Cynthia's POV
Pagdating ko sa apartment, pinwesto ko kaagad mga gamit ko at pumunta sa banyo para maglaba.
Habang kinukusot ko yung pants ko, may nakapa akong nakaumbok, wait oo nga pala dito ko pala pinasok to.
"Ang ganda naman" sambit ko nung masilayan kong muli ang napulot kong kwintas kanina, "kanino kaya to?". Medyo familiar kasi yung kwintas, somewhat nakita ko na to dati or maybe napanaginipan ko lang, hehe.
"Ahhh" bigla kong sigaw nang kumurot at umigting yung ulo ko. Parang napapadalas na yung pagsakit ng ulo ko ah, kakabasa ko ito ng libro tsk.
"Tok tok tok" Natigilan ako sa pagmumuni-muni ng may biglang kumatok sa pinto ng banyo.
"Cyn' matagal ka pa ba diyan?" wika ni Lori.
Di ko man lang namalayan na nakauwi na pala siya.
"Teka babanlawan ko lang tong nilabhan ko" sinuot ko na agad yung kwintas at binilisan na ang pagbabanlaw para makapagpahinga narin.
Nung natapos na ako, lumabas na ako sa banyo saka naman sumunod si Lori.
Tumalon agad ako sa kama ko.
"Hays" pagbubuntong hininga ko, ano na naman kayang ganap bukas? Limitado pa yung pera ko, ayoko naman abalahin sina nanay para humingi lang ng pera. Hays.Bumangon muna ako saglit at nagsulat sa small notebook ko.
Goal this week:
Look for a Job
Narinig kong lumabas si Lori ng banyo.
"Lori?" tawag ko sa kanya.
"Yep?" tugon niya.
"May alam ka bang part time job?" walang pag aalinlangang tanong ko.
Halatang nagulat siya sa tanong ko, pero ewan desidido na talaga akong makahanap ng trabaho, di naman sa lahat ng oras iaasa ko kina nanay mga pangangailangan ko diba.
"Ah eh wala" buntong ni Lori at humiga na sa kama niya.
"Teka tapos kana maghapunan?" tanong ko.
"Ah hindi pa eh" ani Lori. "So let's go?" anyaya niya.
"Sure" at bumaba na kami para kumain.
Kurt's POV
"Daaaaddddd" sigaw ko pagdating ko sa bahay.
"Sir Kurt, wala po dito si Ma'am at Sir, kakaalis lang po"
"San daw sila pupunta manang?"
"Sa airport po"
"Oh shiiit" nakalimutan ko ngayon pala flight ni Dad. Bawi nalang siguro ako next time, for sure di ko na sila maaabutan. May gagawin pa ako eh.
"Ah manang, kung dumating si Mom, pakisabi may pinuntahan lang ako babalik din ako kaagad."
"Sige po Sir."
Lumabas agad ako ng bahay at pinaharurot yung kotse tungo sa Jewelry store. Now that Dad is away it would be safe for me kasi di niya malalaman na nawawala yung kwintas but then for the meantime I need to get a replacement for it para di mapansin ni Mom, I still need to find the real one. Shit san ko ba kasi yun nalagay?
"Eto po ba Sir?"
"Nope"
"Eto po"

YOU ARE READING
Truth in a Lie
FanfictionThis story is about a girl who felt that she had something in herself that she doesn't know. Do not miss any chapter and prepare for the twists. This story is written because of boredom from the lockdown 😅