Chapter Sixteen

1.2K 79 4
                                    


"Naku, Jace! Maraming salamat sa pagsama mo kay Aracelli." Si Sister Therese na naghain pa ng meryenda para kay Jace. Pagkauwi ay naligo kaagad ako. Bukod sa init na init na ako, pakiramdam ko ang lagkit lagkit ko at amoy pawis na.

Hindi ko nasundan ang usapan nila dahil pumunta ako sa garden para diligan ang mga bulaklak at mga pananim. Bukas ay puwede nang anahin ang mga pipino, calamansi at talong.

Kinausap ko ang mga bulaklak at naisiping pumitas muli para kay Tita Vina. Ipapauwi ko na lang kay Jace ngayon.

"Hey," Tawag ni Jace. He's standing at the entrance of the garden.

"Hey," Ngumiti ako sa kanya. Nanatili siyang nakatayo roon at hindi gumalaw. Kinuha ko ang basket na madalas kong pinaglalagyan ng mga napitas na bulaklak.

"Gustong-gusto ni Mama ang mga pulang rosas." Tumango siya.

"Padadalhan ko siya."

Lumapit siya sa akin. His eyes are dark. His lips are in a grim line and he held out his hand for me—urging me to give the basket to him. I grinned and gave him the basket.

"How do you know that the flower is ready to be picked?" Tanong niya. Nakasunod sa akin at maingat ang bawat hakbang.

"You'll know." Iyon lang ang tangi kong nasagot.

"Paano nga malalaman?" His lips rose for a wonderful smile.

"Hmm," I hummed as I picked the fresh flowers and put it in the basket. Jace is very attentive to what I'm doing. I intently looked around. The colors around us seems to be dancing and flying around like ballerinas in the air. The flowers, swayed with the wind... Waiting for their turn to be picked.

"You can pick yours. Regalo ko na." Ngiti ko kay Jace na nananatiling nakatitig sa akin at kuryoso.

Mas gusto niya pa akong tignan kaysa sa mga bulaklak?

Sabagay, para nga pala akong magandag diwata kaya hindi ko rin siya masisisi.

"Hmm, I know what to get." Bulong niya at mas lumapit sa akin.

Nagtaas ako ng kilay. 

"Ito, kukunin ko 'to." Aniya at pinulupot ang kamay sa aking baywang.

"Jace!" Pabiro ko siyang siniko. Natawa kami parehas nang muntik pang matapon ang lahat ng laman ng basket.

"Jace! Umayos ka nga. Ang harot kasi!" 

"Hmm, I'm sorry." 

Umikot kami sa huling hilera ng mga bulaklak. Dahil hindi pa pwedeng pitasin ang mga iyon, umiling na ako kay Jace at sinenyasan siyang lumakad na pabalik.

Hinawakan ko ang iilang paso na mayroon ng crack at posibleng mabasag. Aasikasuhin ko ito kapag nagkaroon ako ng mas maraming libreng oras. 

"Nagpaalam ako kay Sister Therese tungkol sa Paskuhan." Sabi niya. Natigil ako. Naalaa kong napag-usapan namin ang pagpunta sa Paskuhan.

"Hindi siya pumayag." He sighed.

"It's okay. Expected ko na iyon." Tumango ako. Ayaw ko rin talagang isipin ni Sister na umaabuso ako. Isa pa, maraming beses na niya akong napagbigyan kaya ayos lang.

Isa iyon sa pinakaimportanteng natutunan ko sa buhay na ito. We have to be grateful no matter what. When we received blessings that are in our favor, we must be completely overwhelmed with gratitude and if we don't, we still have to be thankful because there are still a lot of blessings that are coming at us... Way better than what we have asked for.

Kissing my Limits (Good Kiss Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon