KABANATA 3

9 4 0
                                        

Hinihingal noon si Juanita maglakad, pawis na pawis na siya sa kakalakad dala-dala ang mabibigat niyang saratoga, dalawang araw siya naglalakad kaya dalawang araw din niya tiniis ang pagod at hingal sa paglalakad buti nalang nakakain siya nang maayos dahil sa gitna raw ng paglalakad aba syempre may mga punong kahoy na nagbubunga kaya pinipitas niya ito at kinain, tuwing siya'y nauuhaw naghahanap siya ng paraan makakita ng tubig at parang siniswerte itong matapang na babae nakakita siya ng ilog kaya doon siya umiinom at naliligo, mabaho na daw ang halimuyak ni Juanita. Sa gitna ng kaabalahan sa paglalakad ay narating na nga niya ang Vigan kaya lubos siya natutuwa sa kanyang sarili nang narating na nga niya ang paraisong inaasam-asam niya. Tumakbo siya tungo sa daan patungo sa bayan ng Vigan, tuwang-tuwa nga siya sa kanyang sarili inilagay niya sa lupa ang saratoga niyang dala at nilanghap ang simoy ng hangin ng bayan ng Vigan. Pinulot niya ulit ang mga saratoga niyang dala at naglakad sa buong bayan, hindi pa siya nakakita ng bayan tulad nito, marami raw na mga binibini na nakasuot ng magagarbong baro't saya dala ang mga pamaypay nila na yari sa abaniko at nagtalastasan nila na napakahinhin, nakita niya mga kalalakihan na nag-uusap sa isa't isa tungkol sa mga kalagayan nila, at lalo na hindi mawawala sa paningin niya mga Kastila na naglalakad sa buong bayan para pagmasdan mga tao sa paligid, mayroon din siyang nakita na pinagbuhatan ng kamay ang mga mahihirap pinagpapalo sila ng mga Kastila sa harap ng madla, umiwas nalang siya sa tingin. Habang naglalakad siya, hindi mawala sa kanyang kaugalian ang mangulangot sa harap ng mga tao, kaya nangulangot siya baka may makuha siyang kulangot sa kanyang matangos na ilong, lahat ng mga tao lalo na mga kababaihan ay nandidiri na tumingin sa kanya dahil nga siya'y babae at hindi nga ganoon ang pag-uugali ng mga kababaihan doon, maganda nga siya ngunit madungis nga lang. Nangungulangot parin siya habang naglalakad hanggang sa napabangga siya sa isang Kastila kasama ang dalawa pa, kaya lumingon ang Kastila sa kanya habang si Juanita ay nangungulangot parin sa harap nila, kaya napatawa nalang ang dalawang Kastila sa likuran ng isa pang Kastila, habang ang isa ay nandidiri sa kanya.

“¿Estás recogiendo tu nariz delante de nosotros? Eso es irrespetuoso para nosotros.”

“Oh, lo siento, no lo dije en serio. Akala niyo lang hindi ako marunong magsalita ng Espanyol? Hoy, nag-aral ako noon sa Espanya tapos pumunta ulit ako dito sa Pilipinas upang magbakasyon, akala niyo lang mahina kami diyan? Huwag kayo mag-asta na parang mas daig niyo pa mga Amerikano mag- Ingles? Nakakainsulto na kayo ha, kayo mga dayuhan dapat bumalik kayo sa bansa niyo, wala kayong mapala sa amin! O, kita niyo diba? Kulang kami sa pagkain at pera may makakamtan ba kayong kayaman? Wala! Niisa man lang, wala! Kaya umalis na kayo, nakaharang kayo sa dinadaanan ko!”

“Mírala, está tratando de ser traviesa con nosotros, usedre merece ser castigada, señorita.”

“Naku, salamat sa pagtawag sa akin ng señorita ha, ikagagalak ko iyon.”

“¡Arrodillarse¡”

“Oo na, luluhod na po ako, señorito.”

“Pon tus dos manos desnudas en la superficie del suelo.”

“Ito na po, nilalagay ko na po ang mga kamay ko sa lupa.”

“¿Dónde está mí látigo? Voy a probarle la ardiente venganza mía.”

Nang itinapat na ni Juanita ang kanyang kamay sa ibabaw ng lupa, nanginginig siya sa takot na siya'y pagpaluan din ng látigo tulad ng nakita niya kanina dahil sa takot na siya'y saktan nang husto pinikit niya ang kanyang mga mata upang maiwasan ang sakit ng látigo, hindi niya inaasahan itong pangyayari, ngayon lamang siya makatikim ng parusa. Kaya habang dahan-dahan iniangat ng Kastilang ito ang kanyang malupit na látigo, nagdasal nang taimtim si Juanita sa parusang matatanggap niya mula sa malupit nitong Kastila. Sa hindi inasahan na pangyayari, muntik sana mapaluan ng látigo si Juanita nang mayroon nakaharang sa harap niya na parang protektahan siya laban sa mga Kastilang nangungutya sa kanya. Lahat ng tao sa paligid niya'y sumigaw na parang nag-aalala sila sa kalagayan ni Juanita at sa lalaking nakaharang sa harap niya upang tulungan si Juanita, dahan-dahan iniangat ni Juanita ang kanyang ulo upang masilayan itong taong lumigtas sa kanya, isang ginoo na may maamong wangis ang nagligtas sa kanya, nakagapos ang látigo sa kanang braso niya at parang pinaglalaban nitong ginoo ang karapatan ni Juanita, naakit nga ng ginoong ito si Juanita kahit anong pustura niya napakagwapo niyang tingnan.

Century of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon