Chapter Two

2.2K 89 46
                                    

Maganda ako.  Iyon ang nakatatak sa isipan ko habang nagbibihis at naghahanda sa pag-alis namin.

Paulit-ulit kong nireplay sa isipan ko ang sinabi ni Jace. Nag-aapoy ang pisngi ko tuwing iniisip siya at ang salita niya. Sorry, krimstix pero gusto kong umasa na baka crush niya rin ako! Kung nagagandahan siya sa akin, baka maging crush niya rin ako kalaunan.

"Sister, may pag-asa pa po ba ang Maynila?" Kuryoso kong tanong kay Sister habang naglalakad kami sa Plaza Miranda. Kalalagpas lang namin sa mga kumpulan ng nagtitinda ng mga imahen, rosaryo, bibliya at kung ano-ano pa na puwedeng pagkakitaan. May mga langis, gayuma at mga kandila rin akong nakita.

Magulo rito sa Maynila. Iyon ang totoo. Dito matututo ka talaga kung paano mamuhay at hanga ako sa mga taong sa kabila ng maraming pagsubok, nakukuha pa ring mamuhay.

"Lahat tayo may pag-asa. Minsan, kahit sa maliliit na hakbang, mayroong pag-asa."

Pag-asa. Big word.

"Ah, eto na." Ngiti niya sa akin. Sa labas ng malaking gusali ay may nakalagay na Ukay-ukay. Mura lang ang mga ito at kaagad kaming na enganyo at pumasok. Naghahanap kasi kami ng Ukay-ukay ni Sister. Maaga talaga kaming gumising nina Sister para bumili ng mga kailangan para sa launching ng Charity house ng mga Fuebego. 

"Aracelli, pumili ka na ng gusto mong bestida." Aniya. Tumango ako at pinasadahan ng tingin ang buong lugar.

Napakaraming magagandang damit at mga bestida ang naroon. Madalas kapag may activities sa school o kaya'y wash day namin, magagandang mga damit ang suot ng mga kaklase ko.

I'm not jealous though. I know that Sister is doing her very best to provide me and Genesis the best of everything. I don't have to be jealous. I learned t be content with what I have in a young age. Mapalad pa nga ako dahil mayroong tahanan na inuuwian, ang ibang bata nga na mas bata sa akin, wala... 

"Ito ba, Aracelli... Gusto mo?" Pinakita sa akin ni Sister ang isang sundress. Kulay asul ito at may maliliit na ribbon sa baywang. Maganda ang tela at tamang-tama lang ang haba.

"Tignan ko nga po." I said and touched the soft fabric of the dress. "Gusto ko po!" Sabi ko.

Ngumiti si Sister at tumango. "Sige, Aracelli. Bibilhin natin iyan."

"Thank you po, Sister." Ngumiti ako. She smiled back and pointed me in the very far right. Mayroong mga hilera ng sapatos at doll shoes doon.

"Tumingin ka roon ng ipapartner mo rito." 

Tumango ako at mabilis na pumunta roon. Namataan ko rin si Genesis na hindi pa tapos mamili ng damit. Kumaway ako sa kanya at ngumiti. She smiled back and I know she was as excited and as thrilled as me. We haven't have a gathering like this for months. Ang huli ay noong Disyembre pa dahil mayroong gift giving ang LGU ng Maynila para sa aming mga nasa Priory House. Nagkaroon din ng maikling programa at binisita kami ng iilang artista noon.

Mangha kong tinignan ang iba't ibang uri ng sapatos doon. Ang ganda... Hinaplos ko ang mga iyon at nangarap na sana balang araw, makabili ako ng maraming ganito. I picked a pretty white doll shoes with a bright diamond on the sides. Alam ko namang peke lang ang mga iyon pero maganda namang tignan at sigurado akong bagay iyon sa dress ko.

Pag-uwi namin ay dumiretso muna ako sa aking silid at nagbihis ng mas simpleng t-shirt at leggings. I may be small but I'm curvy and my curves are in the right places since I was 15 but I sure do know that my curves will still evolve. I'm 17 now so a few more years, I'll be oozing with sex appeal, not that I don't have it now.

Hinawi ko ang buhok nang marahas na umihip ang hangin na tinatabunan ang mukha ko. I smiled big time as I walked past Manang's place and went to the store.

Kissing my Limits (Good Kiss Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon