Chapter Twenty-Five

1.4K 76 12
                                    

"You changed a lot!" Hiyaw ni Stephanie. Mukhang hindi pa siya matatapos sa kakadaldal. Si Stefan naman ay tumulong sa luggage ko.

"I left a few things in Singapore." I bit my lower lip. Masyado kasi akong nagmadali pauwi dahil sa ocular visit.

"You'll fly back?" Si Stefan.

"Siguro. After ng bakasyon natin." Sabi ko sa kanya.

Nakapasok na kami sa hotel na binook ni Stephanie. Maganda ang lobby at rinig na rinig pa rin dito ang hampas ng alon mula sa dalampasigan. Sinalubong din kami ng ilang staff ng hotel at pumunta kami sa exclusive suite.

"You grew taller talaga!" Ani Stepahnie na sinusukat pa ang height naming dalawa.

"Steph," Saway ni Stefan.

"I'm sorry, Kuya! I mean, she's beautiful noon pa. But now look, I cannot even look at her without falling in love!" She giggled.

"Ano ka ba! Natuto lang akong mas mag-ayos. Thanks for your tips." Kindat ko. Tinuruan niya ako noon kung paano mag-ayos at maglagay ng make up.

Habang nasa Singapore ay nagpakulay din ako ng Ash brown at mas bagay nga iyon sa akin kahit na mahal ko ang kulay itim kong buhok. I only cut my hair twice after leaving Manila, una ay noong namatay si Nanay Lucy at pangalawa ay noong nasa Singapore na ako.

Ngayon, mahaba na iyon pero wala akong planong magpagupit. Hanggang likuran na ng siko ko iyon pero mas naging maganda pa.

We went inside the big suite and there is only two rooms. Stephanie rolled her eyes. "Siyempre si Kuya roon sa isa. We have a lot of catching up to do."

Tumango ako at sumalampak sa living room na kaharap ang malawak na teresa sa labas. It has a magnificent view of the ocean and some rock formations from afar. The sun's ray passed through the thick glass window. Finally, I've been missing the Philippines and right now, it feels good to be back.

Stefan cleared his throat and he gave me a bottle of water.

"Thanks, Stefan." Ngumiti ako.

"We'll go swimming with the whale sharks tomorrow, okay? Magpahinga tayo ng maaga. But first, let's go grab something to eat." Ani Stephanie.

"Hmm, sa Sumilon Island tayo bukas?" Tanong ko. If I remember it right, Sumilon Island is famous for its whale sharks.

"Yes. I asked my friend to schedule us a tour. It'll be fun." Tuwang-tuwa niyang sambit.

"Okay lang ba kay Stefan?" Tanong ko at sinipat ang Kuya niya na naroon sa alley at may kausap na sa telepono.

"He's crazy for you, and he missed you so much. Kahit sa pinakamabahong imburnal pa 'yan, sasama 'yan basta makasama ka." Ngisi niya.

"Oh please! Don't make a big deal about us, Steph."

"Tagal na ring naghihintay ni Kuya sayo." She pouted.

Napailing ako. It's his choice to wait for me even though I gave him a head up years ago that I am still in love with my ex. He told me that he'll wait for his turn. I wonder when... Dahil kahit ako, gusto kong malaman iyon.

Nagmeryenda kami sa snack bar sa tabing-dagat. Maraming turista ngayon at may iilan pa akong nakitang nag je-jetski. Mukhang masaya nga iyon kaya naman nang nagyaya si Stephanie ay sinubukan namin. Nag picture-picture pa kaming tatlo at kapag kaming dalawa ni Steph ay si Stefan ang nagpipicture sa amin.

Wearing my white stringed two-piece bikini, and a life vest, sumampa ako sa jetski at niyakap si Stefan. Medyo maalog ito dahil medyo bayolente rin ang mga alon. 

Kissing my Limits (Good Kiss Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon