Chapter Seventeen

1.3K 72 0
                                    

Pagsapit ng bagong taon ay nagdasal kami nina Sister at nagpahinga na. Kagaya noong sa Pasko, puro text at tawag lang kami ni Jace. Naging abala rin ako sa pag gawa ng regalo ko sa kanila. I made them letters and I knitted some socks for them.

As for Jace's birthday, he went to Lucena and celebrated with his family there. Aniya'y babalik din naman daw sila at makakapag celebrate kami pag-uwi niya. Kaya naman pag-uwi niya, nagpaalam siya kay Sister Therese na mag ce-celebrate kami.

Pumayag naman si Sister at masayang-masaya ako roon. 

Marahan kong pinagmasdan si Jace habang nagliligpit kami ng mga pinagkainan. Nagdala siya ng mga pagkain dito sa Priory House.

"Tama na ang pagtitig," Bulong ni Jace sa akin. 

Napagtanto kong hindi lang dahil sa guwapo siya, magaling makapag-usap at mabango kaya siya nagugustuhan ng lahat ng tao sa paligid. Magaling siyang makisama. May puso at mapagkumbaba. Makikita at mararamdaman mong totoo siya at walang halong pagpapanggap.

He's loved by a lot around him. He's like that special someone who will bring sunshine in your life. He's like the fresh sea breeze... The butterflies in the garden. The rainbow after the rain. He's all that.

"Oh, basta... Ang pag-ibig kailan man ay hindi dapat madaliin."

Nangangaral nga sila tungkol sa pag-ibig at hindi rin nakatakas ang panggigisa nila kay Jace.

Tuwing nagkakasalubong ang mga tingin namin ni Jace ay ngumi-ngiti kami sa isa't-isa.

Hindi ko kailangan ng depinisyon ng pag-ibig. Maraming tao ang pilit na pinapantayan at pinagbabasehan ang pag-iibigan ng iba ngunit nabigo sila. Gusto kong gumawa ng sariling depinisyon ko ng pag-ibig. Isang pag-ibig na kailanman ay hindi matatagpuan sa iba.

"Sige na," Iyon ang tanging sinabi ni Sister Therese sa amin.

Tahimik kaming naglakad palabas sa Gate 8. Magkahawak kamay kami at hindi talaga nauubos ang kilig ko para kay Jace. Ang mga paru-paro sa aking tiyan ay maligalig. Ang puso ko ay naghuhurumintado at nararamdaman ko sa buong katawan ko ang epekto niya sa akin.

Tahimik pa rin kami nang tumawid kami papunta sa tindahan. Sarado ang tindahan ngayon.

Binuksan niya ang gate at sabay kaming pumasok. "Hope you'll like my surprise." Sabi niya.

"Jace, kahit anong gawin mo gustong-gusto ko." 

"Hmm, hindi naman halatang in love ka sa akin, Race." He chuckled.

Oh! Hindi mo lang alam! Kaya kong sambahin ka at lumuhod sa harapan mo!

Binuksan niya ang front door nila. Red and pink flower petals are scattered on the floor. Agad akong napasinghap. Ang bango bango tuloy! The whole house smells like sweet vanilla and dew. There are a few white balloons too. Their sofa has a big white teddy bear on it and it has my name on its heart!

Natutop ko ang aking bibig at ginala pa ang tingin sa paligid. Sa center table ay may mataas na hilera ng CDs at DVDs ata roon at may bucket na hindi ko naman alam kung anong naroon. Sa hapagkainan naman nila ay marami ring pagkain at mayroong kandila roong hindi pa nabubuksan.

He smiled at me like he is so proud of what he did.

He gave me a big bouquet of blue tulips. Nangningning ang mga mata ko roon at mabilis iyong tinanggap at niyakap siya. "Thank you, Jace!"

"Hmm, you like it?"

"Siyempre!"

Nilapag ko ang bouquet sa ibabaw ng sofa at niyakap siyamg muli. Nanatili ang kamay niya sa aking baywang. "Salamat, Jace."

Kissing my Limits (Good Kiss Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon