Chapter Twenty Four

1.3K 75 16
                                    

"Nililigawan ka nung mayaman na gwapo 'di ba? Anong feeling na para kang bida sa isang K-drama o telenovela?"  Pang-iintriga ni Karla.

Binitawan ko ang paso na inaayos ko. Ngumisi ako sa kanya. Madalas kaming magkwentuhan ni Karla tungkol sa kung an-ano. Sobrang thankful ako sa presensya niya kasi siya ang 3-in-1 ko. May ate ako, may kaibigan, at may soulmate pa. 

Interesado siya sa mga ganap ko sa buhay. I think it's her way of entertaining herself. Sawa na raw siya kakanood sa TV ng mahirap na naghihiganti o di kaya'y puro pangangabit at pangangaliwa ng mayamang lalaki at kinakawawa ang asawa niya.

"Masarap sa feeling, Karla. Mainggit ka," 

"Inggit na inggit na talaga! Biruin mo! Puwede ka ring mangutang doon!"

"Hoy!"

"Oh bakit? Totoo naman eh." Tawa niya. 

Sa katunayan niyan, kahit mayaman sila, hindi ako nangungutang sa magkapatid. Kahit pa gaano ako katipid. Minsan kay Benji ako nanghihiram o di kaya'y sa mga kaklase namin kapag maliit lang ang uutangin ko.

Ayaw ko kasing isipin ng dalawa na kinakaibigan ko lang sila para sa pera nila.

Masugid kong manliligaw si Stefan. Suplado, seryoso at magaling sa halos lahat ng bagay. Matalino at guwapo kaya naman halos lahat pinagkakaguluhan siya, parang luluhod ang lahat ng mga babae rito sa Candelaria para lang mapansin siya at gawin ang lahat ng gusto niya.

It's actually nice that he's into me. It's flattering to know that someone as nice as him is serious with me. His words, actions, and efforts tell it all.

He's better than anyone that has courted me since I got here. His intention is very clear to me too... And I must say that I am quite impressed. He's kind and sweet only to me. Kahit kay Stephanie ay suplado siya pero kuha naman na siya ni Steph. Isa pa, ang isang iyon halos iuwi na ako sa kanila para lang ipagkanulo pa kami lalo ng Kuya niya.

"Uuwi ka na?" Tanong sa akin ni Stefan. Nagliligpit na ako ng gamit at umalis na ang mga kagrupo ko sa isang project.

"Oo," Tumango ako at tinignan siya. 

Stefan has the typical straight A student look. Clean cut hair, unblemished skin, tall... Crisp and immaculately clean uniform, broad shoulders and kissable lips. He's handsome with or without his eyeglasses. His eyes always seemed dark and arrogant, but when he looks at me, it becomes soft and gentle.

He always looks away when I stare at him. Hindi ata nakakayanan ang tingin ko.

It's always different with him than with Jace.

Malungkot akong ngumiti. Alam kong mali na palagi kong pinagkukumpara ang mga nanliligaw ko kay Jace.

Pero hindi rin ako masisisi.

James Alexander Manoui has set my standards so high that no one else could ever come close.

Si Stefan lang ang nakalapit... Pero alam kong hindi sapat iyon. 

It's true that first love is hard to beat, but I never expected this to be this strong. It's almost impossible to get out... Sometimes it feels like I'm inside a prison. There's a chain binding you to that love simply because you cannot let it go.

"Ihahatid na kita." Aniya.

Tumango ako. "Ayaw kong sumakay sa kotse niyo. Nasusuka ako."

"It's okay. We can walk." Sabi niya at tinulungan ako sa mga librong dala.

Paglabas sa hallway ay napuno kami ng tukso at mapanlait na tingin mula sa mga schoolmates. Umirap ako at kinausap na lang si Stefan para sa plano niyang pagtakbo bilang Student Council President next year. Patapos na ang second year namin at ang next two years ay ini-aim niyang makuha.

Kissing my Limits (Good Kiss Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon