So ayan na narito na ulit ako para mag update myghaaad! Good day mga hija at hijo ko dyan na natutulog pa, nag selpon² pa hoooyy gising na kayooo nag update na si reyna! So wag na magpatumpik-tumpik pa, arat naaa!
— • KABANATA 2 • —
Nang narating ni Juanita ang kanyang silid na malapit sa balkonahe ng likod ng simbahan, kinuha niya ang kanyang saratoga na malapit sa gilid ng kama niya nagmadali siyang kunin ito at inilagay niya ito sa ibabaw ng kama niya, kinuha niya ang kanyang mga damit sa aparador niya, kinuha niya ang mga baro't saya niya, mga bakya niya at lahat ng kagamitan niya. Habang siya'y naghahanda para sa pag-alis niya sa Calamba, hindi niya pansin pumasok pala sa kanyang silid si Madre Estrella at umupo sa kama niya. Napansin agad ito ni Juanita na nakaupo na pala si Madre Estrella sa kanyang kama dala ang matamlay niyang mukha, kaya ngumiti nang kaunti si Juanita kay Madre Estrella.
“Talagang aalis ka na pala, mi hija.”
“Opo, ina may mag-aalaga na sa akin! Mga tunay kong kamag-anak ang mag-aalaga sa akin nang labis.”
“Buti ka pa natutuwa kapag umalis ka na dito ngunit kami hindi natutuwa na umalis ka.”
“Madre na naman.”
“Ayaw namin na ika'y lumisan na dito sa Calamba, hindi ka ba nalulungkot na iwan mo kami ng Padre José mo?”
“Nalulungkot naman ako, ina ngunit kamag-anak ko iyon, ina.”
“Kami? Kami naman nag-alaga sa iyo, kami nagpakain sa iyo, kami nag-aruga sa iyo, ginawa namin lahat para mabuhay ka dahil iniwan ka ng ina mo noong dalaga pa ang iyong ina. Hindi ba't parte parin kami ng buhay mo, Juanita?”
“Ina, huwag kang mag-aalala. Kayo lahat dito sa Calamba hindi ko kayo makakalimutan, kayo ang dahilan kung bakit ako nabuhay sa mundong ito, ito ang kinagisnan ko, ina kaya huwag ka ng malungkot.”
“Hindi naman ako nalulungkot, masaya nga ako dahil may mag-aalaga na sa iyo.”
“Para sa akin, ikaw parin ang mabuting ina sa akin hindi tulad ng totoo kong ina na iniwan lang ako kahit saan.”
“Naku, ikaw talaga, Juanita handa ka na ba?”
“Syempre, handang-handa na ako.”
“Halina't bumaba na tayo, naghihintay na ang kalesa ni Mang Hermoso.”
Ang tuwang-tuwa na wika ni Madre Estrella sa kanyang anak, binitbit niya lamang saratoga ng kanyang anak habang tinitigan niya ang kanyang kaakit-akit niyang anak, ngumiti lamang siya nang kaunti habang tinitigan ang anak para sa kanya ito ang pinakamasakit na kabanata sa buhay niya, ang mawala sa piling ang minamahal niyang anak, hindi man siya naging mabuting tagapangngalaga ni Juanita pero naging mabuti siyang ina ni Juanita kumpara kay Ayala. Nang nakarating na sila sa labas ng simbahan, tuwang-tuwa nga si Juanita nang nakita niya si Mang Hermoso sa kalesa kasama si Padre José.
“Mang Hermoso, ama!”
“Andito na pala ang hija ko!”
“Magandang araw sa iyo, binibini.”
“Gayundin ako sa iyo, Mang Hermoso.”
“Saan ka ba pupunta at marami ka yatang dalang saratoga, Juanita?”
“Pupunta ako sa Vigan, naghihintay na doon ang mga kamag-anak ko.”
“Mabuti kung ganoon, may mag-aalaga na saiyo, Juanita.”
![](https://img.wattpad.com/cover/218396955-288-k203152.jpg)
BINABASA MO ANG
Century of Love
RomantizmKayo ba'y pinagtapo at tinadhana? O sadyang pinagtagpo lang kayo para kilalanin ang isa't isa? Andito naman tayo sa isang makasaysayang pag-iibigan ng dalawang tao na magkaiba ang landas nila, ang isa ay nagmula sa mayamang angkan at ang isa naman a...