Chapter Four

1.5K 74 14
                                    

"Baka may gusto sayo si Kuya Embong." Sabi ko kay Genesis, isang hapon na naghihintay kami sa paglubog ng araw.

Tahimik ang paligid, naisip ko na magandang oportunidad ito para kausapin siya tungkol doon. Sa tingin ko kasi... may kung ano sa kanilang dalawa. Gusto ko lang malaman. We're friends, right? She should tell me about it. If she can't, I respect it but somehow I'm hoping she'll open up about it.

Ang sarap kaya sa feeling na may pinagbabahagian ka ng kilig mo!

"What?" Kumunot ang noo niya.

"I'm just saying. Crush ka ata. Wala namang masama-"

"No!" Aniya at tinalikuran ako. Nagkibit-balikat ako at natatawang hinayaang siya sa pag-alis. Tinanglaw ko ang kalangitan at pinanood ang paghalo ng mga kulay sa ulap.

Palagi kong tinatanong si Genesis tungkol doon at lagi siyang naiinis at nagagalit. Inaasar ko rin siya minsan kahit sa klase kaya ang ending makikipagpalit siya ng upuan sa kahit na sino.

I mean if Kuya Embong likes her, it's okay. If she likes him back, it's okay. But if it's not mutual, they should not pursue it. They'll only get hurt in the process. Wala nang mas papait pa sa isang pagtingin at pag-ibig na hindi nasusuklian.

"Race! My favorite girl." Tawa ni Hira nang dumaan ako sa harapan niya. She was talking with one of the SSG members and they both smiled at me.

"Bakit, Hira? I have something important to do." Sabi ko. Mas abala kami ngayon sa pag-aasikaso sa Science fair dahil wala ng isang buwan iyon! It's coming near.

"Kamusta? How's your crush doing?" Tanong niya.

"We're good, Hira." I winked.

"When are you getting popped?" Tawa niya. Natawa rin ang kasama niya.

"Hira!" Saway ko, kaagad na namula. Iyon talaga ang iniisip niya? Ang babaw ko pala kasi ako, kamay lang ni Jace masaya at kuntento na ako.

Ang dumi kais ng isip nito ni Hira! Kapag ako nahawa!

"Just kidding. Sige na." She dismissed me and I proceeded to the room where we will be having the meeting for the Science fair. Ang alam ko ay magsisimula na rin kaming gumawa ng mga banners, templates, cards and tarpaulin.

Since I'm good with calligraphy, I started writing some quick trivias and facts about Science. Dala-dala ko ang iilang mga Science books and booklets, naglakad ako patungo sa kabilang room para mas maayos akong makagawa rito. Mamaya ay lalakarin ko ring bumili ng mga tela para gagamiting pan design sa mga booths.

"Naiwan mo ang ruler sa kabila." Ngumiti si Genesis at inabot sa akin ang ruler.

"Thanks."

"Uh, Gen ngayon mo rin aasikasuhin ang para sa foods and beverages diba?"

"Yes. Ngayon nga. Why? Do you want to come with me?" She asked.

That was tempting. I really want to do a taste test but I know I want to be at the store too and talk to Jace.

Ipagpapalit mo ang pagkain kay Jace? Hmm, why not?!

"Huwag na." I sighed.

"You can come. Tapusin mo na lang yan mamaya o kaya bukas."

"No really. Uh..." Nangapa ako ng salita. I was determined to go kanina but right now, I feel that I should just prioritize talking to Jace.

"Okay. See you later." She smiled and wave. Gusto ko pa nga sanang asarin tungkol kay Kuya Embong pero mukhang maganda ang mood niya ngayon kaya huwag na lang.

Kissing my Limits (Good Kiss Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon