Cynthia's POV
Habang nililigpit ko yung mga gamit ko na nasa mesa, natigilan ako nung pumasok si Leo na hingal na hingal.
"Kai- la- ngan na-" bigkas ni Leo na pilit inaayos ang sarili at pilit na kinukumbinse ang sarili sa paghabol ng kanyang hininga.
"Ano ba Leo, umayos ka nga!" sigaw ni Stella, yung isa sa mga chismosang palaka. Tinuloy ko nalang yung pagliligpit ng mga gamit ko.
"Kailangan nating mag P.E. sabi nung kabilang section, saka dun daw tayo sa gym magtungo after break" rinig kong sambit ni Leo na pinipilit maging maayos yung pagsasalita. Wait what? Shems.
Sasabihin ko sana kay Neil na kukunin ko muna P.E. ko kaso paglingon ko wala na sila sa mesa nila.
"Ah eh Catty, pwede humingi ng pabor?" pagsisimula ko.
"Sure, what is it about" pagkarinig kong yun, ngumiti agad ako.
"Tutal sasabay ka naman kina Neil sa cafeteria pwede pakisabi sa kanila na di muna ako makakasabay, kukunin ko pa kasi P.E. uniform ko sa locker eh" mabilis kong pagpapaliwanag, halata namang naintintihan ni Catty kasi patango-tango ito.
"Okay, but make sure to catch up if you still can!" tugon naman niya.
"Yes, thank you!" saka ko inangat ang bag ko at tinakbo na yung hallway papuntang library.
"Cyn-thia" rinig kong sigaw mula sa likod ko.
"Leo?" sambit ko nung makita ko siyang nakasunod sa akin at hingal na hingal kakatakbo.
"Hintayin moko, sa locker ka papunta diba?" tanong niya nung makalapit siya.
"Oo, ikaw din ba?" baling ko sa kanya. Nakita ko naman siyang tumango kaya naglakad na kami tungo sa locker.
"Ano, nakita mo na aso mo?" pagbabasag niya sa katahimikan habang naglalakad kami sa hallway. Wait ano bang asong sinabi nito?
"Aso?" sambit ko nalang. Nagbago naman bigla yung ekspresiyon ng pagmumukha niya.
"Yung aso mo! Yung kahapon, diba hinahanap mo? Ano nakita mo na?" pagdidiin niya ng paliwanag. Shems, ayy oo nga pala.
"Ah oo nakita ko, nagsususuok lang pala dun sa damuhan" pagpapalusot ko. Bakit ko ba kasi yun nakalimutan.
Nag uusap-usap lang kami ng kung ano-ano hanggang sa makarating kami sa tapat ng girls locker.
"Sige dito lang ako!" ani ko kay Leo saka iwinasiwas yung kamay ko. Tumango lang siya saka nagtuloy na sa paglalakad, nasa next floor pa kasi yung locker nila.
Pagpasok ko sa loob marami-rami din yung mga babae at natatanaw ko din sina Patty, Stella, yung mga kaibigan niyang palaka at marami pang iba.
Wala nadin akong sinayang na oras pa at naghakbang na tungo sa direksyon ng locker ko. Ngunit nabigla ako nung may matanaw akong kulay dilaw na nakadikit sa pinto.
Napangiti ako, haha aba kasi naman kung sino man yung naglagay ng card nato, may magandang taste siya sa pagpili ng kulay. Hehe
Nilingon ko muna yung paligid at siniguradong walang tao dito sa row ng locker ko bago ko kinuha yung card.
Your smile is my desire, and your love is what I want to have.
Medyo may pagkacheesy din tong taong to ah hahahaha.
"WHAT!?" napasigaw ako nung mabasa ko yung pangalan na nasa baba ng card. No way!!?
"Okay ka lang Cynthia?" sigaw ni Patty mula sa dulo. Napalakas ata sigaw ko.

YOU ARE READING
Truth in a Lie
FanfictionThis story is about a girl who felt that she had something in herself that she doesn't know. Do not miss any chapter and prepare for the twists. This story is written because of boredom from the lockdown 😅