinis kung pwede!" pagpapaliwanag ko. " O sige na puntahan mo na!"
Dali-dali din naman siyang pumanhik palabas ng locker room kaya lumapit na ako kina Dave at Coby.
"Ano nalagay mo na yung card?" ani Coby nung makalapit ako sa kanila.
"Oo kanina pa, bago ako umakyat dito!"
"Dre! May bagong announcement na naman na pinadikit si Sir Contero sa bulletin!" sigaw ni Neil galing sa labas.
Lumapit din naman kami sa dako niya at tinanaw yung tinitingnan niya.
"Baka tungkol sa sports fest!" sambit ko nung makita kong nagkumpulan yung mga tao sa harap ng bulletin board.

YOU ARE READING
Truth in a Lie
FanfictionThis story is about a girl who felt that she had something in herself that she doesn't know. Do not miss any chapter and prepare for the twists. This story is written because of boredom from the lockdown 😅