Chapter Seven

1.4K 74 20
                                    

"Welcome to 2011 St. Scholatica's Science Fair." Pumalakpak si Hira. She started the program as I roam around to make sure that everything is in order.

"Uy, tumayo ka na riyan!" Sigaw ko sa isang member namin na nakuha pang magpahinga.

"Nahihirapan ako huminga." Aniya sa akin.

"Edi tumigil ka na sa paghinga para hindi ka na mahirapan pa." I rolled my eyes. Siniko ako ni Genesis at umiling.Sinabihan niya itong ayos lang at magpahinga kung kinakailangan.

Ayan! Masyado kasing mabait!

"Gen!" Angil ko.

"Don't be so harsh, Race!" Ani Genesis.

"Whatever!" Hinawi ko ang buhok at inayos ang microphone. Sumilip ako sa field at nakitang mas dumadagsa pa ang mga tao.

Pumunta ako sa registration booth at tinignan na halos kumpleto na ang mga estudyante at marami ring nag sign up na bisita.

Wala pa si Jace at ang mga kaibigan niya. I don't know if he'll take my advice. Kung dadalhin niya nga rito ang babaeng gusto niya. 

Mula sa registration booth ay may hilera ng mga booths. It's a Science Fair so hindi mawawala ang booths ng mga estudyante at kanilang science projects. We don't care how they style their booths. As long as kapag nariyan na ang mga judges mamaya, dapat ay maayos na sila. They can choose what to do, they can report, create and display models of which they have created or simply just display boards. Bawat section mula Grade 1 ay mayroong representative.

Sa gitnang isle na naghahati sa dalawang panig ng booth ay mayroong pwesto para sa mga manonood. Sa mga stone tables malapit St. Scholastica building at St. Gertrude ay naroon ang mga food booth. Apat lang naman kasama na ang Invention for a Cause ni Genesis. Desserts ang tinitinda ng section namin.

Sa pinakadulo at sa bleachers ay naroon ang sinet-up naming stage. Sa likod ay naroon ang mga tents. We provided tent for the band and they are now resting inside. Kanina ay chineck ko kung ayos lang ba sila at sinabi naman nilang ayos na ayos ang lahat. Binigyan ko rin sila ng pagkain at tubig at hinayaan ng magpahinga.

The school only have three closed tents with aircon. Ang isa ay para sa aming mga Science Club member at ang isa ay para sa Emergency at Clinic. Hinanda namin iyon para kung sakaling may mahimatay o may masakit, diretso na sa loob.

"Race, i che-check ko lang muli ang pagkain." Ani Genesis at tumakbo na papunta sa Priory House. Hindi na kami nag pa cater dahil mahal pa. Mas pinili naming magpaluto kina Sister. That way, mayroon pa silang income.

Luminga ako. Wala pa talaga si Jace. Inalis ko muna ang headset at microphone na nakakabit sa akin at inabot sa apat na judge ang flow ng program.

Nasa kalagitnaan ng speech si Sir Midas at Sir Demi nang nakita kong pumasok si Jace kasama ang mga kaibigan.  Nagtagal ang tingin ko kay Jace. Agaw pansin sila sa atensyon dahil bukod sa ang tatangkad nila, mga gwapo pa at mukhang galing sa mga mayayamang pamilya. Pinagmasdan ko si Jace. He looks incredibly good. He's wearing a navy blue t-shirt, black pants and a white sneakers.

He walks like a supermodel. Idagdag pa na palangiti siya at talagang mahahalina sa kanya ang lahat. I even saw one of my schoolmate almost tripped infront of him because she's drooling over Jace.

Buti nga!

"Andiyan na," Ani Hira sa akin. I nodded. Tinignan ko pa kung may iba pa ba silang kasama. Parang wala ah? He didn't take my advice?

Nilapag ko ang hawak kong checklist. "Sandali, I'll welcome them."

Habang nag re-register sila ay lumapit na ako. Agad akong namataan ni Jace at ngumiti. Kumaway ako at tumango sa kanila.

Kissing my Limits (Good Kiss Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon