Panimula

54 9 2
                                    

Magandang araw, hapon at gabi sa inyong lahat lalo na sa aking mahal na mambabasa, ito na po ang kwentong di masyado inaasam-asam nila ngunit itong kwentong ito ay isinulat ko noong nasa ikalimang baitang pa ako, isinulat ko pa ito dati sa isang kuwaderno at ilang taon nang lumipas ay pinost ko ito sa Facebook ko medyo kaunti lang ang bumasa pero ayos lamang sa akin ito, kaya pinilit ako ng aking mga kaibigan na ipost itong kwento sa Wattpad at nais na ito'y basahin ng mga mambabasa, and I hope all of you will read my story and I hope you'll admire those fictional characters who doesn't exist wawa naman yet they only exist on your imagination HAHAHA, so read at your own risk and sorry for those grammatical errors kasama ko naman si kumpare Google Translate HAHAH. Labyo all 💜

                       INTRODUKSYON                       

Ang kasaysayan ng Pilipinas mula 1565 hanggang 1898 kilala rin bilang panahon ng kolonyal ng Espanya ay ang panahon kung saan ang Pilipinas ay bahagi ng Imperyong Espanya. Ang Pilipinas ay natuklasan ni Ferdinand Magellan sa ika-16 siglo, hindi ito totoong totoo, si Ferdinand Magellan ay maaaring unang European na nagtakda ng paa sa Pilipinas ngunit ang Pilipinas ay pinanahanan ng mga tao ng daan-daang taon, bago ang mga Espanyol. Malaki ang epekto ng kolonisasyong Espanyol sa Pilipinas, laganap ang pang-aalipin sa mga Isla ng Pilipinas noon, ang mga kababaihan noo'y inabuso at ginigipit, ang ilan sa kanila ay ginahasa at pinatay nang walang awa, iyon ay labis na malupit sa kanila. Maging mga kalalakihan noo'y pinarusahan dahil sa hindi pagsunod sa mga malulupit na batas na kanilang hinain noon, ngunit sa gitna pala ng kaguluhan ay may isang pasubatang kwento ng pag-iibigan ng dalawang tao na magkaiba ang kanilang landas, nais mo matunghayan? Halina't basahin nang taimtim ang kwento nina Zacarias at Juanita. Noong unang panahon, syempre sa panahon ng mga Kastila sa isang bayan sa Luzon ang sinakop rin ng mga Espanyol, ang bayan ng Vigan maraming tao ang nakatira doon may mga kalesa doon na nagbibiyahe sa bawat sulok dito sa bayan, may mga malalaking at malalawak na mansyon dito kung saan nakatira ang mga señor, señora, mga señoritos at mga señoritas, meron ding merkado kung saan dito sila bumibili ng mga kinakailangan nila sa pang araw-araw, dito rin matatagpuan ang tanyag na plaza ng Vigan ang Plaza Burgos, ngunit ang buhay doon ay hindi patas. Mas binibigyan nila ng pansin ang mga mayayaman lamang, pinapatay nila sa gutom at uhaw ang mga kapwa nila kababayan nila, hinayaan nila ang mga tao na nanlilimos ng kunting pansin at pagkain, kaya ang buhay doon ay hindi talaga patas, para sa kanila kung mahirap ka, talo ka. Isa na dito ang mga pamilya Reál, mga mata pobre ito sila kung mahirap ka, bagay ka raw sa basurahan ngunit iba sa kanila ang anak nina Don Alessandro Biendego y Reál at Doña Rosa Valencia y Reál na si Lofranco Miguel Zacarias y Reál o mas kilala bilang Zacarias, iba siya sa pamilya nila, hindi siya ganon kalupit sa mga tao sa paligid niya, para sa kanya pantay ang tingin niya sa iba tuwing may nakasalubog niya mga taong nanlilimos sa Calle Crislogo binibigyan niya ito ng pagkain o hindi kaya pera ang binibigay niya sa mga pulubi kaya siya'y pinagguguluhan ng mga kababaihan sa bayan nila dahil sa ugali niyang kaaya-aya, maginoo rin siya bata man o matanda, at siya raw ang pinakagwapong ginoo sa kanilang bayan isa na doon ang anak ng pamilyang Yñiguez na si Margarita Antonella y Yñigues ngunit para kay Zacarias mas bagay sina Margarita at kanyang matalik niyang kaibigan na si Alvaro Matias y Santiago aba dapat lang, bagay na bagay sila diba? Hinahangan din naman ni Alvaro si Margarita kaya bagay sila (yieee crushback na yan). Habang bumibili si Zacarias ng mga kagamitan pang guhit at pang sulat tulad ng papel at panulat, bumili siya kina Mang Antonio Bustamante. Bumibili lamang nun si Zacarias nang biglang may sumigaw ng pangalan niya sa kanyang likuran ng...

Century of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon