KABANATA 8

6 3 0
                                    

Habang naglalakad na si Zacarias tungo sa isang tindahan ng mga kasuotan upang bumili ng damit para kay Juanita at para din sa pagtitipon nila sa casa kaya andoon lahat ng mayayaman na angkan sa bayan nila, mga mayayaman na mapagmataas, mga mayayaman na tingin nila sa paligid ay basura, at mga mayayaman na may kapangyarihan na wasakin lahat ng reputasyon ng mga mahihirap ngunit iba si Zacarias sa kanila siya nga'y mapagpakumbaba sa kapwa kahit mahirap nirerespeto niya nang husto, kaya sa pagtitipon na gaganap mamayang gabi dapat ay engrande at magarbo, aba, dapat lang dahil pagtitipon nga ito. Nang narating na nga niya ang tindahan ng mga kasuotan hindi siya nag-aalangan na pumasok sa tindahang ito, kaya dahan-dahan siyang pumasok sa tindahang iyon at bumati sa maglalako ng tindahan ng mga kasuotan. Bumati siya ng magandang araw sa maglalako nang labis at napatango nalang ang maglalako na si Asuncia kay Zacarias hanggang siya'y agad tumayo sa kanyang upuan at nagtungo kay Zacarias upang tanungin siya kung anong bibilhin niya.

“Señorito Zacarias, anong bibilhin niyo po? Barong ba? O—”

“Mayroon pa ba kayong baro't saya para sa isang magandang binibini?”

“Hmm, tila'y umiibig ka na yata, Zacarias sino pala ang susuot ng baro't saya?”

Malinaw naman na si Juanita ang susuot ng baro't saya.”

“Ahh 'yung pamangkin ni Aling Ellenza? Naku, napakagandang binibini iyon! Kahit anong angulo o pustura niya, kaakit-akit parin siyang pagmasdan. Bakit? Señorito Zacarias, umibig ka na ba sa kanya? At baro't saya pa ang handog mo sa kanya.”

“Hindi ko po siya iniibig, bibili lang po ako ng baro't saya para sa madungis niyang mukha.”

“Ganoon ba?”

“Mayroon nga ba dito 'yung baro't saya para sa magandang binibini?”

“Sandali lang po, kukunin ko muna iyon.”

Sagot niya kay Zacarias, umalis muna siya nang sandalu upang kunin ang baro't saya na susuotin ni Juanita sa pagtitipon mamayang gabi dahil rin pagod na si Zacarias sa kakatayo nang matagal na oras siya'y umupo na lamang sa isang upuan habang hinihintay na dumating ang baro't saya na kukunin ni Aling Asuncia. Siya'y naghintay ng ilang minuto para hintayin na dumating si Aling Asuncia, nang biglang dumating na nga si Aling Asuncia dala-dala ang isang kahon at parang mabigat ito para sa kanya dahil nga si Aling Asuncia ay matanda na para buhatin isang mabigat na kahon, kaya tumayo si Zacarias sa kakaupo niya sa isang upuan at dahan-dahan lumapit sa kahon na kinuha ni Aling Asuncia. Pinagmasdan niya nang maigi baka ito'y masyadong madumi o pulpol itong tingnan.

“Naku, paumanhin na kung natagalan ko ang pagkuha sa kahon na ito, mabigat kasi, señorito Zacarias.”

“Hindi, ayos lamang sa akin iyon. Bakit po ito mabigat?”

“Naku, itong baro't saya na ito ay itinahi ng aking lola noong siya'y buhay pa, itinahi niya ito para sa akin ngunit masyado na itong masikip sa katawan ko kaya isinilid ko na ito sa kahon at akalain mo 'yon hanggang ngayon buhay pa ito!”

“Sigurado ba kayo na makasya ito kay Juanita?”

“Oo, kasyang-kasya ito sa kanya at napakaganda nito kapag sinuot niya ito talagang ikaw ay mapaakit niya.”

“Maari mo pong buksan ang kahon?”

“Aba, naku, oo naman.”

Tuwa niyang wika kay Zacarias, kaya hinila ni Zacarias ang kahon na ito ngunit para sa kanya ang dali nitong dalhin, para sa kanya lamang iyon dahil nga hindi siya matanda syempre madali sa kanyang bitbitin ito nang walang pag-aalinlangan sa sarili. Dahan-dahan at marahan niya itong binuksan ang takip ng kahon na iyon, pagbukas palang niya parang ang ganda na ito pagmasdan kahit malayo, at may libreng pamaypay pa ito at alahas. Dahil sa ganda palang ng baro't saya na nakasilid sa kahon na ito napangiti na lamang siya sa nakasilid dito at kagyat niya itong sinara sabay sabi niya kay Aling Asuncia.

Century of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon