Habang sa Casa de Reál ay abala ang lahat sa paghahanda nila para sa pagtitipon nila na gaganapin ngayon, ang iba ay umupo agad sa kani-kanilang upuan para magpahinga lalo na sina Don Crisostomo at Margarita na umupo talaga sa tabi ng mga Reál para mayroon silang kausap hanggang matapos itong pagtitipon, binigyan ni Margarita ng pwesto si Zacarias para sa kanyang uupuan at binigyan ni Doña Rosa Valencia ng upuan rin sina Zacarias at Juanita este Belleza nga pala para may pwesto rin silang uupuan. Ilang minuto na nakalipas ay narating na nga nina Zacarias at Juanita ang Casa de Reál, tarangkahan palang sila nakarating bumaba na sila sa siyahan ng kalesang sinakay nila, una muna bumaba sa kalesa ang maginoo na si Zacarias bumaba siya sa siyahan ng kalesa nang marahan hanggang siya'y nakatapak sa lupa at iniangat niya ang kanyang kanan niyang kamay bilang pagpakita ng galang sa kanyang binibini, binigyan na nga ni Zacarias ang kanyang kanan kamay para kay Juanita upang hindi siya madapa, mahulog o matapilok man lang ngunit ngumiti lamang si Juanita na para bang mayroon talaga siyang kumpiyansa sa kanyang sarili, kaya niya talaga ito lahat kaya hindi niya kailangan ng tulong ng isang mayamang ginoo na nagmumukhang basahan sa harapan niya.
“Naku, Ginoong Zacarias hinding-hindi ko kailangan ang iyong tulong, mayroon akong kumpiyansa sa sarili samakatuwid kaya ko itong gawin mag-isa lamang!”
“Bahala ka kapag ika'y mahulog dyan sa siyahan.”
“Ninanais mo talaga na ako'y mahulog?”
“Sige na, bumaba ka na dyan mahuhuli na tayo!”
Bulalas ni Zacarias kay Juanita, pinagdasal nang taimtim ni Zacarias na mahulog si Juanita sa siyahan ng kalesa para dali niyang maaksiyonan na saluin siya na mala telenovela sa telebisyon natin, diba walang telebisyon dati sa panahon nila diba? Kaya parang ganoon ang mga istilo niya kapag mahulog itong si Juanita sa siyahan ng kalesang sinakay nila. Akala ni Zacarias na hindi matapakan ni Juanita ang siyahan, 'yung parang maliit na hagdanan na para bumaba basta makita niyo iyon kahit saan, akala niya na hindi niya iyon matapakan dahil hindi niya masyado makita ang baba ng kalesa at mahaba rin ang saya na sinuot ni Juanita. Akala na matutuloy ang lahat ng mga haka-haka sa kanyang utak, akala na mahulog si Juanita sa siyahan ng kalesa at lalo na akala niya masalo niya si Juanita ngunit hindi pala, lahat ng iyon ay naglaho na parang bula nang nakaapakan niya ang lupang kinatatayuan niya at iyon nga ang sinasabi niyang kumpiyansa, hindi niya kailangan ng tulong kahit kanino maliban lang kung mahirap ito. Nang nakaapak na nga siya sa lupa at nakatayo pa ito nang matuwid at mayroon pag-aalinlangan rin sa sarili dahil sa sobrang kaba na maharap ang mga mayayaman na angkan sa bayan na kinabibilangan niya.
“Ito ba ang tahanan niyo?”
“Oo at saka matagal na rin iyan itinayo bago pa dumating ang mga Kastila dito sa Vigan.”
“Ang ganda ng tahanan niyo ha, siguro maganda rin ang loob ng tahanan niyo!”
“Tiyak magugustuhan mo ang mga bagay na makita mo sa loob ng Casa de Reál.”
“Ano pa ang hinihintay natin? Halina't pupunta na tayo sa loob, nais ko na makilala ang mga pamilya mo at 'yung sinasabi mong Margarita.”
“Naku, mas maganda ka pa kaysa—”
“Ano ang sinabi mo? Mas maganda pa ako kaysa sa kanya?”
”Oo, iyon na nga ang sinabi ko ngunit hindi ikaw ang tinutukoy ko.”
“Sira yata ang ulo ng lalaking ito.”
“Halika na! Naiintindihan mo ba 'yung mga dapat mong gawin?”
“Oo, ako pa! Dapat isa kang magaling na sinungaling.”
Habang sila'y nakipagtalastasan sa isa't isa at habang sila'y nagtatalunan sa isa't isa tungkol sa gagawin nila sa pagtitipon, ang isa naman sa kanila ay puro reklamo at ang isa naman ay pilit na sumuko sa panukala nila. Habang sila'y nagtatalunan sa isa't isa, hindi naman napansin ng dalawang hinayupak na ito na narating nila ang balkonahe ng Casa de Reál kung saan maraming mga mararaming tao nasipagtayuan sa balkonahe habang sila'y nag-uusap sa kani-kanilang buhay ngayon, sumigaw si Juanita na para bang inaasar niya itong si Zacarias at si Zacarias naman ay pilit na patahimikin itong si Juanita dahil nakakahiya na kapag silang dalawa mag-away sa harapan pa ng mga mayayaman na angkan sa bayan nila, nang narating nila ang balkonahe nag-aaway parin itong dalawang hinayupak na lumilingon na ang mga tao sa paligid nila, tila nahihiya itong mga taong ito nang makita ang dalawa na nag-aaway na parang mga bata na naglalaro ng tagu-taguan ang isa ay hindi tanggap ang pagiging talo. Nang napansin na ni Zacarias na lahat ng mga tao sa paligid nila'y tumingin sa kanila, kahina-hinala ang kanilang mga tingin kay Zacarias at Juanita.

BINABASA MO ANG
Century of Love
RomanceKayo ba'y pinagtapo at tinadhana? O sadyang pinagtagpo lang kayo para kilalanin ang isa't isa? Andito naman tayo sa isang makasaysayang pag-iibigan ng dalawang tao na magkaiba ang landas nila, ang isa ay nagmula sa mayamang angkan at ang isa naman a...