Chapter Ten

1.4K 71 10
                                    

Pagsapit ng Sabado ay maaga muli akong gumising. Tumulong sa pag-aasikaso ng almusal at ilabas ang mga bata sa field para makakuha naman sila ng Vitamins D.

Pagtapos ay naligo na para sa basketball game nina Jace mamaya. Nagsuot ako ng kulay navy blue na t-shirt at black leggings. Buti na lang at maayos pa ang natatangi kong black na strappy sandals. Matagal na iyon sa akin at baka masikip na pero ayos lang. Basta may magamit ako.

Kumaway si Genesis sa akin habang inaayos ang buhok niya. I sighed and went to her. She told me yesterday that she can't come with me today. Hira told me that she can't go too. She said they have a family outing today.

"Sayang naman, Gen. Wala na nga si Hira tapos di ka pa makakapunta." Sumimangot ako.

"Sorry, Race. Project kasi ito. Mahalaga talaga." She dramatically said. I pouted. Sus. Ako nga di ko pa sinisimulan ang project na iyon. Sa March pa ang pasahan.

"Pero ang alam ni Sister ay kasama kita diba?"

"Yes. I'm helping you out, Race. Ayaw ko naman na hindi kayo matuloy nina Jace." She shrugged.

I sighed. Maganda sana kung makakasama ko siyang manood! Siguro naman ay wala na sina Ysabel?

Sa Gate 6 ulit ako dumaan at naghihintay na roon si Jace at CJ. Kumaway ako sa dalawa.

"Hi," Ngiti ko sa kanila. 

CJ nodded and gave me fist bump. Si Jace naman ay nakataas lang ang kilay at nang matapos kami ni CJ ay marahan na kinuha ang kamay ko at tinapat ako sa kanya. He looks good as usual. He looks so fresh and his scent, amoy na amoy! Gusto ko sana siyang singhutin kaso baka pagtawanan lang nila ako ni CJ at tawaging adik.

Naka jersey shirt sila ni CJ. Ang sarap tuloy haplusin ng dibdib ni Jace! Ang jersey shorts ay tama lang ang haba at fit na fit rin. Iba na naman ang suot niyang sapatos ngayon. Ayan pala ang hindi mayaman ha.

Since he's naturally tall, I always have to look up at him. My eyes landed on his smiling lips.

Sumipol si CJ at tinuro ang daanan patungong court. "Tama na yan. Let's go. Baka magalit pa si Solter." Humalakhak siya.

"Let's go," Hinawakan ni Jace ang kamay ko at tila na naman ako bulate na kinikilig. Sobrang laki ng ngiti ko at maya't-maya ko siyang tinitignan. Kapag nahuhuli naman niya ang tingin ko ay hahagikgik ako.

Hindi ko lang talaga maiwasang hindi kiligin tuwing hawak niya nang ganito ang kamay ko.

Marami na namang tao sa court. May iilan na agad na bumati sa kanya at tinignan agad ako mula ulo hanggang paa. Napapatingin din sila kamay namin. Taas noo akong naglakad.

Bleh! Akin si Jace.

"You good?" Si Jace na hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.

Halos lahat talaga ay tumitingin sa amin. Hindi ko alam kung anong nasa isip nila. Wala rin akong balak malaman. Bahala sila kung anong gusto nilang isipin tungkol sa akin o sa amin. Huwag lang akong makakarinig na mamaliitin nila ako dahil sigurado akong hindi ako magpapatalo.

"Race, ayos ka lang?" Hinarap ako ni Jace. Nasa bleachers kami at may iilang mapanghusga pa rin ang tingin ngunit nang tinignan ni Jace ay nag-iwas ng tingin o di kaya'y ngi-ngiti.

"Oo naman." Tumango ako. "You should go now. Naghihintay na sina Solter."

Marahan siyang tumango. "Darating sina Alliana ngayon."

Ayaw ko sana iyon kaya lang wala namang ginawa si Alliana sa akin. Si Ysabel lang at ang nanny niya.

"Maglalaro na kami. Panoorin mo akong maigi ha?" Aniya at ngumiti.

Kissing my Limits (Good Kiss Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon