Chapter Three

1.8K 77 22
                                    


"Sa isawan ka na naman?" Sumimangot si Genesis sa akin. Nakahanda na silang maglaro ng dodge ball.

"Bukas na lang ako sasali!" Kumaway ako.

I heard them shouting, but I am determine to go to the store. Nilapag ko ang mga gamit sa silid at kinuha ang pitaka. I advanced towards the door of our room when I found Genesis, waiting at the door while her arms are crossed in front of her chest.

Umirap ako sa kaibigan at napangisi. Suminghap siya. Sa ilang taon naming magkaibigan, alam ko na ang bawat hilatsa ni Genesis. At alam ko rin na simula pa noon, mahigpit na siya sa akin.

Peto totoo nga siguro na kapag lalong pinaghihigpitan, mas lalong kumakawala.

"What exactly are you doing?" She asked.

"Huh? Uh, maglalakad sana papunta sa isawan dahil-"

"I don't buy that. What are you really doing, Race? I hope you are not getting yourself into trouble."

"It's fun to get into trouble." I mockingly smile at her.

I know her too well and that this will trigger her. Taliwas kami sa pag-uugali ni Genesis pero isa rin iyon sa dahilan kung bakit namin kailangan ang isa't-isa. At ako, sa totoo lang... ayaw kong mawalay sa kanya. She's a great friend, although there are times that she's a bit controlling and manipulative. Mas gugustuhin ko pa ring tignan ang mga kabutihan niya sa akin.

"Race,"

"Gen, it's fun to engage in trouble some times. You'll have fun and then you'll learn a lot."

The same belief I have when it comes to mistakes. How would I know if it's a mistake if I won't try it? I won't know that it's a mistake if I won't commit it, and when I did, that is the only time I can say that it's a mistake and I'll learn from it. 

"Race!"

"Gen, please. Bibili lang ako." I said and went pass through her. Hindi na rin niya ako inawat. 

Dumiretso ako sa tindahan. Maraming tao roon kaya sa isawan muna ako pumunta. Umorder ako ng limang isaw at dalawang betamax. Pagkabayad ko kay Manang ay hindi pa rin nauubos ang tao sa tindahan at may dumadating pang bago.

Ang dami namang tao ngayon!

Ngumuso ako at hinintay na maubos sila lahat bago nagtungo kay Jace. Madilim na at bukas na ang ilaw sa labas.

"Hi," Kumaway ako. Tanglaw ang maamo at kalmado niyang mukha. He ran a tongue over his pinkish lips and accepted my greeting.

"Hi, Race." He smiled.

"Busy ah..." Puna ko.

"Yeah..." He stretched his arms. Pinanood ko rin ang paglagay niya ng dalawang kamay sa batok at ginalaw-galaw ang ulo patagilid sa magkabilang gilid.

I have only one word: HOT!

I bit my lower lip and looked away. "Uh, pabili akong tubig."

"Okay." Nilahad niya ang kamay para sa bayad at inabot ko ang eksaktong pera.

He went to the fridge and I watch as he opened it. Madalas ay naka plain t-shirt siya pero ngayon ay naka jersey shirt ng isang skita at prestihiyosong eskwelahan dito sa Pilipinas.

"You play basketball?" I asked.

Lumingon siya at tumango tapos bahagyang hinawakan ang jersey shirt. "Yeah. Kakauwi ko lang at kakatapos lang naming maglaro ng mga kaibigan ko."

"Nag-aaral ka sa UST?"

"Well, yes." Inabot niya ang tubig sakin. Bukas na iyon, binuksan na niya.

Kissing my Limits (Good Kiss Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon